Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 81 - Oh, ang honest mo naman (5)

Chapter 81 - Oh, ang honest mo naman (5)

"Oo, ako nga," walang pagdadalawang-isip na sagot ni Lin Shiyi.

Nagulat si Qiao Anhao at ngumisi saka sinabi, "Oh, ang honest mo naman?"

"Kaya kong gawin kaya hindi ako takot na malaman mo." Naglagay si Lin Shiyi ng pulang lipstick sa labi niya. Lumingon kay Qiao at kinuha ang mascara sa bag. "Ngayong alam mo na sinabotahe kita, gusto mong maghiganti?"

"Paano mo naman gagawin yun? Sisirain mo rin ang heels ko habang may shoot ako nang mapahiya ako?" Umirap si Lin Shiyi at minata ito. "Sige subukan mo, tignan natin kung kaya mo."

Napatawa si Qiao Anhao. "Miss Lin, masyado kang nag-iisip. Hindi ako gumagawa ng ganon at saka hindi ko naisip gawin yun, dahil nagpapasalamat pa ako. Kung hindi mo ginawa yun wala sana magugulat sa pag-arte ko ngayong hapon. Kung hindi dahil sayo baka hindi ko na kumbinse ang direktor na nag-improvise ako kahit sira ang heels ko at hindi niya rin niya ako pupurihin ng ganito. Kaya maraming salamat Miss Lin."

Nasaktan si Lin Shiyi sa sinabi ni Qiao Anhao dahil gusto niya mapahiya ito ng hapon. Bagkus, lalo siyang napansin kaya ng sinubukang niyang ulit isabotahe ito kaya lang nakuha niya ang respeto ng direktor. Nagngitngit sa inis si Lin Shiyi at madiing sinabi, "Walang anuman, Miss Qiao."

Paalis na sana si Lin Shiyi dala ang bag ng may bigla itong maalala kung paano siya alalahanin ni Producer Sun at tumigil. Lumingon siya kay Qiao Anhao saka ngumisi sa harap ni Qiao Anhao, "Gayumpaman, talaga bang nakasali ka sa crew dahil sa pag-arte mo? Huwag mong isipin na hindi ko alam na kinama ka ng lalaki para makapasok."

Mabagal lumapit si Lin Shiyi hanggang sa bumulomg ito sa tenga ni Qiao Anhao at mahinang sinabi, "Bakit hindi mo ko turuan kung paano ka kinama ni producer Sun nang mapareha kay Mr. Lu?"

Bahagyang nagalit si Qiao Anhao dahil sa binibintang sa kanya ni Lin Shiyi at dahil sa galit nakita ni Qiao Ahao ang basurahan at nilagyan ng tubig at tinanong si Lin Shiyi, "Gusto mo talagang matuto? Gusto mong turuan kita?"