Chapter 647 - Kasal (18)

Natural, ang tanging rason lang naman kung bakit nagpapanggap si Lin Shiyi na

mapagbigay sa lahat ay dahil ayaw niyang mapatalo kay Qiao Anhao at ayaw

echapwera nanaman ng iba.

Nakangiti lang si Qiao Anhao hanggang sa makaalis si Lin Shiyi. Imbes na

inumin ang ibinigay nito, inilapag niya lang ang mga tsaa sa lamesa at muli

siyang tumingin kay Zhao Meng para irehearse ang mga magiging linya niya sa

susunod nilang eksena.

Simula noong napasama si Lin Shiyi sa crew, madalas niya ng ilibre ang lahat

ng tsaa, dinner, o kaya kahit karaoke. Dahil sa suportang ibinibigay sakanya ng

boyfriend niyang investor, malakas ang loob niyang pakainin ang mga staff at

artista kaya naman sobrang nirerespeto at lagi siyang pinupuri ng mga ito.

"Sis Shiyi, ang ganda naman ng singsing mo! Yan ba ang yung pinaka bagong

model ng Chanel?"

"At isa pa, yung dress na sinuot mo kaninang umaga Sis Shiyi, mukhang limited

edition yun ah."

"Eh nakita niyo ba ang sasakyang dala ni Sis Shiyi kahapon?"

Sa kabila ng pagbuhos ng mga papuri, nakangiti lang si Lin Shiyi habang maya't

maya siyang humihigop ng kape gamit ang isang straw. Mula umpisa, ang

assistant niya na nasa kanyang tabi ang sumasagot para sakanya, "Lahat ng

'yun ay regalo ng boyfriend ni Sis Shiyi."

Dahil sa sinabi ng assistant, naghiyawan ang mga nakapaligid sakanila.

Habang tinutulungan ni Zhao Meng na magrehearse si Qiao Anhao ng mga linya

nito, hindi niya napigilang umirap sa sobrang pagkairita at pabulong na

nagreklamo. "Tama na nga… Wala ng ibang ginawa kundi magyabang araw

araw sa set. Hindi ko na talaga kaya. Qiao Qiao, pwede bang maglakad lakad

muna tayo?"

Sinilip ni Qiao Anhao si Lin Shiyi na napapalibutan ng mga kasama nilang staff

at artista. Maya't maya, naririnig niyang tumatawa ang grupo kaya pumayag

siya sa ideya ni Zhao Meng at sabay nilang inilapag ang mga script na hawak

nila sa lamesa para lumabas.

Pero noong tatayo na si Qiao Anhao, bigla namang tumakbo ang assistant ng

direktor papalapit sakanya. May dala itong bagong script at sinabi, "Pasensya

na, Miss Qiao. Inutusan kasi ako ng direktor na ibigay to sayo. Sabi niya may

mga area na hindi maganda kaya may ilan silang pinalitan. Mamaya, pag

nagshoot tayo, ito na ang susundan mo."

Sa isang set, normal lang naman na magkaroon ng ilang pagbabago sa script

para lalo pang gumanda ang kwento kaya wala itong problema kay Qiao Anhao.

Kalmado niyang kinuha ang bagong script at tumungo sa assistant ng direktor.

Yumuko ang assistant at dali dali naman itong tumakbo papalapit kay Lin Shiyi

para ibigay din dito ang bagong script nito.

"May nagbago pang script sa susunod na eksena?"

Habang nagtatanong si Zhao Meng, bigla niyang inagaw ang bagong script sa

kamay ni Qiao Anhao. Pagkabuklat na pagkabuklat niya nito, biglang kumunot

ang kanyang noo at nandilim ang kanyang paningin. Binasa niya ito ng

paspasan hanggang makarating siya sa dulo bago niya ito padabog na inihagis

sa lamesa.

"Anong ibig sabihin nito? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng

pagbabago habang nagfifilm. Sa susunod na eksena, malinaw na sasampalin ng

bisang babae ang supporting actress pero bakit biglang nagkabaliktad? Isa pa,

paano nangyari na ang supporting actress ang makakatuluyan ng bidang lalaki?

Kalahating araw niyong pinagawa sa amin ang eksena tapos biglang papalitan

ng supporting actress?"

Biglang kumunot ang noo ni Qiao Anhao noong narinig niya ang sinabi ni Zhao

Meng at dali dali niyang kinuha ang script para tignan ito.

Hindi ito basta bastang pagbabago lang; malinaw na nagbibigay ang production

ng panibagopng script!

Galit na galit na nagpatuloy si Zhao meng habang binubuklat ang script. Sa

sobrang sama ng loob, bigla niya itong nilukot at sinabi, "Isa pa, tignan mo Qiao

Qiao. Sa bawat eksena, may parte na sasampalin ka ng supporting actress.

Anong klaseng bullshit ba 'to?!"

"Ano bang nangyari? Bakit galit na galit ka?" malambing na tanong ni Lin Shiyi

habang pinapalibutan ng mga staff at ibang artista.