Pero parang walang epekto kay Lu Jinnian ang galit ni Qiao Anhao.
Hinawakan niya ang isa nitong kamay habang ang isa niya namang kamay ay
nakahawak sa tyan nito para protektahan ang 'baby' nila kung sakali mang
prumeno ng malakas, at sa sobrang pagaalala niya sakanyang magina, ilang
beses niyang pinagalitan ang kanyang assistant sa pagmamaneho nito.
"Bagalan mo, konti pa… mas mabagal pa! Bakit ba ang bilis bilis mong
magmaneho? May buntis kang pasahero diba? Oh.. Malapit na sa stop light,
bagalan mo!"
Noong una, nagrereklamo pa si Qiao Anhao na mas mabilis pa silang
makakauwi kung maglalakad nalang sila, pero nang lumaon, kusa nalang din
siyang tumigil dahil nagsasayang lang siyang laway gawa ng wala namang
balak makinig sakanya si Lu Jinnian. Maging ang assistant, na di hamak na
may mas karanasan na sa pagiging tatay, ay wala ng nagawa at sumunod
nalang din. Bandang huli, para matapos na ang lahat, pumikit nalang si Qiao
Anhao habang nagtitiis sa 20km/hr na byahe pauwi ng Mian Xiu Garden.
Pagkauwi nila, dali-daling binuksan ni Qiao Anhao ang pintuan, pero bigla
itong isinara ni Lu Jinnian para pinigilan itong lumabas. Nang masigurado
niyang napatay na ng assistant ang makina, doon lang siya nagmamadaling
lumabas at naglakad papunta sa pintuan ni Qiao Anhao.
Pero hinawi siya nito at nagmamadaling naglakad papasok sa bahay.
Noong nakita niyang nagmamadaling humahabol ang assistant, kinuha niya
ang bag ni Qiao Anhao mula rito, at muling nagpatuloy sa paglalakad. Pero
hindi pa man siya nakakadalawang hakbang, naalala niya ang atraso nito
sakanya biglang siyang huminto at tumalikod para tignan ito. "Shen Mingzhe,
hindi pa tayo tapos."
At muli, nagmamadali siyang humabol kay Qiao Anhao. "Qiao Qiao… bakit ba
ang bilis mong maglakad. Baka madapa ka ha."
Sa pagkakatong ito, hindi na talaga matiis ni Qiao Anhao ang sobra-sobrang
ka-OAan ni Lu Jinnian kaya bigla siyang huminto para kausapin ito ng
mahinahon, "Lu Jinnian, wag ka ng magalala ha? Ang sabi ng doktor, one
month palang si baby kaya wala pang dapat ikatakot."
"Mmh Mmh." Tumungo si Lu Jinnian, pero wala pang isang minuto, muli
nanaman siyang nagsalita, "Qiao Qiao, magiingat ka, baka madapa…"
At huminga ng malalim si Qiao Anhao na para bang nawawalan na siya ng
pagasa para kay Lu Jinnian.
Pagkapasok nila sa loob ng bahay, nagmamadaling kumuha si Lu Jinnian ng
tsinelas bago siya sumalampak sa sahig para tulungan si Qiao Anhao na
magtanggal ng sapatos.
Noong nasa kwarto na sila, kagaya ng nakasanyan, binuksan ni Qiao Anhao
ang TV para magpaantok habang nanunuod. Humanap siya ng komportableng
posisyon sa sofa habang may yakap-yakap na unan para panuurin ang replay
ng final round.
Samantalang si Lu Jinnian, na hanggang ngayon ay aligaga pa rin, ay maya't-
maya siyang pinapainom ng tubig at pinapakain ng prutas. Noong naubos niya
na ang lahat ng binibigay nito, umupo ito sa tabi niya na dalang laptop para
umorder ng mga libro tungkol sa pagbubuntis. At kagaya ng inaasahan,
maya't-maya siyang kinakalabit nito para magtanong opinyon…
Pero kahit na nagtatanong ito ng opinyon niya, hindi nrin naman ito nakikinig
at lahat ng nirejreect niyang order ay nilalagay din nito ulit sa cart.
Pagkatapos nitong magbayad, itinabi muna nito ang laptop nito para muli
siyang pakiinin ng prutas. "Qiao Qiao, talaga bang magiging tatay na ako?"
Ito na ang pang labing walong beses na tinanong ni Lu Jinnian ang eksaktong
tanong na ito at kagaya ng sagot ni Qiao Anhao sa naunang pito, tumungo
lang siya. "Mmh."
Una siyang sinubuan nito ng mansanas, at noong nalunok niya na, sinubuan
naman siya nito ng ubas na walang balat. "Qiao Qiao, one month na siya?"