Kahit na hindi niya tunay na mga magulang sina auntie at uncle Qiao, hindi
niya naramdaman na iba siya sa mga ito.
Sa totoo lang, sapat ng alam niya na mahal siya ni Lu Jinnian hindi para sa
kanya ay isang seremonya nalang ang pinaghahandaan nila para gawing
pormal ang pagpapakasal nila, pero ngayong nakausap niya ang mga taong
tumayong magulang sakanya sa loob ng mahigit sampung taon, di hamak na
mas naging sagrado ang tingin niya rito.
-
Sa kabuuhan ng paghahanda ng kasal, hindi napagod si Qiao Anhao dahil
ang lahat ng kailangang asikasuyhin ay pinagtulungan nina auntie Qiao, Lu
Jinnian, Zhao Meng at ng assistant.
Pero ang totoo ay taga sunod niya lang ang mga ito dahil sa siya pa rin
naman ang nagdedesisyon, mula sa pinaka malaki kagaya ng pagpili ng hotel
hanggang sa pinaka maliit na detalye gaya ng mga lalagyanan ng give aways.
Ngayon na isang pangarap nanaman ang matutupad, sobrang saya niya…
Pero sa kabila ng lahat ng mga biyayang natatanggap niya ay hindi pa rin
maalis sa isip niya si Qiao Anxia dahil simula noong bumisita sila ni Lu
Jinnian sa bahay nina auntie at uncle Qiao, hindi pa sila ulit nakakapagusap
nito, at kahit na sinusubukan niya itong tawagan at itext, ni isang beses ay
hindi ito sumagot.
Isang linggo nalang bago ang pinakahihintay nilang kasal, pero bago ang
lahat, dumaan muna ulit sila ni Lu Jinnian sa ospital para magpafollow up
check up.
Nakaappointment ang schedule nila sa pinaka magaling na gynecologist sa
Beijing kaya dire-diretso nalang sila at hindi na kailanga pang pumili. Simula
noong tumuntong sila sa ospital, hindi na iniwan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao
at kahit pa may ilang parte ng gynecology department na hindi pwede ang
mga lalaki, gumawa pa rin siya ng paraan para makapasok.
Pero noong sa B-scan na, hindi na talaga siya pinayagan kaya kinailangan
niyang lumabas at maghintay nalang muna sa corridor.
May nauna kay Qiao Anhao kaya halos sampung minuto siyang naghintay sa
kinauupuan niya bago siya tawagin. Pagkalapit niya, pabangon palang ang
babaeng nauna sakanya at nang makita niya ang likod nito, medyo pamilyar
sakanya ang hubog ng katawan kaya tinitigan niya ito ng ilang sandali
hanggang sa lumingon ang babae. "Sis Xiangsi?"
Ilang araw ng masama ang pakiramdam ni Song Xiangsi kaya sinadya niyang
pumunta ngayon sa ospital. Hindi maikakailang isa siya sa pinaka sikat na
babae sa Beijing, kaya sa takot niyang may mga paparazzi na makasunod
sakanya at magkalat ng kung anu-anong balita, hinahanap niya talaga ang
pinaka magaling na doktor para siguraduhing ligtas ang mga magiging
medical records niya, kaya laking gulat niya nang may makakilala sakanya.
Dali-dali siyang lumingon at noong nakita niya na si Qiao Anhao lang pala,
bigla siyang nakahinga ng maluwag at masayang bumati, "Xiao Qiao, prenatal
examination mo?"
"En, dito pa talaga tayo nagkita!" Masayang sagot ni Qiao Anhao. At dahil
galing si Song Xiangsi sa B-scan, hindi niya napigilan ang sarili niya na
mangusisa, "Sis, ano ka rin…" Tinuro niya ang tyan nito, na halatang
tinatanong kung buntis ba ang kaibigan.
"Ah.. Hindi." Natatwang sagot ni Song Xiangsi at umiling. "Matagal na rin
kasi noong huling beses akong nagpapatinin sa doktor kaya pumunta ako rito
para ipacheck lang ang kundisyon ng katawan ko."
"Oh," Walang kaduda-dudang sagot ni Qiao Anhao. Nang makita niya na
nakausuot ito ng mataas na takong, hindi na siya nagisip ng kung ano pa at
dali-daling binago ang usapan, "Kamusta ka na?"
"Mabuti naman ako." Inayos ni Song Xiangsi ang nagusot niyang damit at
sinilip ang tyan ni Qiao Anhao. "Kamusta na ang baby?"
Tumungo si Qiao Anhao. "Mabuti rin ang lagay ang baby."
Ngumiti si Song Xiangsi sakanya at sinuot ang face mask at sunglasses nito,
"Oh pano ba yan! May mga kailangan pa akong gawin kaya mauna na muna
ako ha. Sige na, magpacheck up ka na. See you sa wedding!"
"En, bye." Masayang sagot ni Qiao Anhao. Sa pagkakataong ito, tumungo
lang si Song Xiangsi bago niya kunin ang kanyang bag at umalis.
Bukod sa pagpapacheck up, wala ng ibang sadya si Song Xiangsi sa ospital
kaya pagkasakay niya ng elevator, dumiretso siya sa underground parking
para sumakay ng kanyang sasakyan. Ilang segundo na siyang nakaupo sa
driver's seat bago niya tanggalin ang kanyang sunglasses.