Chapter 833 - Peligro (4)

Yumuko si Lu Jinnian, at kagaya ni Qiao Anhao, nasasaktan din siya sa sinapit nito.

Hinayaan niya lang na mailabas ni Qiao Anhao ang lahat ng sama ng loob nito, at ni isang beses ay hindi siya nagsalita laban sa pinsan nito, pero hindi niya naman kayang makita na palagi nalang malungkot ang pinaka mamahal niyang babae lalo na ngayon na buntis pa ito, kaya nang makuwi na sila, sikreto niyang tinext si Qiao Anxia habang naliligo ang asawa.

Sa totoo lang, ayaw niya talaga kay Qiao Anxia, at minsan pa nga siyang nagalit dito, pero para kay Qiao Anhao, handa niyang kalimutan ang lahat at proteksyunan ang relasyon ng dalawa, kagaya ng ginawa ni Qiao Anhao nang aksidente nitong makita ang kanyang will and testament. Noong nalaman nito kung gaano niya kamahal si Xu Jiamu, ginawa nito ang lahat para magkaayos silang magkapatid.

Sa susunod na linggo na ang kasal nila, at kahit na walang sinasabi si Qiao Anhao, alam niya na gusto nitong maging bridesmaid si Qiao Anxia para maging bahagi ito ng isa sa pinaka mahalagang pangyayari sa buhay nito bilang isang babae.

At handa siyang gawin ang lahat para lang matupad ang kahilingan nito…

-

Nakalabas na si Qiao Anxia ng elevator nang maalala niya na naiwan niya nga pala ang kanyang wallet, coat at ang susi ng sasakyan niya.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi niya na kayang bumalik pa sa taas kaya tinext niya nalang ang kanyang secretary na dalhin ang mga naiwan niyang gamit bukas sa opisina. Pagkabulsa niya ng kanyang phone, tuluyan na siyang naglakad palabas ng hotel. 

Sobrang lamig ng hangin at dahil manipis ang suot niyang dress, nanginginig na siya sa sobrang ginaw.

Dahil naiwan niya ang susi ng kanyang sasakyan, nagbook nalang siya ng driver, at sakto, nakita niya ang sasakyan ni Cheng Yang.

Kaya bigla siyang natigilan at sinundan ito ng tingin.

Habang papalapit ng papalapit ang sasakyan, pabilis din ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Kitang-kita niya na nakatingin din sakanya ang taong nasa loob nito at noong oras na yun, sari-saring emosyon na hindi niya maipaliwanag ang bigla niyang naramdaman dahil mula noong magkakilala sila, ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinignan siya ng ganun ni Cheng Yang. Sa totoo lang, umaasa siya na hihintuan siya nito, pero sa isang iglap, bigla itong humarurot ng takbo. 

Masyadong mabilis ang pagmamaneho ni Cheng Yang, kaya nang sandaling lumingon siya, nakalayo na ito, at dahil dun, lalong bumigat ang pakiramdam niya at para bang may biglang sumaksak sa puso niya ng sobrang diin.

Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang nakatulala sa direksyon na dinaanan ng sasakyan ni Cheng Yang hanggang sa dumating ang driver na binook niya. Walang imik siyang sumakay, pero nang sandaling umandar na ang sasakyan, muli siyang natulala. 

Pagkauwi niya, sumalunong sakanya ang sobrang dilim na apartment kaya binuksan ni Qiao Anxia ang mga ilaw bago siya pumasok. Pero nang sandaling makita niya ang mga gamit ni Cheng Yang, muling nanumbalik ang sakit, na kanina niya pa pinipilit kalmahin. Kahit na wala siya masyadong ginawa araw na ito, para sa kanya, isa ito sa pinaka nakakapagod na araw sa buong buhay niya kaya walang buhay siyang sumandal sa sofa, at natulala sa kisame, pero habang iniisip ang mga bagay-bagay, biglang nagalert ng dalawang beses ang kanyang phone.

Medyo matagal bago niya silipin ang kanyang phone, at hindi niya inaasahan na mababasa niya sakanyang phone ang mga salitang "My Love"

My Love…Biglang siyang natigilan bago niya muling silipin ang kanyang screen para sigurduhin kung tama ba talaga ang nabasa niya…. Bakit ganun… malinaw na siya ang nagsave pangalan na 'yun dati, pero bakit naweweidran siya ngayon?

Kaya bago niya basahin ang laman ng text, ay dali-dali siyang dumiretso sa 'Contacts' para palitan ang pangalan nito ng "Lu Jinnian", pero habang tinitignan niya ito, ay hindi pa rin nabawasan ang pagkailang niya, kaya bandang huli ay ginawa niya itong "Brother-in-law."