Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 861 - Ang Katapusan (22)

Chapter 861 - Ang Katapusan (22)

Sakto, natapos na ang commercial break sa channel na pinapanuod ni Song

Xiangsi kanina at nagumpisa na ang show na "Saan tayo pupunta, daddy?"

Ang batang lalaki sa palabas ay sobrang cute at napaka bibo kaya aliw na aliw

si Song Xiangsi. "Ang cute niya!"

Sa kabuuhan ng show, nakangiti lang siya at noong patapos na, hindi niya na

napigilang himirit, na para sakanya ay wala namang ibang ibig sabihin, "Sana

kaganyan din kacute ang maging anak ko!"

Walang kahit anong kutob na naramdaman si Xu Jiamu dahil sa tuwing

magsesex sila, sinisigurado niyang may suot siyang condom, walang habang

ngumunguya, walang malisya siyang sumagot, "Sigurado naman ako na mas

magiging cute ang anak natin kaysa jan."

Anak natin…Dalawang simpleng salita… Pero pakiramdam ni Song Xiangsi ay

parang biglang tumigil ang kanyang mundo…

'Sinabi lang bay un ni Xu Jiamu para lang may masabi o gusto talaga nitong

magkaanak sila?'

Hindi maintindihan ni Song Xiangsi ang ibig sabihin ng sagot ni Xu Jiamu,

pero oo… masaya siya… kaya pagkalipas ng ilang segundo, inalis niya ang

kanyang tingin mula sa TV at humarap kay dito. "Jiamu…"

"Mmh?" Tumungin din ito sakanya at nagpatuloy, "Ano yun?"

Walang mapaglagyan ang saya niya at…. Desidido na siyang sabihin kaya

bigla siyang napayuko at masayang napangiti, pero noong handa na siyang

magsalita, bigla namang nagring ang phone nito.

Kaya bigla siyang natigilan at gamit ang kanyang nguso, tinuro niya ang

phone nitong nagriring.

Kahit na sinilip niya lang ito, kitang kita niya ang pangalan na naga'alert sa

screen: Lin Qianqian.

Kinuha ni Xu Jiamu ang kanyang phone, pero imbes na sagutin, muli siyang

tumingin kay Song Xiangsi at interesadong nagtanong, "Anong sasabihin mo?"

Pero marahil dala na rin ng selos, umiling si Song Xiangsi at sinenyasan si Xu

Jiamu na sagutin ang tawag.

Kaya swinipe ni Xu Jiamu ang tawag at itinapat ang kanyang phone sa tenga

niya. "Princess Lin, anong maipaglilingkod ko sayo?"

"Brother Jiamu, uuwi na si papa bukas ng tanghali sa Beijing, at bilang fiancé

ko, kailangan mong pumunta para sa lunch…"

Simula noong magumpisa ang taon, walang tigil na siyang tinawag ni Lin

Qianqian ng fiancé. Wala naman siyang problema dun dahil para sakanya ay

wala namang ibig sabihin ang salitang ito, pero ngayong nasa harapan siya ni

Song Xiangsi, hindi siya komportable at nakaramdam siya ng sobrang

pagkailang, kaya dali-dali niyang tinakpan ang speaker at muling humrap dito

para senyasang pupunta lang siya balcony.

Dahil dun, naiwan si Song Xiangsi sa dining table ng magisa. Nakatitig lang

siya sa likuran ni Xu Jiamu habang naglalakad ito, at pagkapasok nito sa

balcony, laking gulat niya na isinarado nito ang pintuan, na hindi naman nito

madalas ginagawa….

Kaya ngayon na may pintuang nakapagitan sakanila, hindi niya na narinig ang

mga sumunod nitong sinabi.

Pero bago ito umalis, rinig na rinig niya ang sinabi noong babaeng Lin

Qianqian daw ang pangalan.

"Brother Jiamu, uuwi na si papa bukas ng tanghali sa Beijing, at bilang fiancé

ko, kailangan mong pumunta para sa lunch…"

Bibisitahin ba ni Xu Jiamu ang father-in-law nito bukas?

Teka… Parang kanina lang, desidido na siyang tanungin na: "Paano kung

buntis talaga ako? Papakasalan mo ba ako o magpapaabort nalang ako?"

Mali… oo, may mali nga sakanya… pinakitaan lang siya ng mabuti at

pagaalala nitong mga nakaraang araw, sobrang nadala naman siya…

.

Para sakanya, gustong gusto niya ng sumigaw at magalit, pero ano nga bang

karapatan niya? Wala naman silang kahit anong relasyon at higit sa lahat…

hindi siya karapat-dapat para kay Young master Xu…Kaya bandang huli, wala

na siyang ibang nagawa kundi ang titigan nalang ang lalaking abalang

nakikipagusap sa balcony.