Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 809 - Pagbabalik tanaw sa ating masasayang kahapon (10)

Chapter 809 - Pagbabalik tanaw sa ating masasayang kahapon (10)

"Ayaw na ayaw ko talaga sa math! Ang hirap namankasi!" Naiinis na reklamo ni

Qiao Anhao habang nakatitig sa mga formula na hindi niya maintindihan. Dahil

math na rin ang napagusapan, may bigla siyang naalala noong nagaaral pa sila

kaya masaya siyang tumingin kay Lu Jinnian para magkwento, "Speaking of

math, alam mo ba may magic na nangyari sa akin?"

Pinatong ni Lu Jinnian ang isa niyang kamay sa pasilyo ng bintana at tumingin

kay Qiao Anhao, "Ano?"

"Nangyari yun noong first half ng second year high school. Diba pareho lang

naman ang math teacher ng Class One at Class Three? Grabe talaga pag

naalala ko yung teacher na yun! Biruin mo ba naman lagi nalang nagpapaexam

every other month eh pinaka ayaw ko pa naman ng math! Buti na nga lang eh

may mga naiintindihan pa rin ako kahit papano…Bukod lang talaga sa parabola.

Hindi ko talaga kaya yun at tignan ko palang, nahihilo na ako.

"Eto na! Noong exam na sa parabola, Class Three yung unang nakaschedule

kaya sinabi ko kay Qiao Anxia na isulat niya yung mga sagot para sa

kinagabihan nun, pupunta ako kina Brother Jiamu at makipagcompare ng sagot,

para pagdating ng exam, may masasagot ako. Hulaan mo anong nangyari?

Habang nagkwekwento si Qiao Anhao, kitang-kita sa mukha niya ang

pagkamangha. "Bago yung math ko, nag PE muna kami. Pagbalik ko sa

classroom, tapos na ang klase kaya hindi ko na nakuha ang sagot kay Qiao

Anxia… Nalungkot talaga ako nun, pero parang may anghel na naawa sa akin

kasi may nakita akong test paper sa drawer ko! Tapos…punong puno pa ng

sagot… Sa tingin mo, sino kayang nakahula na kailangan ko ng sagot kaya

naglagay siya ng test paper sa drawer ko…"

Ilang sandaling natigilan si Qiao Anhao para alalahanin ang iba pang mga

detalye ng kwento niya, "Siguro may nagkakacrush sa akin sa Class Three no?

Pero kung may crush ang isang tao, diba dapat love letter, eh bakit test paper

ang binigay niya?! O kaya posible din na nagkamali siya ng drawer na

napaglagyan no? Aiya…Pero kahit ano pa mang dahilan niya, Lu Jinnian, alam

mo ba? Yun ang kauna-unahang beses na nakaperfect ako sa math!"

Kahit na nandaya siya, ganadong ganado pa rin si Qiao Anhao na ikwento na

nakaperfect siya sa topic na pinaka kinaayawan niya pa!

Tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, na nagyayabang, at hindi niya

napigilang matawa. "Talaga ba? Ako naman, yun ang unang beses na nabokya

ako sa math."

"Eh?" Hindi makapaniwalang tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian dahil hindi

niya maintindihan kung anong ibig sabihin nito.

Kaya tinapik ni Lu Jinnian ang ulo ng asawa at nagpaliwanag, "Yung test paper

na sinasabi mo…Nakita kong walang tao sa classroom niyo dahil nga PE niyo,

kaya sinamantala ko yung pagkakataon na ilagay yun sa drawer mo…."

"Ah?" Literal na napasigaw si Qiao Anhao sa sobrang gulat. "Ikaw yung

naglagay nun?"

"En," mahinahong sagot ni Lu Jinnian.

"Eh paano naman nalaman na kailangan ko ng sagot?"

Habang magkahawak kamay silang naglalakad papunta sa hagdanan, masaya

nilang inalala ang mga masasayang nangyari sakanila noong kabataan nila.

At pagkalipas ng ilang minuto, muling nagsalita si Lu Jiinian, "Narinig ko kasi

yung sinabi mo kay Qiao Anxia."

Noong hapon na 'yun, bago pumasok ang magpinsan sa kanya-kanya nilang

mga classroom, hinila muna ni Qiao Anhao si Qiao Anxia at pabulong na sinabi,

"Wag mong kakalimutan na isulat yung mga sagot mo ha."

Sakto, si Lu Jinnian ang nakatokang magbura ng board kaya rinig na rinig niya

ang pagbubulungan ng dalawa.

Noong panahon na 'yun, siya ang pinaka magaling sa Class Three pagdating sa

math kaya tuwing natatapos silang magexam, siya ang laging taga kolekta ng

mga papel.

Kaya noong nalaman niya na kailangan ng crush niya ng sagot, tinapos niya

ang exam niya pero imbes na ipasa ang papel ay palihim niya itong isiniksik sa

drawer ni Qiao Anhao habang nagp'PE ang buong klase nito.