Chapter 886 - Pagkatapos (3)

'Hay nako, kayong dalawa talaga, para kayong mga bata!' Sa inis ni Qiao

Anhao, bigla siyang kumuha ng mga bloke ng Lego at ibinato sa dalawa.

"Lumabas nga kayong dalawa!"

-

Pagsapit ng sabado, kagaya ng usapan, nagshopping sina Qiao Anhao at Qiao

Anxia. Binilhan ni Qiao Anhao si Little Rice Cake ng bag, lapis, at baunan,

samantalang si Qiao Anxia naman ay binilhan ito ng maraming laruan.

Ika-Lunes, may maagang meeting ang Board of Directors ng Huan Ying

Entertainment, kaya kailangan ni Lu Jinnian pumasok ng sobrang aga.

Pagkagising ni Qiao Anhao, binihisan at pinakain niya kaagad si Little Rice

Cake sa tulong ni Madam Chen. Mabilisan lang ang kilos nila para hindi

malate ang bata sa unang araw nito sa school kaya pagkatapos nilang

maghanda, maingat niya itong hinawakan at sinabayang maglakad palabas ng

bahay.

Pero pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan, sinalubong siya ng

sasakyan ni Xu Jiamu na nagmamaniobra sa tapat ng bahay nila. Ngayon ang

unang araw ni Little Rice Cake sa school, kaya paano naman makakalimutan

ng pinaka dakilang tito ang napaka espesyal na araw na ito?

Bukod kay Lu Jinnian, isa si Xu Jiamu sa mga taong sobrang

pinagkakatiwalaan ni Qiao Anhao kaya hindi na siya tumanggi sa alok nito na

ihatid sila sa school at habang nasa byahe sila, walang tigil siya sa

kakapaalala kay Little Rice Cake ng mga dapat nitong tandaan.

Pagkarating nila sa parking lot ng school, parehong excited sina Xu Jiamu at

Qiao Anhao para sa munting prinsipe ng pamilya nila, kaya pareho nilang

hindi napansin ang pulang sasakyan na nakaparada sa tabi ng sasakyan nila.

Bago pa sila dumating, nakabukas na ang driver's seat nito, pero pagkahinto

nila, dali-dali itong nagsara….

Si Xu Jiamu ang naghatid kay Little Rice Cake sa gate, at hindi siya umalis

hanggang sa makita niyang nakapasok na ang bata sa loob ng classroom

kasama ang teacher nito, bago niya balikan si Qiao Anhao na naiwan sa

sasakyan.

Pagkaalis na pagkaalis ng sasakyan ni Xu Jiamu, saka lang muling nagbukas

ang driver's seat ng pulang sasakyan, kung saan ang isang babaeng nakasuot

ng shades at sumbrero ay lumabas. May buhat itong isang batang babae na

nakasuot ng bistida, na parang sa isang Disney princess, at nakatirintas ang

buhok. "Mommy, why did you suddenly closed the door?"

"Mommy forgot something," mahinahong sagot ng babae.

"Little Red Bean, listen to mommy, okay? Remember to play well with other

kids and if someone asks you about your mom's name, never mention to them

Song Xiangsi, you must say Song Yao, understand?"

"Yes mom, you've repeated it a lot of times."

"Mmh, good girl. Don't worry, once your grandpa recovers, mommy will bring

you back to America, so you can play with your brother Qiao En again."

Pagkarating nila sa gate, dahan-dahang yumuko si Song Xiangsi para ilapag

ang bata, na masayang humalik sa pisngi niya bago magpaalam. "Bye,

Mommy."

"Bye." Hinimas niya ang buhok ng batang babae at kagaya ni Xu Jiamu,

hinintay niya itong makapasok sa loob ng classroom.

Pagkatapos, bumalik siya sa driver's seat, pero imbes na magmadaling

umalis, nanatili pa siya sa loob ng ilang minuto habang nakatulala.

Kahapon, nanaginip siya… Tungkol kay Xu Jiamu… Pero hindi niya naman

inakala na makikita niya ito ngayong umaga.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano eksakto ang nararamdaman niya, pero

pagkahawak niya sakanyang dibdib, ramdam na ramdam niya ang sobrang

bilis na tibok ng kanyang puso.

-

Sa unang araw ng school, nag'ikot-ikot muna si Little Rice Cake sa loob ng

classroom, bago niya makita si Little Red Bean.

Hinila niya ang bag niya papalapit sa pwesto ng batang babae, at tinuro ang

kulay dilaw na lamesa sa tabi nito, "Pwede ba akong umupo sa tabi mo?"

Siyempre, bilang babae, gusto sana ni Little Red Bean na babae rin ang

katabi niya, kaya walang pagdadalawang isip siyang umiling. "Hindi."

Hindi makapaniwala si Little Rice Cake sa narinig niya kaya bigla siyang

natigilan bago muling magtabong, "Ano nga ulit yung tanong ko?"

Wala namang kaalam-alam si Little Red Bean sa taktika ni Little Rice Cake

kaya inosente niyang inulit ang tanong nito, "Pwede ba akong umupo sa tabi

mo?"

Tumungo si Little Rice Cake. "Oo naman."

Pagkatapos, masaya niyang ipinatong ang kanyang bag sa katabing lamesa ni

Little Red Bean, at komportableng umupo.