"Anong nangyayari? Halos isang oras na. Bakit umiinda pa rin siya?"
Habang nagsasalita si Lu Jinnian, maririnig ang sigaw ni Qiao Anhao na
nanggagaling sa delivery room, kaya bilang tugon, napasigaw din si Lu Jinnian
sa sobrang kaba. "Qiao Qiao! Qiao Qiao! Kamusta ka jan?"
At hindi dito nagtatapos ang lahat, dahil maririnig din ang ilang 'dong-dong-
dong' galing sa paulit ulit na pagsipa ni Lu Jinnian sa pintuan.
Kaya dali-daling tumakbo si Xu Jiamu para hilain paatras ang kuya niya. At
muli, sumigaw nanaman si Qiao Anhao, na sa pagkakataong ito ay mas
malakas kumpara sa mga nauna nitong sigaw, kaya biglang nagpumiglas si Lu
Jinnian at muling tumakbo papunta sa pintuan ng delivery room. Buti nalang,
mabilis kumilos si Xu Jiamu, kaya nahawakan niya ito at niyakap para hilain
paatras. "Lu Jinnian, pwede bang kumalma ka?"
"Hindi mo ba naririnig? Sinisigaw niya yung pangalan ko. Isang oras na siyang
sumisigaw!" Aligagang sagot ni Lu Jinnian habang nagpupumiglas kay Xu
Jiamu. "Kailangan kong pumasok… papasukin niyo ako!"
"Bitawan mo nga ako!" Habang patagal ng patagal, palakas rin ng palakas si
Lu Jinnian, kaya bandang huli, unti-unting nanghina si Xu Jiamu, pero buti
nalang, dumating si Qiao Anxia na nakasuot ng mataas na takong, na
sinusundan ni Chen Yang, na may dalang pambabaeng bag.
Nang makita ni Qiao Anxia ang eksena, hindi na siya nagdalawang isip na
sipain si Lu Jinnian. "Bakit ka ba sigaw ng sigaw? Pagkalabas ko ng elevator,
rinig na rinig na kita ha? Nako, alam kong handa si Qiao Anhao sa
panganganak, pero kakasigaw mo jan, sigurado akong nahihirapan na yun
ngayon!"
"Qiao Anxia, sinong sinasabi mong nahihirapang manganak?" Galit nag alit na
tinignan ni Lu Jinnian si Qiao Anxia.
Napangisi nalang si Qiao Anxia at tumalikod. Pagkatapos, bigla niyang tinulak
si Xu Jiamu.
Kaya sumubsob si Lu Jinnian sa pintuan ng delivery room.
Nang mabalanse na ni Lu Jinnian ang kanyang katawan, sisipain niya ulit sana
ang pintuan.
Pero bago niya pa magawa, muling nagsalita si Qiao Anxia, "Sige, sipain mo.
Lakas mo para isang sipaan lang ha? Tapos papasok kaming lahat. Edi
magugulan ang doktor… syempre, si Qiao Anhao ang pinaka magiging
apektado… At kung malas malas, baka mamatay nalang sila ng
bata…Ngayon, ikaw mismo ang pumatay sa mag ina mo…"
May punto si Qiao Anxia… Pero masyadong prangka ang pagkakasabi nito…
Kaya si Lu Jinnian, na sipang sipa na sa pintuan, ay biglang natigilan.
Pagkalipas ng kalahating minuto, ibinaba niya ang kanyang paa, at naglakad
palayo sa pintuan ng delivery room ng nakasimagot.
Sa loob ng delivery room, walang katapusan pa rin ang pagsigaw ni Qiao
Anhao.
Hindi nagtagal, magkasunod na dumating si Zhao Meng at ang assistant.
Ngayong, naawat na si Lu Jinnian sa pagwawala, biglang tumahimik ang
kahabaan ng corridor.
Pero sa kabila ng pananahimik, halata pa ring kinakabahan si Lu Jinnian, dahil
ilang beses siyang tumayo sa kinauupuan niya, at sa tuwing maririnig niya ang
sigaw ni Qiao Anhao, nanginginig siya sa takot, kaya bago pa matapos ang
nakakapanindig balahibong eksena, sobrang putla at pawis na pawis na siya.
Hindi nagtagal, sa wakas, tumahimik na rin ang delivery room.
"Tapos na ba?" Nagaalalang tanong ni Qiao Anxia.
Walang sumagot, at nanatili lang na tahimik ang lahat.
Isang segundo, sampung segundo, isang minuto, dalawang minuto… Sobrang
tahimik pa rin ng delivery room. Walang sumisigaw na babae, o umiiyak na
bata, at sa totoo lang, mas nakakatakot ang katahimikang ito, kaysa sa sigaw
ni Qiao Anhao.