Nang sandaling marinig ni Xu Jiamu ang boses ni Lu Jinnian… bigla siyang
nabalot ng takot.
Narinig niyang papalapit ng papalapit ang boses nito hanggang sa tuluyan na
itong huminto sa tabi niya.
Alam niyang nakita na siya ni Lu Jinnian.
Kasalukuyan siyang nakasalampak sa sahig habang nakatalikod sa pintuan….
At hindi niya kayang tumingin sa taong nasa likod niya..
Sa kalagitnaan ng pagaalala ni Lu Jinnian, bigla siyang natigilan nang makita
niya si Xu Jiamu… Pinagmasdan niya ng ilang sandali ang likod nito bago niya
dahan-dahang ibaling kay Qiao Anhao ang kanyang tingin… hindi niya kung
paano at ano ang sasabihin niya…
Ito ang unang beses na nagkita ang magkapatid simula noong bilhin ni Lu
Jinnian ang Xu Enterprise.
Naramdaman ni Qiao Anhao na medyo bumigat ang awra kaya inilapag niya ang
baso sa lamesa at tumayo. "Kinuyog ako ng mga reporters kanina kaya niligtas
ako ni Brother Jiamu."
Tumungo lang si Lu Jinnian at hindi pa rin nagsalita.
Biglang nanahimik ang buong paligid.
Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian at pagkatapos ay si Xu Jiamu. "Bakit hindi
muna kayo umupo?"
"Ayos lang," sagot ni Xu Jiamu na ngayon lang nahimasmasan. Ngumiti siya kay
Qiao Ahhao at nagpatuloy, "Wala naman ng dahilan para magstay ako kaya
mauuna na rin ako."
Pagkataos niyang magsalita, ibinaba niya ang betadine sa lamesa. Hindi siya
makatingin kay Lu Jinnian at nagpatuloy, "Nadapa si Qiao Qiao kanina."
Hindi sinabi ni Xu Jiamu ang pangalan ng kapatid niya pero alam nilang lahat
kung sino ang kinakausap niya.
Nanatili lang si Lu Jinnian sa kinatatayuan niya at kalmadong sumagot, "uh huh"
Hindi na sumagot si Xu Jiamu at dahan-dahang tumayo. Habang nasa
kalagitnaan, doon niya lang naramdaman ang sakit sa braso niya nang dahil sa
nalaglag na camera. Pero wala siyang balak na ipaalam ito sa dalawa kaya
nagpanggap siya na wala siyang nararamdaman at nagmamadaling nagpaalam.
Bago pa makapagsalita si Lu Jinnian, inunahan na siya ni Qiao Anhao, "Bye."
Hindi na tumigin si Xu Jiamu at naglakad nalang palabas ng pintuan. Noong
dumaan siya kay Lu Jinnian, gusto niya sanang tignan ang kapatid niya pero
hindi niya talaga kaya, kaya bandang huli, hindi na siya huminto at nagtuloy-
tuloy nalang sa paglalakad.
Pagkaalis ni Xu Jiamu, isang minuto pa ang nakalipas bago mahimasmasan si
Lu Jinnian at maglakad papalapit kay Qiao Anhao. "Qiao Qiao? Ayos ka lang
ba?"
Habang nagsasalita, tinignan niya si Qiao Anhao ng mula ulo hanggang paa
hanggang sa makita niya ang nagsgasan nitong palad. Kumunot ang noo niya at
pinaupo muna ito. Kinuha niya ang bulak at ang betadine na inilapag ni Xu
Jiamu para linisin ang sugat.
"Sabi ko sayo diba wag kang lumabas? Bakit hindi ka nakinig sa akin at lumabas
ka pa din?"
"Umalis na kanina yung mga reporters. Tapos may delivery man na dumating
kaya lumabas ako. Hindi ko naman na reporter pala yun at nagpapanggap lang
na delivery man. Noong binuksan ko ang pintuan, bigla nila akong pinalibutan."
"Bukod sa gasgas mo sa kamay, may masakit pa ba sayo?"
"Wala na," malambing na sagot ni Qiao Anhao bago siya yumakap kay Lu
Jinnian.
Niyakap naman ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at yumuko para halikan ang ulo nito.
Noong una, medyo nagaalangan pa siyang magtanong, pero gusto niyang
klaruhin ang lahat kaya naglakas loob siya, "Eh si Jiamu? Bakit siya nandito?"
"Hindi ko din alam…Nadaganan ako ng mga reporters sa sahig. Pinapalibutan
talaga nila ako at kahit anong gawin ko, hindi ako makatayo. Tapos biglang
dumating si Brother Jiamu…"