Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 845 - Ang katapusan (6)

Chapter 845 - Ang katapusan (6)

Pero ano naman ngayon?

Wala siyang pakielam kahit gaano man kadilim at karumi ang nakaraan nito, dahil ang gusto niya lang ay makasama ito hanggang pagtanda.

Sa loob ng isang buwang hindi sila nagusap, kahit hindi niya ito kinokontak, walang minuto na hindi niya ito naisip. Hindi niya naman talaga ito kayag tiiisin, gusto niya lang malaman kung mahal din ba talaga siya nito…

Pero sino nakakaalam na mangyayari ito?

"Xiaxia…" Bulong ni Chen Yang habang walang tigil na umiiyak.

Pati si Qiao Anhao na nasa tabi ni Qiao Anxia ay napahawak nalang ng mahigpit sa shirt ni Lu Jinnian habang umiiyak sa dibdib nito. 

At pakalipas ng ilang sandali, ang sakit ng tiyan na ininda niya kanina ay muling nanumbalik kaya lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya kay Lu Jinnian.

Sa labas ng building ng "Isang daang taong kaligayahan", rinig na rinig ang sirena ng ambulansya.

-

Alas sinco na nang makalabas sina Xu Jiamu at Song Xiangsi sa police station. Palubog na ang araw kaya nagkulay pula ang buong paligid.

Masyado silang naging abala sa loob ng police station, kaya medyo huli na noong nabasa nila ang text ni Lu Jinnian na ligtas na si Qiao Anxia mula sa panganib pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Kasalukuyan itong binatanyan ni Chen Yang, pero ang nakakalungkot na balita ay dumiretso raw ang kutsilyo sa matris nito kaya baka imposible na itong magbuntis.

Hindi pa rin naalis ang mga bakas ng dugo sa mukha ni Xu Jiamu, na lalo pang nangibabaw noong namutla siya dahil habang kinakausap sila ng mga pulis, muli nanamang nabaliw ang mama niya at pinagsusugat siya.

Minaneho ni Xu Jiamu ang sasakyan niyang may ticket papunta sa police station.

Noong pabalik na sila, nakita ni Song Xiangsi kung gaano siya kalungkot. "Ako nalang magmamaneho." 

Medyo nagalangan pa si Xu Jiamu bago niya ito tignan, pero dahil aminado naman siya na wala siya sa sarili, hindi na siya nagmatigas at kusang looob na siyang dumiretso sa passenger seat.

Habang nagmamaneho, maya't-mayang sinisilip ni Song Xiangsi si Xu Jiamu. Nakapikit ito at mukhang pagod na pagod, pero sa kabila ng mga nangyari, halatang kalmado ang itsura nito.

Kaya hindi niya na ito ginising hanggang sa makarating sila sa underground parking ng Su Yuan apartment. "Nakauwi na ba tayo?"

Tumungo lang siya bilang tugon, at kalmado itong bumaba.

Pagkarating na pagkarating nila sa loob ng apartment, humiga kaagad si Xu Jiamu sa sofa ng nakatakip ang mga mata gamit ang isa nitong kamay.

At imbes na pagalitan na magshower muna ito, nanahimik nalang si Song Xiangsi sa isang sulok at pinagmamasdan ito. Hindi nagtagal, walang ingay siyang naglakad papunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig, na inilapag niya sa coffee table, bago siya kumuha ng first aid kit. Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumuhod sa para gamutin sana ang mga sugat nito, pero noong hahawakan niya na ang braso nito, nakita niyang umaagos ang luha sa mukha nito. 

Kaya bigla siyang natigilan.

Muli niya itong pinagmasdan at pagkalipas ng kalahating minuto, unti-unting mas naging komportable itong umiyak. 

Pero sa bawat hikbi nito, parang sinasaksak ang puso niya. Alam niya kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdadaanan nito at gusto niyang iparamdam dito na na hindi ito nagiisa kaya dahan-dahan niya itong niyakap. "Ayos lang yan. Nandito ako para sayo."

Gusto niya sanang sabihin na hindi siya mawawala sa tabi nito.

Pero alam niyang hindi niya naman yun mapapanindigan…malinaw sakanya na kailangan lang siya nito ngayon dahil malungkot ito, pero kapag naging maayos na ang lahat, kailangan niya ng umalis ulit.

Dahil sa oras na yun, siguradong wala na rin naman siyang lugar sa buhay nito…