Lahat naman siguro ng nandoon ay napanuod na si Lu Jinnian sa TV, pero
kadalasan kasi may nag'dudub sakanya, kaya bihira lang talaga ang
nakakaalam ng tunay niyang boses.
Bata palang si Xu Jiamu ay nakakahalubilo niya na si Lu Jinnian kaya sigurado
siya na kapatid niya ito. Ngayon na naririnig niya itong kausap ang boses ng
kanyang ina, lalo pang kumunot ang kanyang noo sa sobrang pagkagulat.
Mukhang may isa sa mga nagsasalita ang hindi alam na nairerecord ang
usapan dahil medyo na parang may bumubulong bago muling marinig ang
malinaw na boses ng lalaki. "Mamatay tao ka!"
Medyo naguguluhan pa si Han Ruchu noong una, pero nang marinig niya ang
mga salitang ito, bigla niyang naalala kung kailan naganap ang usapan. Para
siyang naging papel sa sobrang putla at sa pagkakataong ito, hindi niya na
maitago ang pagkaaligaga sa sobrang kaba.
Samantalang si Qiao Anhao naman ay nanatiling kalmado sakanyang
kinauupuan. Hindi niya mapigilang mapangisi habang pinapanuod niyang
napapahiya si Han Ruchu.
Malayong malayo na ang awra ng paligid. Ang kanina'y hiyawan at tawanan ay
biglang napalitan ng pagbubulungan.
"Mamatay tao? Anong ibig sabihin nito?"
"Sinong mamatay tao? Si Madam Xu ba ang tinutukoy niya?"
"'dyos ko…ano bang nangyayari?"
Hindi pa man din nabibigyan ng pagkakataon na kumalma ang mga tao, muli
nanamang narinig ang boses ni Han Ruchu mula sa recording. "Anong ibig
mong sabihin?"
Agad ding nagsalita ang lalaki, "Iniisip ko nga kung alam nab a ni Jiamu na
ang kamay ng nanay niya ay punong puno ng dugo. Hindi na ito naawa sa
isang dalawang buwang taong gulang na bata…. Ang kayang magiging tingin
niya sayo sa oras na mamulat siya sa katotohanan?"
Ah…" halos kalahating napanganga ang mga tao sa sobrang bigat ng
impormasyon.
Kahit si Qiao Anhao, na tahimik na nakaupo sa tabi ni Auntie Qiao, ay
napabuntong hininga rin.
Parang ayaw talagang bigyan ng pagkakataon na makahinga ang mga tao dahil
hindi pa man din nila napoproseso ang mga nangyari ay muli nanamang
nagsalita si Han Ruchu, "So alam mo na pala."
"Ano raw nangyari?"
"Ibig bang sabihin, umamin talaga si Madam Xu?"
"Totoong pumatay siya ng batang hindi pa ipinapanganak?"
Sa loob lang ng ilang segundo, napuno ang hall ng palakas ng palakas na
pagbubulungan ng mga tao.
Sa pagkakataon ito, sobrang na'gisa na si Han Ruchu at hindi niya na alam
kung paano niya maitatago ang kanyang pagkabalisa.
Maging ang host na nakatayo lang sa isang gilid ay napatingin sakanya na may
mga matang punong-puno ng pagtatanong.
Samantalang si Xu Jiamu naman ay pinilit na magmukhang kalmado sa harap
ng lahat, pero ang hindi alam ng mga ito ay gigil na gigil na ang kanyang mga
kamao at sa sobrang lakas ng pwersa, makikitang namuti na ang kanyang mga
bukong-buko.
Hindi pa man din bumababa ang tensyon, muli nanamang nagsalita ang lalaki,
"Oo, alam ko na. Dahil sa sleeping pills na nilagay mo sa swallow's nest ni
Qiao Anhao kaya siya nakunan. Mrs. Han, sobrang pinaghandaan mo ang
lahat, pero nakakahiya ka dahil ikaw mismo ang gumawa ng paraan para
mapahamak ka."
Sa pagkakataong ito, walang sinuman ang nakapagsalita.
Pero pagkatapos ng halos isang minutong pananahimik, muling nagkagulo ang
mga tao.
"Qiao Anhao? Hindi ba, siya ang anak na babae ng Qiao Family?"
"Oo…magasawa sila dati ni Xu Jiamu pero hindi nagtagal, nagdivorce rin sila.
Ang sabi sa balita, napagkasunduan dawn ito ng dalawa kaya nanatiling
magkaibigan ang dalawang pamilya."
"Hindi ba parang grabe naman ata ang nangyari? Magasawa sina Qiao Anhao
at Xu Jiamu, at magkakaanak sana sila, pero pinalaglag ni Han Ruchu ang
bata?"
"What the hell? Napaka walang puso naman ng babaeng yan! Paano niya
nagawang saktan ang sarili niyang laman at dugo?"
Hindi makapagsalita si Auntie Qiao dahil sa nakakapanindig balahibong
balita na bumulaga sakanya. Hindi niya makumbinsi ang sarili niya totoo ang
mga narinig niya kaya gulat na gulat siyang tumingin kay Qiao Anhao.