Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 879 - Ang Katapusan (40)

Chapter 879 - Ang Katapusan (40)

Pakiramdam niya ay parang may sumasakal sakanya, at maging ang tibok ng

puso niya ay pabilis ng pabilis.

Nagpatuloy ang background music, at dahil biglang huminto si Xu Jiamu,

maririnig ang mahinang boses ng singer mula sa speaker ng karaoke machine.

"Bakit ba kasi hindi ko kaagad nalaman na mahal pala kita. Bakit ba natakot

ako noon na masaktan at naduwag na amining gusto din pala kita…"

"Ah, bakit ayaw mo ng kumanta?" Lasing na lasing na tanong ni Zhao Meng,

na kinuha ang isang bote ng beer para gawing microphone, at habang

nakapikit, sinabayan niya ang background music, "Sa kalaliman ng gabing ito,

pareho ba tayo ng nararamdaman? Kagaya ko, malungkot at nagdudusa ka rin

ba…"

Dahil sa pangunguna ni Zhao Meng, nagsisunuran na rin ang iba at sabay-

sabay na nagpatuloy, "Kung mas naging matatag lang tayo, sana hindi tayo

nagsisisi ngayon…"

Sa puntong ito, tuluyan ng hindi nakagalaw si Xu Jiamu sa kanyang

kinatatayuan, at mula sa anggulo na walang nakakakita, bigla siyang

napahawak ng mahigpit sa microphone.

"Paano mo ba ako naalala, ang masasaya ba o ang malulungkot…

Nakakalungkot lang dahil bigla mo akong iniwan, sa gitna ng napaka lawak na

karagatang ito. Kung hindi pa ako nasaktan, hindi ko pa malalaman na

sobrang laki ng kasalanan ko sayo at kahit anong gawin ko, hinding hindi ko

na pwedeng ibalik ang kahapon…"

Habang patagal ng patagal, lalo lang nasasaktan si Xu Jiamu dahil

pakiramdam niya ay sinasaksak siya ng bawat salita ng kanta, kaya noong

umabot sa punto na hindi niya na talaga kinaya, palihim siyang lumabas ng

private room. Dahan-dahan niyang isinarado ang pintuan, pero kahit na nasa

hallway na siya, rinig na rinig niya pa rin ang background music na sabay

sabay na kinakanta ng mga kaibigan niya. "Hindi na pwedeng maibalik, isang

lalaki na nagmamahal ng tunay sa isang babae."

Pagkalabas niya ng club, napansin niya na imbes na tumila ay lalo pang

lumakas ang snow.

Alas diyes na ng gabi, pero dahil pasko, punong puno pa rin ang mga kalsada

ng mga sasakyan. Marami ring makukulay na fireworks ang maya't-mayang

nagpaliwanag sa madilim na kalangitan.

Habang nakatayo sa labas, bigla siyang nablangko kung saan ba talaga siya

pupunta, dahil hindi kagaya noong mga nakaraang pasko, wala na siyang

pamilya…. at Song Xiangsi na pupuntahan para magcelebrate. Dahan-dahan

siyang tumingala para pagmasdan ang mga bumabagsak na yelo, at

pagkalipas ng ilang sandali, na walang nakakaalam kung gaano katagal, saka

lang siya papunta sa parking lot, na halos dalawang daang metro rin ang layo.

May nadaanan siyang isang mall.Hindi kagaya ng mga normal na araw, kahit

malalim na ang gabi, bukas pa ang sinehan sa first floor at ang mga screen

sa labas ay walang tigil sa pagadvertise ng pinaka bagong Christmas movie

ng Huan Ying Entertainment na ginampanan ng mga sikat na artista.

Dahil dito, may bigla siyang naalala… Isang pasko, niyaya niya si Song

Xiangsi na manuod ng midnight movie. Noong panahong 'yun, hindi pa ito

artista, kaya hindi pa ito marunong magmake up, at sa tuwing ngumingiiti ito

ay ramdam na ramdam niya kung gaano ito kasaya dahil nagiging mala-

cresent moon ang mga mata nito.

Noong gabing 'yun, sobrang dami rin ng tao sa kanila ng napaka lakas na

snow, kagaya ngayong gabi. Halos lahat ng mga nakasalubong nila noong

gabing yun ay mga magkasintahang magkahawak ang mga kamay….at sila

lang ang bukod tanging naglalakad na parang normal lang na magkaibigan.

Pero noong tumawid sila sa isang pedestrian lane, may isang sasakyan na

hindi prumeno kaya dali-dali niyang hinawakan ang kamay Song Xiangsi, at

mula noon, hindi na niya ito binitawan.

Habang inaalala ang napakagandang nakaraan, dahan-dahang yumuko si Xu

Jiamu para tignan ang mga palad niya.

Ang natatandaan niya lang ay kung paano niya hinawakan ang kamay nito,

pero paano nga ba siya bumitaw?

Related Books

Popular novel hashtag