Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 815 - Pagbalik tanaw sa ating masasayang kahapon (16)

Chapter 815 - Pagbalik tanaw sa ating masasayang kahapon (16)

Dahan-dahan niyang sinundan ang mga ilaw at nang sandaling makalapit na

siya sa kinatatayuan ni Lu Jinnian, nakatitig lang siya rito kaya noong una, hindi

niya napansin ang mga dekorasyong nakapaligid sa gitna ng field.

Si Lu Jinnian ang gumawa ng lahat ng ito? Pero... lagi silang magkama nitong

mga nakaraang araw kaya kailan naman kaya nito plinano ang lahat?

Manghang mangha siya habang pinagmamasdan ang napakaganda niyang

paligid dahil ganun na ganun ang eksaktong nabasa niya sa mga fairy tale

noong bata pa siya. Hindi niya maipaliwanag ang magkahalong saya at kilig na

nararamdaman niya kaya gulong-gulo siyang tumingin sa mga mata ni Lu

Jinnian.

Walang katapusan ang pagtama ng liwanag mula sa mga kumukutitap na

makukulay na ilaw sa mukha ni Lu Jinnian habang tahimik na nakatitig kay Qiao

Anhao. Ilang minuto rin ang lumipas na wala ni isa sakanila ang nagsasalita

bago niya basagin ang katahimikan na para bang nanghaharana siya sa sobrang

lambing ng kanyang boses. "Qiao Qiao, alam mo ba? Ikaw ang init na matagal

ko ng pinangarap na maramdaman."

Nang marinig ito ni Qiao Anhao, hindi niya napigilang matawa dahil ito ang

kauna-unahang pagkakataon na naging ganito ka'sweet si Lu Jinnian. Sa totoo

lang, sanay na siya sa hindi pla-salitang personalidad nito at wala rin naman

siyang intensyon na baguhin kung saan man ito komportable kaya ngayong

naririnig niya ang mga salitang hinihintay ng kahit sinong babae mula sa pinaka

supladong lalaking nakilala niya, tuluyan na siyang bumigay at hindi niya na

napigilang maiyak.

Habang nagiging emosyunal ang asawa, nanatili lang si Lu Jinnian sa kanyang

kinatatayuan at nakatitig ng diretso sa mga mata nito. "Sa tingin ko, walang

kang ideya na sapat na ang pinaka simple mong ngiti para mabuo ang mundo

ko."

Sa kalagitnaan ng napaka romantic na eksena, biglang umihip ang hindi ganun

kalakas na hangin kaya may ilang mga petals ang nagsiliparan.

At ang mga makukulay na ilaw ay biglang naging kulay rosas na hindi nagtagal

ay muli nanamang namatay.

Kaya ang napaka romantic na field ay muling nabalot ng kadiliman.

"Alam kong narinig mo na ang lahat ng mga gusto kong sabihin sayo, pero sa

mga sandiling ito, wala akong ibang gustong gawin kundi ang uilitiin ang mga

yun sayo..." Nang sandaling matigilan si Lu Jinnian, muling umilaw ang mga

Christmas lights at sa pagkakataong ito ay kulay asul naman ang nagpaliwanag

sa paligid. Nanatili siyang nakatitig sa mga mata ni Qiao Anhao na para bang

nanunumpa siya ng buong puso, "Qiao Anhao, mahal kita."

Kagaya ng mga tipikal na babae, ang mga ganitong eksena rin ang kahinaan ni

Qiao Anhao kaya nang sandaling bitawan ni Lu Jinnian ang huli nitong salita,

napatakip nalang siya ng kanyang bibig at tuluyan ng umiyak.

"Akala ko sagad na ang pagmamahal ko... Pero alam mo ba? Simula noong

nalaman mo ang tungkol sa nararamdaman ko, mas lalo kitang minahal."

Sa totoo lang, habang hinahanda ni Lu Jinnian ang mga sasabihin niya, medyo

nailang siya sa sobrang kacheesy-han, pero dahil minsan lang naman sa buhay

ng isang tao ang makapagpropose kaya naisip niya na kung kaya ng ibang

lalaki, dapat kayanin niya rin.

At para kay Qiao Anhao, gusto niyang gawin itong perpekto para kahit sa

ganitong paraan manlang ay makabawi siya sa mga pagkakataong hindi niya

naiparamdam ang pagmamahal niya para rito.

"Mas matindi ang pagmamahal ko sayo ngayon kaysa sa nakaraang segundo...

"At mas titindi pa ang pagmamahal ko para sayo sa mga lilipas pang minuto...

'Hindi hihinto at patuloy lang na mas lalalim...

Dahil sa mga binitawang salita ni Lu Jinnian, hindi na napigilan ni Qiao Anhao

na muling matawa sa sobrang kilig habang patuloy na umiiyak.

Hindi nagtagal, muling namatay ang mga ilaw at nagdilim nanaman ang buong

paligid.

Sa kalagitnaan ng napakalawak na field, nakatitig lang si Lu Jinnian kay Qiao

Anhao at pagkalipas ng kalahating minuto... bigla siyang naglabas ng maliit na

kahon at dahan-dahang lumuhod.

Related Books

Popular novel hashtag