"Konti lang."
Kumuha si Song Xiangsi ng isang pitsel ng tubig para lagyan ang baso ni Xu
Jiamu. Pagkatapos, kinuha niya rin ang noodles nito, hindi para itapon, kundi,
para haluin at lagyan din ng tubig. "Oh ayan, hindi na 'yan maalat."
Galing sa mayamang pamilya si Xu Jiamu, kaya natural lang na bukod sa
masarap, talagang magaganda rin ang itsura ng mga nakakain niya. Isa pa,
marunong siyang magluto kaya ngayon na nakita niya kung anong ginawa ni
Song Xiangsi, lalo siyang nandiri at hindi niya kayang tignan ang kanyang
mangkok. Pero siyempre…. Nakikikain lang siya kaya kahit mabigat sa loob,
pikit mata niyang kinuha ang kanyang chopstics para muling kumain.
The corner of Song Xiangsi's lips curved into a meager smile. She lowered her
head and continued to eat the awful fried sauce noodles.
Kabisado ni Song Xiangsi si Xu Jiamu, kaya alam niyang napipilitan lang ito,
pero imbes na magalit, nangibabaw ang saya na ilang buwan niya ring hindi
naramdaman, kaya napangiti nalang siya at muling yumuko para magpatuloy sa
pagkain.
Nang makalahati na ni Xu Jiamu ang kanyang mangkok, hindi niya na talaga
kayang tiisin ang lasa at ang itsura ng kinakain niya kaya nagdesisyon siyang
tumigil na sa pagpapanggap at ibaba ang kanyang chopsticks. "Song Xiangsi,
tignan mo nga yung sarili mo…fried sauce noodles lang, hindi ka pa marunong
magluto….balang araw, sa tingin mo ba may gustong magpakasal sayo kung
ganyan ka?"
Hindi inaasahan ni Song Xiangsi na ganun ang sasabihin ni Xu Jiamu sa
kalagitnaan ng isang nakakakilig na eksena, kaya bigla siyang napahawak ng
mahigpit sakanyang chopsticks at ang masaya niyang ngiti ay bigla ring nawala.
Balang araw, sa tingin mo ba may gustong magpakasal sayo kung ganyan
ka….Ibig bang sabihin, ayaw pa rin siyang pakasalan nito?
Hindi niya sigurado kung may ibig ba talagang sabihin ang tanong nito o
sadyang nagbibiro lang, pero dahil sa mga pinagdaanan niya noon, hindi niya na
natimbang ng maigi ang mga bagay at pinangunahan na siya ng emosyon, kaya
galit na galit siyang tumingin kay Xu Jiamu, "T*ng*n* mo! wag kang magalala,
hindi naman kita papakasalan!"
Noong maayos pa ang lahat, nasanay si Xu Jiamu na laging pinapagalitan si
Song Xiangsi sa tuwing nagmumura ito. Pero sa pagkakataong ito, maging siya
ay nagulat nang magalit ito ng sobra sa isang simpleng biro.
Napatulala nalang siya kay Song Xiangsi at nahimasmasan lang noong idinabog
nito sa lamesa ang hawak nitong chopsticks. "Ah.. ang sabi ko lang naman
kawawa ang magiging asawa mo, yun lang."
"Ah okay. Sige, ako na magpapasalamat sayo para sakanya!" Pasinghal na
sagot ni Song Xiangsi. Sobrang napahiya at nainsulto na siya ni Xu Jiamu kaya
sa sama ng loob, bigla siyang tumayo at kinuha ang dalawang mangkok para
itapon ang mga laman nito sa basurahan. Noong mga oras na 'yun, halo-halong
takot, galit at sakit ang naramdaman niya kaya bandang huli, mangiyak ngiyak
siyang tumalikod at naglakad pabalik sa kusina.
Habang naghuhugas, tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha, pero buti
nalang, di hamak na mas malakas ang tunog ng dumadaloy na tubig, kaya hindi
rinig ang mahihina niyang hikbi.
Dalawang mangkok lang ang ginamit nila, pero dahil dito niya binuhos ang lahat
ng sama ng loob, sampung minuto siyang nakatayo sa tapat ng lababo para
maghugas. Pagkatapos, naghilamos siya para hindi mahalatang umiyak bago
niya isalansan ang mga ito sa disinfection cabinet. Nang masigurado niyang
malinis na ang kusina, bumalik siya sa lamesa pero wala na si Xu Jiamu doon at
nakatayo na ito sa balcony habang naninigarilyo.
Aminado naman siyang hindi talaga masarap ang niluto niyang gabihan, kaya
alam niyang hindi ito nabusog.
Ilang buwan din siyang namuhay ng magisa kaya marami siyang cup noodles sa
ref. Kumuha siya isa nito at nilagyan ito ng mainit na tubig. Pagkatapos ng isang
minuto, dinala niya ito sa balcony at inilapag sa lamesa. "Oh, kumain ka."
Lumingon si Xu Jiamu at nang makita niya ang umuusok na cup noodles,
tumungo lang siya at mabilisang humitihit ng dalawang beses bago niya ito
patayin sakanyang sa ash tray. Hinila niya ang upuan sa ilalim ng lamesa at
umupo.
Naibuhos na ni Song Xiangsi ang lahat ng galit niya sa dalawang mangkok, isa
pa, kahit gaano pa kasakit ang gawin at sabihin sakanya ni Xu Jiamu, hindi niya
pa rin ito kayang tiisin kaya imbes na umalis ay sumandal siya sa sliding door
para samahan muna ito. "Anong iniisip mo?"
Biglang natigilan si Xu Jiamu sa pagkain at pagkalipas ng ilang segundo,
mahinahon siyang sumagot, "Buntis si Qiao Qiao."
"Talaga? Magandang balita yan!" Isa si Qiao Anhao sa pinaka malapit na
kaibigan ni Song Xiangsi sa industriya kaya sobrang saya niya para rito.
"Siguradong ang saya saya ni Mr. Lu ngayon."
Pero sa kabila ng saya, hindi niya nakakalimutan ang tungkol sa madilim
pinagdadanan ng kanyang kaibigan, kaya bigla siyang napailing at malungkot na
nagpatuloy, "Pero nakakalungkot lang na pinagkakaisahan ngayon ang nanay ng
bata. Natatakot ako na baka balang araw, lumaki ang bata na binubully ng iba
kaya hindi imposible na matrauma siya kagaya ni Mr. Lu at habang buhay na rin
siyang magiging ilag sa iba…"
Habang nasa kalagitnaan ng pagdididlemma, may biglang nagring na phone
kaya huminto si Song Xiangsi sa pagsasalita at naglakad papunta sa sa sala
para sagutin ang tawag.