Chapter 739 - Desisyon (4)

Hinayaan ni Mr. Wei na magpatuloy si Lu Jinnian.

"Ang kapalit na hinahanap ko ay isang bagay na ikaw, Mr. Wei, lang ang

mayroon."

Ngayon, naintindihan na ni Mr. Wei ang lahat... Mr. Lu, ang ibig mo bang sabihin

ay…"

Hindi na hinintay ni Lu Jinnian na matapos magsalita si Mr. Wei at tumungo,

"Tama ang iniisip mo. Ang gusto kong kapalit ay ang Eternal Heart."

Ang Eternal Heart ang isa sa sampung pinaka magandang diamond sa buong

mundo. Tatlumpung taon na ang nakakaraan noong napanalunan ito ng lolo ni

Mr. Wei sa isang auction sa England sa halagang isang bilyong RMB at mula

noon, hindi na ito naalis sa Wei Enterprise.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may lumapit sakanya para sa Eternal Heart

pero si Lu Jinnian lang ang natatanging tao na nag'alok sakanya ng ganun

kalaki.

Bilang may-ari ng isang kinahuhumalingang bato, may karapatan siyang

malaman kung bakit ito interasado kaya kalmado siyang ngumiti at nagtanong,

"Mr. Lu, gusto lang malaman kung bakit handa kang maglabas ng malaking pera

para sa Eternal Heart."

Nanatiling kalmado si Lu Jinnian at determinadong sumagot, "Oo, kahit

magkano pa!"

Handa siyang pumayag sa kahit anong hingin ni Mr. Wei dahil desidido talaga

siyang makuha ang Eternal Heart!

"Mr. Lu, sigurado naman ako na alam mong hindi ko binebenta ang Eternal

Heart."

"Kung hindi pa sapat sayo ang mga proposals ko, pwede ko namang dagdagan."

Naglabas si Lu Jinnian ng isang kontrata galing sa dala niyang folder at ibinigay

ito kay Mr. Wei.

Pagkabukas ni Mr. Wei ng kontrata, laking gulat niya na bukod sa pirma ni Lu

Jinnian na nasa ilalim ng papel ay wala ng ibang nakasulat dito.

"Mr. Lu, binibigyan mo ako ng walang lamang kontrata? So big sabihin nito,

pwede akong maglagay ng sarili kong mga kundisyon?"

Walang pagdadalawang isip na tumungo si Lu Jinnian. "Mr. Wei, siguro naman

pwede na kitang mapapayag dahil sa kontratang yan at kung tungkol naman sa

mga kundisyon, handa akong maghintay hanggang sa maging handa ka na at

sisiguraduhin ko sayo na gagawin ko ang lahat."

Hindi makapaniwala si Mr. Wei dahil kagaya ng mga nauna, alam niyang

determinado talaga si Lu Jinnian na makuha ang Eternal Heart, pero hindi niya

naman naisip na handa itong umabot sa puntong parang nagkaroon na siya ng

instant genie na pwede niyang hingin ang kahit anong gusto niya, at hindi lang

tatlo kundi lahat ng maisip niya….

Hindi na talaga kapani-paniwala ang mga ginagawa ni Lu Jinnian…"Mr. Lu,

pwede ko bang malaman kung bakit gusto mong makuha ang Eternal Heart?"

Walang planong magsinungaling si Lu Jinnian kaya sumagot siya ng simple

ngunit punong-puno ng emosyon, "Kasi gusto yun ng asawa ko."

Totoong gusto talaga ni Qiao Anhao ng Eternal Heart.

Nalaman niya ito noong high school palang sila.

Noong panahong yun, nagorganize ang ang school nila ng isang dinner at

nakatoka na magperform sina Qiao Anhao, Qiao Anxia at Xu Jiamu, pero kulang

pa ng isang lalaki kaya niyaya siya ng mga ito.

Sa totoo lang, hindi siya pala-sali sa mga ganung klaseng event pero noong

nalaman niya na makakasama niya si Qiao Anhao, hindi na siya nagdalawang

isip at pumayag na siya kaagad.

Si Qiao Anhao ang scriptwriter at tandang-tanda niya na pinangalanan nitong

'Eternal Heart' ang event nila.

Sila ang magkapartner kaya pagkatapos ng klase, nagpaiwan muna sila para

magpractice pero noong pauwi na sana sila, bigla namang bumuhos ang

malakas na ulan kaya nagpatila muna sila sa loob ng classroom dahil pareho

silang walang dalang payong.

Hindi talaga siya mahilig magsalita lalo na kapag nasa harapan niya si Qiao

Anhao dahil para siyang natatameme.

Tandang tanda niya ang imahe nito habang nakaupo sa desk na nasa harapan

niya at nagdudoodle gamit ang isang crayon…

Napaka nipis ng bewang nito kaya bagay na bagay talaga dito ang uniform na

suot nito at dahil nakatali ng mataas ang buhok nito, kitang kita niya rin ang

napakaganda nitong leeg. Noong araw na 'yun, sobrang panatag ng pakiramdam

niya lalo na habang naririnig niya ang magkasabay na tunog ng ulan at ng bawat

pagkaskas nito ng crayon.

Related Books

Popular novel hashtag