Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 865 - Ang Katapusan (26)

Chapter 865 - Ang Katapusan (26)

Noong nagkasalubong sila sa Royal Palace, hindi niya matanggap na hindi

man lang ito ngumiti sakanya, na para bang wala itong pakielam sa ilang

buwan na hindi sila nagkita, kaya sa galit niya, kinaladkad niya ito pauwi at

sinampal ng malakas.

Sa totoo lang…. hindi niya talaga maintindihan…. Bakit ba sobrang apektado

niya?

Ilang buwan siyang nagtatanong sa sarili niya kung ano ba talagang

nararamdaman niya… Pero isang araw… hinayaan siya nitong makita ang

isang Song Xiangsi, na walang sinuman ang nakakakilala., at mula noong

araw na 'yun, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang pasayahin ito. Sa

totoo lang, hindi naman niya alam talaga ang konsepto ng

pagmamahal…Habang nagfifitting sila para sa kasal nina Lu Jinnian at Qiao

Anhao, naisip niyang bilhan ito ng singsing, at kung bakit? Hindi niya rin

alam….Pero simula noong makulong ang mama niya, hanggang sa mailibing

ito kamakailan lang, nabigyan siya ng pagkakataon na mas makilala pa ito ang

sarili niya… at doon niya nakumpirma na hindi kakayanin ang mga nagawa

niya kung hindi si Song Xiangsi ang nasa tabi niya.

Noong una, paulit ulit niyang sinasabi sa sarili niya na binili niya lang ito sa

halagang limang milyon, pero bakit nga ba hindi siya umalis agad at hinayaan

niyang paikutin nito ang buhay niya sa loob ng walong taon?

Gwapo naman siya, mayaman, at maraming babae ang nagkakaundagaga

sakanya, pero sa nakalipas na pitong taon, wala siyang ibang babaeng

ginalaw bukod kay Song Xiangsi.

Lahat ng ito… Bakit ba ngayon niya lang narealize ang lahat…

Na para bang matagal na siyang nahulog kay Song Xiangsi ng wala siyang

kaalam-alam…

Kung kailan siya nahulog, hindi niya alam… pero malinaw sakanya na sa

paglipas ng bawat araw, lalo lang tumitindi ang nararamdaman niya. Palalim

ng palalim ang pagmamahal niya para rito, hanggang sa dumating na sa

puntong…wala ng ibang mahalaga sakanya bukod kay Song Xiangsi.

-

Pagkasakay ni Xu Jiamu sakanyang sasakyan, wala na siyang sinayang na

oras at nagmaniobra siya kaagad para suyudin ang kahabaan ng traffic, hindi

para bumalik sa Xu Enterprise, kundi para dumiretso sa "Isang daang taong

kaligayahan".

Sa loob ng building, may mga mangilan-ngilang namimili ng singsing at base

sa obserbasyon niya, kitang-kita niya sa reaksyon ng mga babae kung gaano

kasaya ang mga ito habang nagsusukat ng iba't-ibang klase ng singsing.

Kaya maging siya ay nadala rin ng emosyon ng mga ito at hindi napigilang

mapangiti habang naglalakad papunta sa counter kung saan niya nakita ang

singsing na may kulay pink na diamond.

"Sir, ano pong maipaglilingkod ko sainyo?" Magiliw na bati ng sales lady.

Tumungo lang si Xu Jiamu, at walang pagdadalawang isip na tinuro ang

singsing na may pink na diamond, para senyasan ang sales lady na ilabas ito

para makita niya.

Nang titigan niya ito, napagtanto niya na di hamak na mas maganda pa ito sa

malapitan.

Kaya sa sobrang saya niya, wala ng tanong tanong pa at ibinigay niya na

kaagad ang size ng daliri ni Song Xiangsi sa sales lady.

Sikreto niyang sinukat ang daliri nito kagabi bago sila matulog.

"Pasensya nap o sir, wala na po pala kaming available na size. Kailangan niyo

na po ba ngayon mismo? Kasi kung makakapaghintay po kayo, pwede naman

po nating ipaadjust sa specialist namin."

"Sige," Walang tutol na tumungo si Xu Jiamu, at inilabas ang kanyang card

para bayaran ang bill.

Alas sinco na ng hapon nang makuha niya ang pina'resize na singsing. Muli,

tinignan niya ito ng maigi para siguraduhing wala ng problema bago niya ito

ilagay sa isang maliit na kahon, na masaya niyang ibinulsa.

Habang nagmamaneho pauwi, tumawag siya sa China World Hotel, para

magpabook ng isang kwarto at magpahanda ng isang bouquet ng bulaklak.

Pero noong malapit na siya sa Su Yuan apartment, naalala niya na pinapabili

nga pala siya ni Song Xiangsi ng prutas, kaya dali-dali siyang nagmaniobra

para bumalik sa supermarket.

Sabi ni Song Xiangsi, siya nalang daw ang bahalang mamili, kaya para walang

maging problema, kumuha siya ng tig ilang piraso ng bawat prutas. Hindi niya

namalayan na sobrang dami niya palang pinamili kaya imbes na bitibitin ang

mga ito ito ay binigay niya nalang ang address nila para ipadeliver nalang, at

muli, bumalik siya sakanyang sasakyan para magmaneho pauwi.

Pagkabukas niya ng pintuan, bumungad sakanya ang nakakabinging

katahimikan, at dahil palubog na ang araw, napapalibutan ang buong

apartment ng mamula-mulang liwanag mula sa kalangitan.

Wala siyang matandaan na may lakad ngayong araw si Song Xiangsi kaya

noong hindi niya ito nakita sa sala, nagdesisyon na siya kaagad na tawagan

ito.

Pero walang sumasagot kaya nagmamadali siyang nagpalit ng tsinelas para

silipin ang kwarto nila….Pero, pagkabukas niya ng pintuan, laking gulat niya

na wala ring Song Xiangsi na sumalubong sakanya.

Related Books

Popular novel hashtag