Dahil sa paging game na game ng asawa, hindi napigilan ni Lu Jinnian na
matawa sa sagot ni Qiao Anhao. Maingat niyang hinawakan ang mukha nito
at sumandal sa noo nito….
Mula sa hindi kalayuan, kasalukuyang may nagpapatugtog ng isang napaka
pamilyar na kanta para sa LuQiao couple.
"Rainy days aren't the most beautiful / It's the house we hid to shelter from the
rain that is…"
Lalo pang naging intimate ang halik.
Kasabay ng palakas na palakas na pagihip ng hangin.
Ang apat na salitang sinabi ni Lu Jinnian ay: Ang makasama ka habambuhay.
At dalawang salita naman na sinagot ni Qiao Anhao ay: Ako rin.
May wish ako, maliit lang, at apat na salita lang: Ang makasama ka
habambuhay.
-
[Xu Jiamu, sana pwede kong ikwento sayo kung sino talaga ako noon, para
malaman mo kung paano mo nabago ang buhay ko.]
-
Pagkalipas ng dalawa't kalahating taon….
Tatlong taon na ang nakakaraan, sumali si Qiao Anhao sa isang competition
na naghahanap ng female lead role para sa isang Hollywood movie, at
ngayong araw, sa wakas natapos na rin ang pagfifilm nito.
Nagleave si Lu Jinnian sa trabaho, at ibinilin muna si Little Rice Cake kina
Qiao Anxia at Xu Jiamu para sunduin si Qiao Anhao sa America.
Limang buwan ang itinagal ng buong pagfifilm, kaya sa mga nakalipas na
araw, isang linggo na ang pinaka matagal na nakasama ni Qiao Anhao si Little
Rice Cake. Lagi naman silang nagvivideo call, pero siyempre bilang ina,
sobrang namimiss niya pa rin ito, kaya pagkarating na pagkarating ni Lu
Jinnian sa America, atat na atat na siyang umuwi.
Pagkahinto ng sasakyan, binuksan niya kaagad ang pintuan ng passenger
seat, at nagtatakbo papasok sa loob ng bahay, habang tinatawag si Little Rice
Cake. Nang hindi niya ito nakita sa sala, masaya siyang umakyat sa taas at
kagaya nga ng inaasahan, nakita niya ito sa toy room kasama si Qiao Anxia,
na naglalaro ng Lego.
Si Little Rice Cake ang bumubuo, habang si Qiao Anxia naman ang assistant
nito na taga abot ng mga susunod na piraso.
"Aunt, gusto ko po ng letter U"
"L shape na color yellow please"
"S Shape na color purple po."
"Aunt, sabi ko purple, hindi orange!"
Habang pinagmamasdan ang mag'tiyahin, hindi napigilan ni Qiao Anhao na
matawa sa kapilyuhan ng anak. "Little Rice Cake!" Nagmamadali siyang
tumakbo para yakapin ito.
Hinalikan naman siya ni Little Rice Cake sa pisngi at malambing na bumati,
"Mommy."
Ilang segundo lang ang nakakalipas, kumawala ito sa pagkakayakap niya, at
hinila siya, para makipaglaro ng Lego. Kumpara sa tono ng boses nito habang
nakikipagusap kay Qiao Anxia, sobrang lambiong nitong nagsalita habang
nakatingin sakanya, "Mommy, pwede mo po bang ibigay sa akin yung letter E
na color blue?"
"Mommy, pakianot nga po yung…"
"Mommy, thank you, pwede mo bang ibigay sa akin yung…"
At imbes na mainis, natawa nalang si Qiao Anxia nang makita niya ang hindi
pantay na pakikitungo ng pamangkin. "Hoy, Qiao Qiao, tignan mo nga naman
tong si Lu Jinnian, hindi pa pala sapat ang pagiging under the saya na mister,
pati anak niya ginawa niya na ring mama's boy…"
Kaya napangiti nalang si Qiao Anhao habang ipinapasa kay Little Rice Cake
ang isang kulay itim na block.
Sakto, may bigla siyang naalala kaya muli siyang tumingin kay Qiao Anxia at
nagpatuloy, "Oo nga pala, papasok na si Little Rice Cake sa school next week,
may oras ka ba bukas? Shopping naman tayo."
"Sige ba." Habang nakahiga sa play mat, itinaas ni Qiao Anxia ang isang baril
na laruan. "Si Xu Jiamu ba ang nagbigay nit okay Little Rice Cake?"
"Mmh."
Muling yumuko si Qiao Anhao para ipasa kay Little Rice Cake ang kasunod na
block.