Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 650 - Ang mga text message sa phone (1)

Chapter 650 - Ang mga text message sa phone (1)

Hindi na sumagot si Qiao Anhao at dinial niya nalang ang "Home" na nasa

kanyang Contacts.

Ito ang number ng telepono nila sa Mian Xiu Garden.

Kahit na si Zhao Meng ang dahilan kung bakit sila naipit, di niya naman

pwedeng hayaan na malaglag nalang ito dahil alam niya na nagawa lang ito ng

kaibigan niya sa kagustuhan nitong ipagtanggol siya.

Isa pa, yung bagong script…. Hindi niya talaga maatim na tanggapin nalang yun.

Malinaw na binayaran ni Lin Shiyi ang production para palitan ang script dahil

gusto nitong mapahiya siya. Kung papayag siya sa mga sampalang eksena,

malay niya ba kung may iba pang balak si Lin Shiyi para lalo siyang mapahiya!

Walang kasiguraduhan si Qiao Anhao kung nasa bahay ba talaga si Lu Jinnian

sa mga na 'to, pero sinubukan niya pa ring tumawag.

Pero, mukhang sinuswerte siya sa araw na 'to dahil pagkatapos ng tatlong ring

ay may sumalubong sakanya ang boses ni Lu Jinnian mula sa kabilang linya.

"Qiao Qiao?"

"En," nagaalangan niyang sagot.

"Bakit?" mahinahong tanong ni Lu Jinnian.

Hindi niya alam kung bakit pero medyo kinabahan siya noong narinig niyang

may umuusog na upuan mula sa linya ni Lu Jinnian. Paano nalang kung

bumaba ang tingin sakanya ng asawa niya kung malalaman nito na ginamit niya

ang pangalan nito para magyabang sa harap ng ibang tao?

Medyo matagal na naghintay si Lu Jinnian ng sagot ni Qiao Anhao kaya noong

hindi pa rin ito nagsasalita ay muli siyang nagtanong, "Bakit hindi ka

nagsasalita?"

"Kasi…" Noong sandaling 'yun, hindi alam ni Qiao Anhao kung paano siya

magsasalita dahil parang biglang bumara sa lalamunan niya ang mga gusto

niyang sabihin.

Sa totoo lang, mas pasensyoso pa si Lu Jinnian kumpara sa iniisip ni Qiao

Anhao, kaya para mapanatag ang asawa niya na nakikinig talaga siya ay

mahinahon niyang sinabi, "En?"

Kinagat ni Qiao Anhao ang kanyang labi at pumikit habang humihinga ng

malalim. Ano ba talagang kinakatakot niya! Bakit ba hindi niya kayang

magsalita! Asawa niya naman si Lu Jinnian at naiipit siya ngayon. Kung hindi

siya hihingi ng tulong sa sarili niyang asawa, eh kanino pa siya tatakbo? Isa pa,

mas mabuti ng si Lu Jinnian nalang ang bumaba ang tingin sakanya kaysa

naman insultuhin siya ng buong crew. Nakakahiya talaga ang gagawin niyang

pabor kahit pa magasawa na sila ni Lu Jinnian, pero hindi niya naman pwedeng

hayaan na magpaapi nalang siya.

Pagkatapos magdesisyon ni Qiao Anhao, muli niyang ibinuka ang kanyang bibig

at naglakas loob na magsalita, "May free time ka ba ngayon?"

"Uh huh, oo." Walang pagdadalawang isip na sagot ni Lu Jinnian.

"Kung ganun….pwede ka bang pumunta sa set?"

Kinakabahan si Qiao Anhao na baka hindi makarating si Lu Jinnian kaya bigla

siyang natigilan at inisip kung ano bang nasabi niya.

Pero hindi niya inaasahan na sasagot kaagad si Lu Jinnian. "Sige. Hintayin mo

ako jan. Twenty Minutes."

Hindi nagtagal, may narinig si Qiao Anhao sa kabilang linya na parang may

nagaayos ng damit. Hindi pa rin siya mapalagay, pero kumpara kanina ay di

hamak na mas kampante na siya ngayon. Bakit hindi man lang nagtanong si Lu

Jinnian kung bakit niya ito pinapapunta?

Dahil dito, kung ano anong biglang pumasok sa isip ni Qiao Anhao at pagkalipas

lang ng ilang sandali ay muli niyang narinig ang boses ni Lu Jinnian sa phone.

"Ibaba ko na , paalis na ako."

"En," pagkatapos na pagkatapos niyang sumagod, pinutol na kaagad ni Lu

Jinnian ang tawag.

-

Nagmamadaling kinuha ni Lu Jinnian ang susi at sinabi ng diretsong English sa

mga kasalukuyan niyang ka'conference sa computer, "Apologies, my wife is in a

little trouble, I have to check it out. As for our launch proposal, let's look into it

when I come back tonight. If it's possible, I'll make some time for us to talk more

about it in detail."

Isa sa mga kausap niyang foreigner, na hindi pa naman ganun katanda, ang

gulat na gulat na nagtanong. "Mr. Lu, you'r married?"

"Yes." Hindi namalayan ni Lu Jinnian na nadulas na pala siya kaya biglang

kumunot ang kanyang noo at nagpatuloy, "Next time you guys come to China,

my wife and I will look after you both."

Walang balak na magsayang ng oras si Lu Jinnian kaya dali dali niyang pinutol

ang video conference at pinatay ang kanyang laptop bago siya maglakad

palabas ng kanyang study room.

-

Pagkalipas ng halos sampung minuto simula noong maputol ang tawag,

nagmamadaling pinuntahan ng direktor sina Qiao Anhao at Lin Shiyi para

magbigay ng paalala na kailangan na nilang magretouch dahil malapit ng

magumpisa ang susunod na eksena.

Related Books

Popular novel hashtag