Biglang natigilan ang host, at nakangiting sinabi, "Sige, Xiangsi."
Lumapit si Song Xiangsi sa microphone at bumwelo bago siya magsalita,
"Masaya ako na ako ang napili niyong guest para sa gabing ito, kaya naman
may hinanda akong sorpresa para sainyong lahat. Ngayon na patapos na ang
competition na ito at iisa nalang ang natitirang magpeperform, gusto ko lang
hingin ang sampung minuto ninyo para saking sorpresa. Okay lang ba?"
Hindi naabisuhan ang host sa gagawin ni Song Xiangsi kaya bigla siyang
napatingin sa mga organizers na nakaupo sa gilid. Pero kagaya niya, halatang
wala ring kaalam alam ang mga ito sa nangyayari at naguguluhan nakatingin
kay Song Xiangsi.
Pero hindi pa man din pumapayag ang mga ito, muli siyang lumapit sa
microphone at kumaway sa mga manunuod, "Sa lahat ng nandito ngayong gabi,
may hinanda akong sorpresa para sainyong lahat. Handa na ba kayo?"
Noong una, naguguluhan din ang mga tao, pero noong pangalawang beses na
nagsalita si Song Xiangsi, masayang nagsigawan ang mga ito ng "Oo" na halos
magiba na ang venue sa sobrang lakas.
Hindi maintindihan ng mga organizer ang nangyayari kaya nagusap-usap muna
sila, pero noong nakita nila kung gaano kasaya ang mga nanunuod, alam nilang
maraming magagalit kung hindi nila pagbibigyan si Song Xiangsi kaya pare-
pareho silang nagkasundo at kinuha ng pinaka mataas ang microphone para
sabihin ang desisyon nila, "Sige."
Dali-daling ibinaba ng host ang binabasa nitong cue card at nagimprovise ng
magandang introduction, "Bago natin tawagin sa entablado ang huling kalahok,
sabay-sabay muna nating panuurin ang sorpresang inihanda ng babaeng
pinapangarap ng lahat ng mga lalaki… Miss Song Xiangsi!"
Masayang sinenyasan ng host si Song Xiangsi na umakyat sa entablado.
Nagpasalamat si Song Xiangsi sa host, pero hindi siya umalis sa kanyang
pwesto at umakyat sa entablado, kundi, tumingin siya sakanyang kaliwa't kanan
at biglang sinabi, "Please"
Ang mga manunuod, na naghihintay sa gagawin niya, ay gulong-gulo sa
nangyayari kaya biglang natahamik ang lahat.
Pagkalipas ng halos sampung segundo, may isang matangkad na lalaki ang
biglang tumayo mula sa pinaka dulo ng unang hilera ng mga upuan at kalmado
itong naglakad papunta sa entablado.
At isang napakagwapong lalaki, na nakasuot ng kulay asul na suit at
magandang necktie, ang biglang lumabas sa malaking screen na nasa stage.
Tumayo siya sa gitna at dahil wala siyang hawak na microphone, tumingin siya
sakanyang kaliwa't-kanan, at ang host na gulong gulo sa nangyayari ay biglang
nahimasmasan kaya dali-dali nitong inabot sakanya ang hawak nitong
microphone.
Tumungo siya bilang pasasalamat sa host bago siya muling humarap sa mga
manunuod at yumuko. Sampung minuto… sampung minuto lang ang pinangako
niya kay Song Xiangsi, at sa sampung minuto na ito, kailangan niyang masabi
ang lahat ng kailangan niyang sabihin, kaya hindi siya pwedeng magsayang ng
oras…"Magandang gabi sa inyong lahat, ako si Xu Jiamu, ang chairman ng Xu
Enterprise."
Xu Jiamu…. Nang marinig ng lahat ang pangalang ito, biglang nagbulungan ang
lahat na badang huli ay palakas na ng palakas hanggang sa magkagulo na.
"Xu Jiamu? Diba yun ang ex-husband ni Qiao Anhao?"
"Oo nga… Bakit siya nandito?"