Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 751 - Ang Desisyon ni Xu Jiamu (11)

Chapter 751 - Ang Desisyon ni Xu Jiamu (11)

Noong gabing pinuntahan siya nito, paulit-ulit niyang sinabi sa sarili niya na

wag ng umasa dahil alam niya namang hindi rin sila ang magkakatuluyan sa

huli. Si Xu Jiamu, ang tanging lalaking minahal niya…Sa totoo lang, hindi siya

sigurado noon kung may patutunguhan ba ang relasyon nilang napaka labo

pero pinili niyang magpikit mata at ialay rito ang pitong taon ng kanyang

kabataan kaya ngayon na nagiging maayos na ang lahat sakanya, ayaw niya

na sanang hayaan ang sarili niya na sirain ulit ng isang tao… Alam ng Diyos

kung gaano siya kadesido na magmove on, pero bigla siyang naduwag noong

niyakap siya nito ng mahigpit at noong naramdaman niya na may tumulong

luha sa kanyang leeg…. at tuluyan na siyang bumigay noong nagmakawa ito

sakanya na wag munang umalis.

Sa pagkakatong ito, hindi niya alam kung happy ending na ba o isa nanamang

nakakadurog pusong pagpapaalam ang mangyayari sakanila.

Pero isa lang ang malinaw sakanya at yun ay yung sobrang nagaalala siya

para kay Xu Jiamu.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan para silipin si Xu Jiamu na

kasalukuyang nakaupo sa sofa habang nakatutok sa phone nito na may

kaharap na maraming papel.

Noong naramdaman nito na papalapit siya, bigla nitong kinuha ang mga papel

at binulsa bago ito tumingin sakanya.

Hindi maitatanggi na sobrang kampante nila sa isa't-isa at ngayong alam

niyang kailangan nito ng isang taong handang makinig, dahan-dahan siyang

umupo sa tabi nito at pasimpleng sumilip sa screen na tinitignan nito –

nagbabasa ito ng mga pambabash ng netizens sa Weibo profile ni Qiao Anhao.

"Wag mo ng tignan yan… Maniwala ka sa akin. Hindi mo mapagkakatiwalaan

ang internet."

Tumungo lang si Xu Jiamu at para sundin ang sinabi ni Song Xiangsi, ibinato

niya ang kanyang phone sa coffee table at sumandal sa sofa.

Nakapagtanggal na siya ng jacket kanina kaya nakasuot nalang siya ngayon ng

isang simpleng longsleves na kulay asul. Kumpara sa labas, di hamak na mas

mainit sa loob ng kwarto kaya nirolyo niya ang kanyang mga manggas

hanggang siko para mapreskuhan kahit papano. Sakto, biglang napatingin

sakanya si Song Xiangsi, na napansin kaagad ang malaki niyang pasa kaya

biglang kumunot ang noo nito at nagalalang hinatak ang kanyang braso, "Ano

to? Bakit ka nagkapasa ng ganito kalala? Nagpacheck up ka na ba?"

Siguro sa sobrang pagaalala ni Song Xiangsi, masyado itong naging agresibo

kaya napahinga nalang siya ng malalim nang mahawakan nito ang kanyang

sugat at dahil sa naging reaksyon niya, dali-dali siya nitong binitawan.

Nangingig ang kanyang boses na nagpaliwanag, "Ayos lang ako. Nabagsakan

lang ako ng video camera kaya hindi ko na kailangang magpacheck up."

"Pero mukhang seryoso yan ah… Tignan mo nga oh, sobrang itim. Hindi ba

masakit?" Naawang tanong ni Song Xiangsi. Base sa nakikita niya,

imposibleng totoo ang sinasabi ni Xu Jiamu na ayos lang ito kaya nagmamadali

siyang tumayo para kumuha ng first aid kit. "Gagamutin ko."

Hindi tumutol si Xu Jiamu. "Hmmm."

Habang ginagamot niya ito, hindi mapigilan ni Song Xiangsi ang sarili niya

pagalitan si Xu Jiamu sa sobrang pagaalala, "Kung natamaan ka ng camera,

bakit hindi ka niya pinacheck up o binayaran manlang?"

"Xu Jiamu, wag kang pasaway ha! Kapag lumala yan bukas, kailangan mo ng

magpacheck. Paano kung nabalian ka pala ng buto?"

"Sobrang bigat kaya ng mga video camera! Bakit ba sila nagdadala pa ng

ganun kung hindi naman pala nila kayang buhatin, TSK! Delikado na talaga

ang mundong 'to. Buti nalang braso lang ang natamaan sayo at hindi ulo kasi

kung minalas ka pa ng konti, nako.. baka nabagok ka!"

Pagkatapos maglitanya ni Song Xiangsi, biglang natigilan si Xu Jiamu.

"Bakit? Masakit ba? Sige, idadahan-dahan ko lang, konti nalang…."

"Xiangsi," Malungkot na tawag ni Xu Jiamu.

"Hmm? Bakit?" Nagaalalang tanong ni Song Xiangsi.

"Si Qiao Qiao at ang kapatid ko… Ano bang pinaka malalang pwedeng

mangyari sakanila?"