Chapter 643 - Kasal (14)

Habang pinagmamasdan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, wala pa ring nagbago sa

emosyon ng kanyang istura pero kumpara noong una, halatang di hamak na

mas kalmado at masaya siya ngayon. Binuksan niya ang makina ng sasakyan at

nagmaneho palabas ng kalsada.

Pagkayuko ni Qiao Anhao, maingat niyang inayos ang mga dokumento at mga

pictures nila ni Lu Jinnian. Hindi nagtagal, inilabas niya ang dalawang kulay

pulang marriage certificates at muli siyang tumingin kay Lu Jinnian para ibigay

ang isang certificate dito. "Ito yung sayo."

Tutok na tutok si Lu Jinnian sa pagmamaneho kaya sumilip lang siya ng

bahagya. Noong nakita niya ang mga salitang "Marriage Certificate" na

nakaprint sa harapan ng pulang libro, bigla niyang naalala na mula ngayon ay

magkadugtong na ang mga pangalan nila. Hindi niya namalayan na bigla niyang

nakabig ang manibela papunta sa gilid ng kalsada, pero dahil mabilis naman

ang naging reaksyon niya, agad niya rin itong nabawi. Itinabi niya ang sasakyan

at kalmado niyang kinuha ang pulang libro.

Ilang sandali niya rin itong tinitigan bago niya ipasok sakanyang bulsa. Magaan

lang ang pulang libro pero ramdam pa rin ng kanyang hita ang init nito kahit pa

may telang namamagitan sakanyang balat at bulsa.

Pagkahinto nila sa isang stop light, sinilip ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa rear

view mirror: napakaseryoso ng itusra nito habang sinusuri ang pulang libro.

Sakto sa mukha nito ang mamula mulang liwanag na nanggaling sa palubog na

araw. Ang mga mata nitong may mahahabang pilikmata ay nakatingin sa ibaba

habang ang mga labi naman nito ay bahagyang nakangiti.

Napatulala si Lu Jinnian sa sobrang ganda ng nakikita niya at hindi pa siguro

siya mahihimasmasan kung hindi pa bumusina ng walang tigil ang mga

sasakyang nasa likod nila. Dali dali siyang tumingin sa kalsada at nagmaneho

papalayo. Bagamat halata sa mukha niya na kalmado at masaya siya, wala pa

ring anumang bakas ng emosyon ang kanyang boses noong sandaling magsalita

siya. "Saan mo gustong umuwi?"

"Uh?" Nagtatakang tanong ni Qiao Anhao habang inaangat niya ang kanyang

ulo.

"Gusto mo bang umuwi muna tayo sa magkaibang bahay sa unang araw ng

kasal natin?"

"Uhhh…" Napakunot ng noo si Qiao Anhao dahil medyo nalabuan siya sa

tanong ni Lu Jinnian noong una pero hindi nagtagal ay naintindihan niya rin

naman ang gusto nitong iparating. Ilang sandali siyang nagisip at sinabi, "Sa

Mian Xiu Garden."

Napakarami nilang nabuong alaala sa Mian Xiu Garden, at kahit na noong

umalis na siya rito, sinigurado pa rin ni Lu Jinnian na walang magbabago sa

bahay para maramdaman nito na magkasama pa rin sila sa iisang bubong.

Kaya ngayon na magasawa na sila, gusto niyang ang Mian Xiu Garden ang

maging tahanan nila.

Pagkatapos niyang sumagot, naramdaman niya na parang masyado siyang

naging demanding kaya muli siyang nagsalita, "Pwede ba?"

Hindi sinagot ni Lu Jinnian ang tanong ni Qiao Anhao at sinabi, "Siguradong

pagod ka na sa haba ng byinahe natin. Magdinner lang tayo sandali tapos

umuwi na rin tayo kaagad para makapagpahinga. Tutulungan kitang maglipat ng

mga gamit mo bukas."

Base sa sagot ni Lu Jinnian, mukhang hindi naman ito tumutol sa sinabi ni Qiao

Anhao.

-

Pagkatapos nilang magdinner, umuwi sila kaagad sa Mian Xiu Garden.

Dumiretso si Qiao Anhao sa CR para maligo at habang hindi pa ito tapos,

pumunta muna si Lu Jinnian sa study room. Kagaya ng nakasanayan, nagsindi

siya ng isang stick ng sigarilyo at nakakailang buga palang siya nang maisipan

niyang kunin ang pulang libro na nasa kanyang bulsa.

Ilang sandali siyang nakatitig sa cover page bago niya ito buksan para tignan

ang picture nila ni Qiao Anhao na nasa loob.

Napakaganda ng ngiti ni Qiao Anhao at sa sobrang saya nito ay naghugis

cresent moon na ang mga mata nito. Base sa pagkakaalala niya, wala siyang

emosyon noong oras na kinunan sila ng picture pero habang tinitignan niya ito

ngayon, napansin niya nakangiti pala siya.

Matagal siyang nakatitig sa picture nila bago niya tignan ang mga pangalan na

nakasulat sa ilalim.

Lu Jinnian.

Qiao Anhao.