Nilabas ni Lu Jinnian ang singsing at hinawakan ang kaliwang kamay ni Qiao
Anhao para maingat na isuot ang napaka gandang singsing na inihanda niya
para rito. "Qiao Qiao, naniniwala ka ba sa akin?"
Kahit na hindi direkta ang tanong ni Lu Jinnian, naiintindihan ni Qiao Anhao na
ang gustong malaman nito ay kung naniniwala ba siya na kaya siya nitong
pasayahin.
Mula sa dulo ng kanyang mga daliri, ramdam na ramdam niya ang pagdaloy ng
lamig sa buong katawan niya hanggang sa puso niya kaya muli siyang tumungo
at emosyunal na sumagot, "Oo, naniniwala ako sayo."
Sa sobrang saya, hindi niya na napigilan ang sarili niya at siya na mismo ang
humila patayo kay Lu Jinnian para halikan ang mga labi nito.
Para sa naguumapaw niyang puso, hindi sapat ang isang halik para mailabas
niya ang lahat ng saya na nararamdaman niya kaya muli siyang tumingkayad
para halikan ulit ang mga labi nito…ng paulit ulit hanggang sa nadala na rin si
Lu Jinnian at niyakap siya ng mahigpit para halikan siya ng mas mapusok.
"Qiao Qiao, naniniwala ka ba sakin?"
"Oo, naniniwala ako sayo."
Si Lu Jinnian lang ang nagiisang tao na kayang pasayahin at pakiligin ng sabay
si Qiao Anhao.
Simula noong nagkita sila, minahal na kaagad nila ang isa't-isa sa pinaka
magandang araw ng mga buhay nila – ang kabataan nila, ngayon na nakaalpas
na sila sa yugtong ito, mukhang naawa sakanila ang langit at sa wakas ay
binigyan na rin sila ng pagkakataon na makasama ang isa't-isa.
Sa nakalipas na labintatlong taon, na palagi lang silang nagsasakitan at
nagiiyakan, sobrang sinubukan ang pagmamahalan nila kaya sila lang ang
nakakaalam kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
At kung hindi siya magtitiwala kay Lu Jinnian, eh sino nalang ang paniniwalaan
niya?
Ang makukulay na Christmas lights na nakapalibot sakanila ay muling
kumutitap.
Kasabay ng pagihip ng malamig na simoy ng hangin na nagdala ng ilang petals
sa mahabang buhok ni Qiao Anhao.
Matagal silang naghalikan...
Na para bang sinusulit nila ang bawat segundo na kayakap nila ang bawat isa…
At nang sa wakas naghiwalay na sila, yumuko si Qiao Anhao para tignan ang
singsing na binigay ni Lu Jinnian.
May malaking diamond sa gitna nito, na mas malaki pa sa daliri niya.
Sobrang ganda… at… pamilyar?
Kaya bigla niyang inangat ang kamay niya para titigan ang singsing ng mas
malapitan. "Ehh.. Bakit parang kamukha 'to ng Heart of Eternity?"
Oo… hindi siya pwedeng magkamali dahil kabisadong kabisado niya ang itsura
ng Heart of Eternity kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para
ikumpara ito sa picture na sinave niya sakanyang gallery, "Oh.. pareho nga!!"
Dahil kitang kita ni Lu Jinnian ang saya sa mukha ni Qiao Anha, napangiti rin
siya at mahinahong nagsalita, "Nagustuhan…"
Pero bago niya pa matapos ang tanong niya, biglang tumingin sakanya si Qiao
Anhao at masayang sinabi, "Lu Jinnian, paano mo 'to nagawa?! Kuhang kuha
talaga ng imitation na napili mo ang Heart of Eternity!"
Imitation?!
'Qiao An-hao? Seryoso ka ba?! Sobrang daming oras ang pera ang ginugol ko
para makuha ang diamond na gusto mo tapos sasabihin mong imitation lang
yan?'
Dahil dito, biglang natigilan si Lu Jinnian at hindi niya alam kung anong
magiging reaksyon niya.
"Oh tignan mo oh pati kulay at hugis, kuhang kuha mo! Lu Jinnian, paano mo 'to
nagawa?"