Para hindi mahuli sakanyang appointment, dapat nakaalis na si Lu Jinnian ng
alas dose, pero dahil napasarap siya ng tulog, alas onse na siya nagising. Bago
siya bumangon, ginising niya muna si Qiao Anhao pero naka ligo na siya't lahat,
tulog pa rin ito.
Kaya pagkatapos niyang magbihis, bumalik siya sa kama para hilain ang kumot
nito.
Hindi talaga sanay gumising si Qiao Anhao ng maaga kaya nang
maalimpungatan siya, inis na inis siyang tumingin kay Lu Jinnian, "Anoooooo."
"May importante akong pupuntahan. Iniwan ko sa thermal container yung
pagkain, kaya bumaba ka na kasi hindi ka pa naguumagahan at
nagtatanghalian."
Sobrang sama ng ng tingin ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian habang nagsasalita at
noong natapos na ito, tumungo nalang siya para matapos na at makabalik na
siya sa tulog.
Gusto sana talagang gisingin ni Lu Jinnian si Qiao Anhao para makapagpaalam
sila sa isa't-isa ng maayos bago siya umalis, pero noong nakita niyang antok na
antok pa ang itsura nito, naawa naman siya kaya hinimas niya nalang ang buhok
nito ata dahan-dahang inihiga sa unan. Kailangan niya ng magmadali dahil baka
malate siya kapag naipit siya sa traffic kaya hinalikan niya lang ng sandali ang
noo nito at umalis na rin kaagad.
Wala pang limang minuto noong umalis si Lu Jinnian nang may magdoorbell.
Gusto lang naman ni Qiao Anhao na matulog pero bakit parang ginigising siya
ng lahat….. Kagaya noong unang beses siyang nagising, inis na inis siyang
bumangon. Pagkababa niya, dumiretso siya sa pintuan para pagbuksan ang
nagdoorbell. Delivery ito ng costume na inorder niya online kaya pumirma lang
siya ng sandali at pumasok rin kaagad pagkaalis ng delivery man. Wala pa siya
sa wisyo na magsukat kaya hinagis niya lang ito sa sofa at muling naglakad
papunta sa kwarto nila para bumalik sana sa tulog, pero bago pa siya makaayat
ng hagdanan, muli nanamang tumunog ang doorbell.
Lantang lanta siyang bumalik sa pintuan para pagbuksan ang isa nanamang
delivery man. Sa sobrang antok, hindi niya na inisip kung ano ang laman ng
tinanggap niyang package kaya pumirma lang siya ng sandali sa resibo at
kinuha ang dala nito. Pagkasarado niya ngt pintuan, pinatong niya lang ito sa
isang shelf na malapit sa entrance at walang kabuhay-buhay na naglakad
pabalik sa taas. Pero… nakakailang hakbang palang siya nang may bigla siyang
maalala…
Bigla siyang natigilan at dali-daling bumalik sa pintuan para kunin ang kalalapag
niya lang na package sa shelf. Kumaripas siya ng takbo paakyat at humanap ng
gunting para buksan ang napaka espesyal na package. Naglalaman ito ng ilang
pirasong pregnancy test na inorder niya sa isang online pharmacy kagabi nang
bigla siyang gisingin ng isang panaginip. Kadalasan, sapat na ang isang kit,
pero siya, gusto niyang makasigurado ng sobra kaya isa-isa niyang binuksan
ang lahat. Kahit ito na ang pangalawang beses niyang pagbubuntis, ito pa rin
ang unang pagkakataon na gagamit siya ganito kaya bago siya tumakbo sa CR,
binasa niya muna ng mabilisan ang manual.
Sabay-sabay niyang ginamit ang pitong pregnancy test at inihelra ito sa sahig
pagkatapos niya itong isa-isang patakan ng sample na ihi.
Pagkalipas ng limang minuto, may lumabas na dalawang pulang linya sa unang
pregnancy test.
Wala pang tatlong segundo, muli nanamang lumabas ang dalawang linya sa
pangalawang preganancy test.
At kagaya noong unang dalawang kit, dalawang pulang linya rin ang sabay na
lumabas sa ikatlo at ika-apat na pregnancy test.
Hindi nagtagal, sabay-sabay ring lumabas ang resulta ng ika-lima, ika-anim, at
ika-pitong kit. Parehong-pareho ang resultang lumabas sa mga nauna bukod sa
ika-anim na hindi masyadong malinaw ang pangalawang linya.
Hindi makapaniwala si Qiao Anhao sa mga lumabas na resulta, kaya
nagmamadali niyang kinuha ang manual para tignan ang instruction: 2 Lines =
Pregnant….
Anim sa pitong pregnancy test kit na ginamit niya ay may dalawang pulang
linya… ibig sabihin…kumpirmado! Buntis nga siya!
Kagabi lang, iniisip niya paano kung totoo ngang buntis siya at ngayon nasagot
na ang katangungan niya! Bigla siyang napatayo mula sa inidoro at dahil hindi
siya makapaniwala sa mga nangyayari, ilang sandali pa siyang nakatulala bago
niya iangat ang kanyang panty. Halos sasabog na ang puso niya sa sobrang
saya kaya dali-dali siyang tumakbo palabas para tawagan si Lu Jinnian.
Tsk…. pero mukhang may ginagawa ito…
Ilang beses niya itong sinubukang tawagan pero hindi talaga ito sumasagot,
kaya bandang huli, sumuko nalang siya at nakasimangot na huminto kakatawag.
Higit kanino, si Lu Jinnian sana ang pinaka una niyang gustong balitaan, pero
naiintindihan niya naman na nasa trabaho ito kaya hindi niya nalang masyadong
dinibdib at muling nagpalunod sa saya na nararamdaman niya.
Pero… may bigla siyang naalala…
Kagabi, habang sumasayaw siya, naramdaman niya na biglang namilipt ang
kanyang tyan sa sakit.
Anong ibig sabihin pag ganun? Hindi kaya may nangyari sa baby?
Siguro natrauma na siya noong nawalan siya ng anak, kaya ngayon na mayroon
nanaman siyang bagong biyaya, ayaw niya ng maulit ang nangyari noon.
Hindi… Kailangan niyang pumunta sa ospital…NGAYON! Para kung sakaling
may problema man, masosolusyunan niya na kaagad.