Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 690 - Ang mga text message sa phone (41)

Chapter 690 - Ang mga text message sa phone (41)

Pagkatapos magsalita ni Auntie Qiao, muli siyang humarap kay Qiao Anhao

para patahanin ito. "Wag kang mag-alala, Qiao Qiao. Si uncle at auntie ay

nandito. Tignan ko lang kung anong magagawa niya!"

"Kung hindi ang bwisit na 'yan ang gumawa nito, eh sino pa ba!" Sa mga

oras na 'to, tuluyan ng isinantabi ni Han Ruchu ang kanyang reputasyon.

Dahil sa paulit-ulit na pagtawag ni Han Ruchu ng 'bwisit' kay Qiao Anhao,

lalo lang naginit si auntie Qiao. "Han Ruchu, pwede bang tigiltigilan mo yang

bibig mo. Sinong tinatawag mong bwisit?

"Para sabihin ko sayo, kung si Qiao Qiao nga talaga ang naglabas ng

recording, ano sa tingin mong gagawin mo? Pagkatapos mong gumawa ng

karumaldumal na bagay, ngayon natatakot kang malaman ng ibang tao? Sa

tingin mo ganun kadali mo nalang mabubully ang mga Qiao?"

Dahil sa pagtatalo nina Auntie Qiao at Han Ruchu, maraming mga kilay ang

nagsitaasan kaya hindi nagtagal, hindi na halos mabilang mga taong

nakapaligid sakanila para makiusisa.

Hindi na kinaya ni Xu Wanli ang kahihiyan kaya dali-dali siyang tumayo at

lumapit kay Uncle Qiao. "Parami na ng parami ang taong nanunuod sa atin.

Pwede bang pagusapan nalang natin 'to sa bahay?"

Matatawag na huwarang asawa si Auntie Qiao dahil normal sakanya ang

pagiging mahinhin at palaging sumusunod sa anumang sabihin ni Uncle

Qiao. Pero hindi siya pwedeng maliitin dahil sa mga ganitong sitwasyon,

maging si Uncle Qiao ay natatakot ring pumagitna.

Isa pa, si Uncle Qiao ang tunay na kadugo ni Qiao Anhao at hindi si Auntie

Qiao. Ngayon na nakikita niyang pinoprotektahan ng asawa niya ang

kanyang pamangkin, sino siya para pigilan ito. Kaya saang anggulo man

tignan, tama lang na tumahimik siya sa isang gilid at hayaan ang kanyang

asawa na gawin ang nararapat.

Napa'hmft si Auntie Qiao sa sobrang sama ng loob.

"Anong paguusapan pag-uwi? Sa harap ninyong lahat, sasabihin ko na mula

ngayon ay putol na ang ugnayan ng Qiao at Xu family at kahit kailan ay

hinding hindi na kami magkakaayos muli! Sino ka para saktan ang anak

namin? Sa tingin mo ba mga weak sauce ang mga Qiao?! Pagkatapos mong

sampalin ang isang tao, ngayon gusto mo pa ring lumuhod siya sayo?

Umasa ka!"

Habang nasa kalagitnaan si Auntie Qiao ng pagsasalita, si Qiao Anhao, na

mangiyak ngiyak, ay muntik ng matawa.

Hindi niya inakala na ang kanyang auntie na walang ibang ginawa kundi

magtrabaho at mag'mahjong ay marunong din palang gumamit ng mga

internet slang.

"Sa tingin mo ba mabuting tao yang anak mo? Baka iniisip mo na talagang

bagay yang bwisit na yan at ang Jiamu namin?" Biglang itinaas ni Han

Ruchu ang kanyang kamay at dinuro si Qiao Anhao. "Dapat lang mamatay

ang anak niya, dahil yun ay kay…"

"Tama na!"Galit na galit na sigaw ni Xu Jiamu, na kanina pa nanahimik.

Kailangan niyang sumigaw dahil alam niya na ang kasunod na sasabihin ng

nanay niya at hindi niya hahayaan na mangyari yun. Dali-dali niyang hinila

ang braso ni Han Ruchu at nanggigigil na sinabi, "Hindi pa ba sapat sayo

'to? O baka naman hindi pa ito nakakahiya para sayo?"

Habang nagsasalita si Xu Jiamu, bigla niyang hinila papunta sa ang kanyang

nanay, na may galit na galit na itsura.

Noong dumaan si Xu Jiamu sa harap ni Qiao Anhao, medyo binagalan niya

ang kanyang paglalakad. Sa totoo lang, gusto niya sanang tumingin at

humingi ng tawad sa kababata niya, pero hindi niya ito kayang tignan, kaya

pagkatapos ng halos kalahating segundo, tuluyan niya ng kinaladlad palabas

ang kanyang nanay.

Sa kabila ng paulit-ulit na pagmamakaawa ni Han Ruchu kay Xu Jiamu,

patuloy niya pa rin itong hinila palabas ng Beijing Club hanggang sa

makarating sila sakanilang family car. ""Jiamu, bitawan mo naman si mama."

Nang makita ng mayordoma, na kasalukuyang naghihintay sa loob ng

sasakyan, ang nangyari, dali-dali itong bumaba. "Madam, young master,

anong nangyari?"

Parang walang narinig si Xu Jiamu at ndire-diretso niyang binuksan ang

pintuan at itinulak si Han Ruchu papasok. "Umuwi ka na!"

At bigla niyang binalibag ang pintuan ng sasakyan.

Si Xu Jiamu ang kahinaan ni Han Ruchu kaya ngayong galit na galit ito

sakanya, nagmamadali niyang binuksan ang pintuan para habulin ang anak,

"Jiamu, saan ka pupunta? Hindi ka ba uuwi kasama ni mama?"