"Tapos na kaming maglaro. Oo.. Pauwi na ako. Kung inaantok ka na, wag mo
na akong hintayin ha? Mauna ka ng matulog… En… gatas? Sige. Mag'grocery
ako. May iba ka pa bang gustong ipabili? Prutas? Okay… Tapos? Wala na?
Sigurado ka? En… Sige…"
Nagtatakang tumingin si Xu Jiamu kay Lu Jinnian… Wala namang problema
sakanya na bigla itong sumagot ng phone ng hindi nagpapaalam sakanya sa
kalagitnaan ng paguusap nila pero ang pinagtataka niya lang ay sa dami ng
sinabi niya, wala siyang ibang narinig kundi puro "En" o kaya "Oh", pero pag
dating kay Qiao Qiao, na wala nga masyadong sinasabi, ay ganadong ganado
makipagusap ang magaling niyang kapatid at sa totoo lang, mas marami pa nga
itong nasabi…Jeez…
Pero lang naman sila ng kausap ni Qiao Anhao… Pero halatang halata naman
ata na may special treatment si Lu Jinnian?
Parang ano eh…. Langit at impyerno…
Kaya bigla siyang napasalita sa sarili niya lang na para bang awang awa siya
sa nangyari sakanya, "Grabe… Halatang halata naman na namimili lang ng
kausap. Parang dati lang si Qiao Qiao pa ang tumatawag sa akin ng brother, si
ngayon kailangan ko na rin siyang tawaging 'sister-in-law'….
Pagkaputol ng tawag, saktong narinig ni Lu Jinnian ang paghihimutok ng
kapatid kaya napangiti nalang siya sa sinasabi nito at tumayo sa sahig.
Pinagpagan niya ang damit niya at inabot ang kamay ni Xu Jiamu para tulungan
itong tumayo.
Walang pagdadalawang isip na nagpaakay naman si Xu Jiamu sa kapatid na
buong lakas siyang hinila patayo. Pagkabitaw nila, nagmamadali itong naglakad
papunta sa bleachers para kunin ang mga gamit nito at nagdire-diretsong
lumabas ng stadium ng hindi manlang siya hinihintay.
Kaya nagmamadali niya ring kinuha ang mga gamit niya at dinampot ang mga
naiwan nilang kalat bago niya ito sundan. "Uuwi ka na? Ayaw mo bang uminom
muna?"
Habang zinizipper ni Lu Jinnian ang kanyang jacket, umiling siya at tinignan
ang kapatid na halatang pabirong nagyayabang. "Bilang pamilyadong tao, wala
akong kasing dami ng oras mo. Kailangan ko ng umuwi."
'Hmpf… makapagsalita naman tong Lu Jinnian na to… Kala mo naman madami
talaga siyang oras at napaka daling yayain noong hindi pa siya nagaasawa…'
Kaya natawa nalang si Xu Jiamu sa pinagsasabi ng kapatid.
Taliwas sa personalidad ni Lu Jinnian, hindi naman siya nainis sa pangaasar ng
kapatid at tinapik lang ang braso nito, "Wala na akong magagawa… buntis kasi
ngayon ang sister-in-law mo kaya natatakot ako na magisa lang siya sa bahay."
"Sige na. Una na ko." Hindi pa man din tapos magsalita si Lu Jinnian ay
binuksan niya na ang pintuan ng kanyang sasakyan at umupo sa driver's seat.
Samantalang si Xu Jiamu ay napanganga nalang sa sinabi ng kapatid at
nahimasmasan lang siya noong nakalayo na ito... Sister-in-law…Sister-in-law…
Ibig sabihin… narinig ni Lu Jinnian ang mga sinasabi niya kanina at sinadya
nitong banggitin ang salitang 'sister-in-law' para asarin siya?!
Ngayon lang 'to ginawa sakanya ni Lu Jinnian kaya hindi siya makapaniwalang
naglakad papunta sa sarili niyang sasakyan at sakto, pagkapasok na pagkasok
niya, nagalert ng dalawang beses ang kanyang phone, na dali-dali niyang sinilip
– parehong galing kay Lu Jinnian.
Ang unang text ay isang isang simpleng salita: "Salamat."
At ang pangalawa naman ay medyo mahaba-haba kumpara sa nauna: Tandaan
mo na walang ina na nagtatanim ng galit sa mga anak.
Sa totoo lang, parang may kapangyarihan ang dalawang text ni Lu Jinnian dahil
habang pinagmamasdan niya ang mga ito, lalong gumagaan ang pakiramdam
niya.
Alam niyang nagpapasalamat sakanya si Lu Jinnian dahil sa ginawa niya
kahapon.
At alam niya rin na gusto nitong sabihin na wag na siyang masyadong
malungkot dahil maayos din ang lahat.
Kahit gaano pa kasuplado at kailag ang lalaking yun… yun lang din ang isa sa
mga taong kayang-kayang palambutin ang puso niya ng walang kahirap-hirap.
Hindi na siya nagreply, bagkus, sumandal siya sa kinauupuan niya at pumikit.
Ito ang unang gabi sa nakalipas na anim na buwan na naging ganito siya
kakalmado. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng napaka laking tinik at hindi
kayang ipaliwanag ng kahit anong salita ang sobra sobra niyang kapanatagan.
Hindi naman sa hindi siya nagaalala sa pinagdadaanan ng mama niya, pero
masaya lang talaga siya at wala siyang pinagsisisihan sa mga naging desisyon
niya kahapon.
Masyado ng maraming nagawang kasalanan ang mama niya… Sobrang lala at
sobrang sama na pati walang kamuwang-muwang na bata ay nagawa na nitong
bawian ng buhay sa kagustuhan nitong maghiganti.