Chapter 835 - Peligro (6)

Sa buong buhay ni Qiao Anxia, si Lu Jinnian lang talaga ang lalaking kayang magpakilig sakanya, pero kahit hindi niya yun masyadong naramdaman kay Chen Yang, sigurado siya na sobrang saya niya tuwing kasama ito. 

Noong binasted siya ni Lu Jinnian, oo nagalit siya, pero hindi dahil nasaktan siya, kundi dahil napahiya siya na may tao palang tatanggi sa isang Qiao Anxia.

Pero noong nakita niya kanina na wala na siyang halaga kay Chen Yang, parang bigla siyang nanghina at handa niyang kalimutan ang lahat ng mga paninindigan niya. 

At noong oras na 'yun, ang isang prinsesa, na niluluhuran ng lahat mula pagkabata, ay gustong gusto ng lumuhod sa harapan nito para lang magmakaawa na patawarin at balikan na siya nito. 

Dahil naalala niya nanaman si Chen Yang, muling natulala si Qiao Anxia. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng sakit kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata para ulit-ulitin sa utak niya mga nangyari. 

At ang katahimikan na pinipilit niyang takasan sa tuwing naiiwan siyang magisa, ang naging kakampi niya rin ngayon para pagnilay-nilayan ang mga bagay-bagay.

Noong unang beses silang nagkita ni Chen Yang, niligawan siya kaagad nito. At dahil kakabasted lang sakanya ni Lu Jinnian noong panahaon na yun, gusto niyang ipakita rito na may iba pang nagkakagusto sakanya kaya hindi na siya nagpakipot at pumayag na kaagad.

Wala siyang naging problema mula noong naging sila dahil sobrang lambing nito at lagi lang siyang sinasakyan.

May isang gabi nga na sobrang sumakit ang tiyan niya sa kakainom ng alak at sa sobrang pagaalala ni Chen Yang, hindi ito nagdalawang isip na isugod siya sa ospital. Kahit na masama ang pakiramdam niya, ramdam na ramdam niya ang pagaalala nito at noong maayos na ang pakiramdam niya, doon lang nito napansin na nakaligtaan nitong magsuot ng sapin sa paa sa sobrang pagmamadali.

Sa tuwing nanunuod siya ng mga video ng mga magkasintahan, lagi siyang naiinggit at nakalimutan niya na may tao rin naman na tumatrato sakanya ng ganun, na minsan nga mas sweet pa eh… Diba?

Sa loob ng isang buwan na pagiwas sa paksang ito, ngayon lang talaga siya nabigyan ng pagkakataon na pag-isipan ang mga bagay, at bandang huli, napagtanto niya na hindi niya talagang mabuhay ng wala si Chen Yang. Hindi niya rin alam kung kailan siya nahulog dito, pero alam niya at sigurado siya na mahal na mahal niya ito, at ibang-iba ang pagmamahal na ito sa naramdaman niya noon kay Lu Jinnian. 

Ang naramdaman niya para kay Lu Jinnian ay literal na pagnanasang gusto niya lang makuha ang lahat, at parte nito ay maging kasintahan niya ang lalaking pinapangarap ng kahit sinong babae. At kabaliktaran nito ang naramdaman niya kay Chen Yang dahil handa siyang mawala ang lahat ng mayroon siya, kahit pa ang paninindigan niya na pinanghahawakan niya, para lang makasama ito.

-

Kinabukasan, schedule ng fitting ng mga bridesmaid at mga groomsman.

At para siguraduhing perpekto ang pinapangarap na kasal, pinahanap talaga ni Lu Jinnian ang pinaka magaling na wedding club sa buong Beijing at ang designer ay nanggaling pa sa ibang bansa. 

Kaya ang wedding gown ni Qiao Anhao at ng mga bridesmaid ay talagang mabusising ginawa kaya imposibleng magkaroon ang mga ito ng kapareha. 

Ang pangalan ng wedding club ay "Isang daang taong kaligayahan" at sa araw na ito ay nakaschedule ang lahat na magkita-kita ng alas onse ng umaga.

Pagkarating nina Lu Jinnian at Qiao Anhao, nandoon na sina Zhao Meng, Song Xiangsi, Xu Jiamu at Chen Yang.

Hindi na pwedeng maging groomsman ang assistant dahil may asawa na ito kaya ginawa nalang siyang emcee ni Lu Jinnian, at nandoon din siya para isukat ang suit na pinasadya para sakanya.

Bago siya dumiretso sa venue, naisip niya na may mga hindi pa nakakapagumagahan kaya dumaan muna siya sa isang fast food para mag'drive thru.

Pagkarating niya, saktong hinahanda palang ng designer at ng assistant nito ang mga damit na isusukat kaya habang naghihintay ang lahat, tinawag niya muna ang mga ito para magumagahan. 

Kabisado ni Xu Jiamu ang mga gustong kainin ni Song Xiangsi kaya siya mismo ang kumuha ng lugaw na may century egg para rito. Ilang beses niyang hinalo ang mainit na mangkok at tinikman para siguraduhing tama lang lasa, bago niya ito subuan.

Sa totoo lang, gusto sanang kainin ni Song Xiangsi ang binibigay nito, pero dahil sa nangyari kahapon, pinigilan niya ang sarili niya at tumayo para maglakad papunta sa CR.

Related Books

Popular novel hashtag