Hindi niya inaasahan na sa lahat ng pwede niyang marinig ay pangalan pa
talaga ng taong pinaka kinasusuklaman niya kaya para siyang isang makina na
nagkusang bumagal sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa TV na halos
kasing laki na ng pader.
Hindi nga siya nagkamali ng dinig dahil nakita ng dalawa niyang mga mata sa
screen si Qiao Anhao na may hawak na microphone habang nagpapakilala at
hindi nagtagal, naglakad ito papunta sa gitna ng stage at kumanta.
Malamig ang boses at klaro kung kumanta si Qiao Anhao kaya napakarasap
nitong pakinggan.
Bukod sa limang hurado na napanganga, pati ang dalawang katulong na
nanunuod ay napatulala rin sa sobrang pagkamangha.
Pagkatapos nitong kumanta, halos isang minuto pang nakatulala ang mga
hurado bago ito magsipalakpakan. Kilala ang Hollywood pagdating sa mga
ginagawa nitong drama kaya natural lang na maging pihikan ang mga ito
pagdating sa mga ganitong patimpalak. Pero sa pagkakataong ito, ganadong-
ganado ang mga ito kakapuri kay Qiao Anhao na kalmado lang na nakatayo sa
gitna ng stage habang masayang nakangiti.
Pero para kay Han Ruchu, kabaliktaran ang lahat…Mula noong tumuntong si
Qiao Anhao entablado hanggang ngayon na hinuhusgahan na ito, para siyang
nasusuka sa sobrang pagkamuhi.
Paano niya nga ba makakalimutan? Ang babaeng ito ang dahilan kung bakit siya
tinitiis ngayon ng sarili niyang anak na si Xu Jiamu.
Ito rin ang yumurak sa reputasyon niya sa buong Beijing Business Industry kaya
lahat ng mga kasosyo at mga kaibigan niya ay tinalikuran na siya ngayon…
Tama… Ang babaeng ito ang may kagagawan kung bakit ang isang Han Ruchu
na dating nasa langit ay nakahalik ngayon sa lupa…
Ah… Sumali si Qiao Anhao sa isang selection show? Bakit? Gusto niyang
sumikat online dahil nakakamangha ang talento niya? Ah…. Gusto niyang
maging perpekto sa mata ng lahat…
Pwes sige… Tutal ikaw na rin naman ang gumawa ng sarili mong pangalan kaya
nakaantabay sayo ang ngayon buong mundo, bakit hindi natin gamitin ang
pinanghahawakan mong pangalan, para kagaya ko, masira na rin ang
reputasyon mo… Sisiguraduhin kong tatawagin ka ng lahat na malanding babae!
Hindi napigilang mapangisi ni Han Ruchu habang iniisip niya ang madumi
niyang plano, pero alam niya na hindi niya ito kakayanin ng magisa kaya
tinawag niya ang nagiisang tao na palagi niyang kakuntsaba, "Aunt Yun."
Nasanay siya na sa tuwing tinatawag niya ito ay magmamadali ito palaging
lumalapit sa kanya, pero sa pagkakataong ito, sumigaw lang ito ng "Ai" at hindi
lumabas kaya sa inis niya ay sumigaw siya ng mas makalas, "AUNT YUN!!"
"Madam…" Nagmamadaling tumakbo palabas ang mayordoma galing sa kwarto
nito. "Madam, pasensya na nagCR lang ako."
Hindi sumagot si Han Ruchu at sumenyas lang siya na sa kwarto niya magusap
bago siya umakyat sa hagdanan.
Naiintindihan naman ng mayordoma ang ibig sabihin ng amo niya kaya
nagmamadali siyang sumunod dito.
Pagkapasok nila sa kwarto, sinigurado niyang nakasarado ng mabuti ang
pintuan. "Madam, anong kailangan mo sakin?"
Pinalapit ni Han Ruchu ang mayordoma at bumulong sa tenga nito para
siguraduhing walang ibang makakarinig ng plano nila. "Nakuha mo?"
Dali-daling tumungo ang mayordoma, "Oo, nakuha ko Madam! Wag kang
magaalala, gagawin ko na kaagad ang ipinaguutos mo.
-
Pagkatapos ng unang round, gumawa ang organizers ng Hollywood Casting
Selection ng isang poll sa Weibo na dadagdag sa points ng mga mapapalad na
nakaabot sa top eight.
Base sa mga natanggap niyang papuri, alam ni Qiao Anhao na siya ang
nangibabaw kagabi, pero hindi niya naman inasahan na gigisingin siya ng balita
na siya na ang nangunguna sa poll at mahigit sampung milyon na ang lamang
niya sa sumunod.
Hindi na sila masyadong nakapagusap ni Lu Jinnian dahil pagkatapos nitong
magumagahan ay dumiretso na ito kaagad sa trabaho.
Ngayong pasok na siya sa top eight, wala na siyang balak na umatras pa at ang
gusto niya nalang na mangyari ay mas lalo pa siyang manibabaw sa susunod
niyang performance na gaganapin na kaagad sa Lunes kaya pagkatapos na
pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na siya kaagad sa computer para
magresearch.
Buong maghapon siyang nakababad sa tapat ng computer at mag'aalas kwatro
na ng hapon noong nakaisip siya ng magandang ideya. Gusto niya sanang
ikwento kay Lu Jinnian ang mga plano niya kaya masaya niyang kinuha ang
kanyang phone para tawagan ito, pero sakto naman na may naunang tumawag
sakanya.
Hindi nakasave ang number na tumatawag…
Hindi siya komportable na kumausap ng hindi niya kakilala kaya medyo matagal
din siyang nagdalawang isip bago niya ito sagutin. "Hello."
"Hello, si Miss Qiao Anhao ba 'to?" nagmamadaling tanong ng babae mula sa
kanilang linya.