Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 670 - Ang mga text message sa phone (21)

Chapter 670 - Ang mga text message sa phone (21)

"Teka, uubusin ko lang to."

Hanggat maari, ayaw niyang bigyan ng pagkakataon na makapagsalita si Lu

Jinnian kaya dali-dali niyang tinungga ang isang baso ng tubig na ibinigay nito.

Habang ibinabalik niya ang baso kay Lu Jinnian, nagpanggap siya na

nakalimutan niya na ang sinabi niya bago siya uminom at dali-dali siyang

nagsalita, "Matutulog na ako. Bukas nalang tayo magusap."

Hindi pa man din ito nakakasagot, bigla siyang kumaripas ng takbo paakyat.

Habang hawak ni Lu Jinnian ang baso, natatawa nalang siya sa sobrang

ka'praningan ni Qiao Ahhao kaya nakangiti lang siya habang pinagmamasdan

itong tumakbo paakyat.

Alam niya… Natatakot itong marinig kung ano mang sasabihin niya kaya pilit

itong umiiwas sa tuwing sinusubukan niyang makipagusap.

Ibig sabihin…. Mahal mo talaga ako Qiao Qiao?

Sumandal si Lu Jinnian sa pader at tumingala sa ceiling lamp habang hawak

hawak pa rin ang basong ibinalik sakanya ni Qiao Anhao. Sa mga oras na 'to,

nararamdaman niya na unti-unting gumagaan ang anumang mabigat sa puso

niya na matagal niyang tiniis dalhin.

Halos dalawang minuto rin siyang nakatingala bago siya umayos ng tayo at

maglakad papunta sa kusina. Pero hindi pa man din siya nakakadalawang

hakbang, muli nanaman siyang natigilan dahil may naramdaman siyang kakaiba

sa ilalim ng kanyang tsinelas. Pagkayuko niya, nakita niya ang isang maliit na

pulang booklet na may nakasulat sa harap na 'Marriage Certificate'.

Habang nakakunot ang noo, yumuko si Lu Jinnian para pulutin ito. Sigurado

siya na itinago niya ang certificate niya sa study room, ibig sabihin kay Qiao

Anhao ito?

Kanina lang, ang lakas pa ng loob nitong ipagyabang ang marriage certificate

na dala nito, tapos ngayon hindi nito namalayan na nalaglag na ito…Napaka

burara.

Napangiti nalang si Lu Jinnian habang umiiling. Inilagay niya muna ang baso sa

kusina bago siya umakyat papunta sa kwarto nila.

Pagkarating ni Lu Jinnian, nakapajamas na si Qiao Anhao at nakahiga na sa

kama habang nakapikit.

Naglakad siya papalapit dito at noong nakikita niyang nanginginig ang mga

pilikmata nito, sigurado siyang hindi pa ito tulog at nakikiramdam lang sakanya

kaya dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay at kinurot ng mahina ang

malambot nitong mukha. "Qiao Qiao, nasaan ang marriage certificate mo?"

Marriage certificate... Bakit hinahanap ni Lu Jinnian ang marriage certificate

niya? Makikipag'divorce na ba ito?

Biglang humigpit ang hawak ni Qiao Anhao sa kumot at dali-dali siyang pumikit

ng mas matindi pa.

Natutulog siya, wala siyang naririnig na kahit ano.

Para mas maging kapani-paniwala, sinadya niyang laliman ang paghinga niya

at nagpanggap pa siyang humihilik.

Ilang sandali ring nakatayo si Lu Jinnian habang pinagmamasadan si Qiao

Anhao na halatang nagpapanggap na tulog bago siya yumuko para tapikin ang

mukha nito ng mahina gamit ang pulang booklet na napulot niya.

Biglang kumunot ang noo ni Qiao Anhao. Teka lang, anong pinangtapik ni Lu

Jinnian? Bakit parang may hawak itong booklet?

Bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata para sumilip. Naaninag niya

na may hawak itong pulang booklet kaya idinilat niya pa ng konti ang kanyang

mga mata at dun bumungad sakanya ang mga salitang 'Marriage Certificate'.

Hawak ni Lu Jinnian ang marriage certificate nito…Bakit hinahanap din nito ang

certificate niya? Baka gusto na talaga nitong makipagdivorce…

Hindi kayang tanggapin ni Qiao Anhao ang gustong mangyari ni Lu Jinnian

kaya dali-dali siyang nagtago sa ilalim ng kumot.

Wala siyang nakikita, wala siyang naririnig, wala siyang alam.

Basta, natutulog siya.

Hindi na alam ni Lu Jinnian kung anong gagawin niya kaya bigla nalang siyang

natawa ng malakas. Hindi niya alam kung bakit pero sobrang saya niya talaga

at sa totoo lang, hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na

nakatawa siya ng ganun.

Alam niyang hindi niya na mapipilit si Qiao Anhao na makipag-usap sakanya ng

matino kaya wala na siyang ibang maisip kundi ang hawiin ang kumot na

nakataklob dito at hilain ito palabas. Ikinaway niya ang pulang booklet na

hawak niya at sinabi, "Sayo to…"