Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 852 - Ang Katapusan (13)

Chapter 852 - Ang Katapusan (13)

'Teka… sinabi rin ba 'to sakanya ni Qiao Anxia?'

Habang patagal ng patagal, painit din ng painit ang laban kaya hanggat maari,

ayaw sanang magpatalo ni Qiao Anhao.

Dahil sa mga nakakakilig nilang rebelasyon, lalong ginanahan ang kanilang

mga bisita, pero hindi kagaya ng mga normal na tuksuhan, hindi sila nauwi sa

pikunan, bagkus, bandang huli, wala silang ibang naramdaman kundi ang

naguumapaw na pagmamahal at kapanatagan.

Oras na para sa reception, pero bilang master of ceremonies, hindi na muna

inistorbo ng assistant ang bride at groom, at sikreto siyang bumaba sa

entablado para abisuhan ang isang staff.

Sa puntong ito, ang Qiao Anhao na sobrang competitve ay hindi na napigilang

maging emosyunal. Mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata habang nakatitig

kay Lu Jinnian at nang sandaling magsalita siya, halatang naginginig ang

kanyang boses, "Eh sino naman kaya yung pumapasok sa school tuwing

umaga tapos magtatrabaho sa gabi noong nasa middle high kami para

mabilhan lang ako ng cake sa Black Swan."

Habang nagsasalita, biglang huminto ang 'Wedding March Song' na kanina pa

tumutugtog, at pinalitan ito ng bagong kanta.

Ang sumunod na kanta ay ang official soundtrack ng isang sikat na pelikulang

inilabas kamakailan lang kaya halos lahat ng mga bisita ay kabisado ang lyrics

nito.

Pagtungtong ng first stanza, manghang mangha ang lahat dahil imbes na

boses ng orihinal na singer ang marinig nila, ay nangibabaw ang malambing

na boses ni Qiao Anhao!

"May mga pagkakataon na nakasalumbaba lang ako sa lamesa…nakatulala at

nakatitig sa anino mo…Siguro wala kang ideya….Kasi lahat ng tungkol sayo

ay nakatago lang sa puso ko..."

'Ha? Sinabi ba sakanya yun ni Xu Jiamu?'

Tinignan ni Lu Jinnian ng masama si Xu Jiamu, na dali-daling tumingin kay

Song Xiangsi para umiwas ng tingin.

Pagkatapos kumanta ng babae, oras na para sa parte ng lalaki, at dahil lahat

ng mga imbitado ay malalapit nilang mga kaibigan, sigurado ang mga ito na si

Lu Jinnian ang kumakanta. "Hinihintay kita sa kanto kasama ang bisikleta

ko…Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin, hindi ka nagalinlangang

samahan ako…Kahit gaano pa kaganda ang paglubog ng araw, hinding hindi

yun makukumpara sa ganda ng iyong mga mata…Hindi kita narinig na

nagpaalam, pero isang araw bigla ka nalang nawala at hindi na

nagparamdam…"

Sa pagkakataong ito, hindi na hinintay ni Qiao Anhao na maksagot si Lu

Jinnian at habang pinapatugtog ang nakakakilig nilang duet, muli niyang inisa-

isa ang mga naalala niya. "Isa pa, sino kaya yung hindi mapakaling nagdala

sa akin sa clinic at binantayan ako buong maghapon… Ayun… napagalitan

siya ng teacher niya at pinatayo sa labas ng classroom ng buong araw dahil

nagcutting class siya."

At muli, nangibabaw na naman ang boses ni Qiao Anhao sa background

music. "Maya't-maya mo rin ba akong naiisip? Kagaya ng pagalala ko sa mga

nakaraan natin…Tag sibol, tag lamig, tag lagas, at tag ulan, pero kahit minsan

hindi na ulit tayo nabigyan ng pagkakataon na makapagusap…Akala magkikita

na ulit pagsapit ng panibagong tagsibol, pero nagkamali ako..."

Habang nakatitig sa mga mata ni Qiao Anhao, muling nagsalita si Lu Jinnian,

"Eh sino naman yung pumasok sa entertainment industry para lang maging

ka'screen couple ko?"

Bahagyang kumurap si Qiao Anhao at malumanay na sinabi, "Eh sino naman

yung may crush sa akin mula third year senior high?"

Mahinahong sumagot si Lu Jinnian, "Sino kaya yung na love at first sight daw

sa akin noong third year senior high habang nagpapatila kami ng ulan?"

Pagkatapos ng huling birada ni Lu Jinnian, hindi na napigilang mapaiyak ni

Qiao Anhao. Masaya siyang ngumiti at sinabi, "Ako."

"Ako," sabay na sabay na sagot ni Lu Jinnian.

Muli silang nagtitigan na may abot-tengang mga ngiti.

Habang ang background music ay patuloy lang sa pagtugtog.

"Maya't-maya mo rin ba akong naalala? O masaya ka na sa buhay mo at wala

ka ng pakielam sa akin…Buti nalang, nagkita kita tayo noong kabataan natin…

Ikaw ang laman ng kabataan ko, at ako naman ang laman ng iyo."

Pagkalipas ng halos isang minuto, muli silang nagsalita at sabay na sabay na

sinabi, "Minahal kita ng labintatlong taon."

Walang rehearsal na nangyari, pero tugmang tugma ang mga iniisip nila.

Kaya ang mga bisita na kanina pa naghihiyawan ay bigla ring natahimik at

nakaitig lang sakanila na may mga matang punong-puno ng emosyon.