Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 64 - Pumirma Ka Dito (4)

Chapter 64 - Pumirma Ka Dito (4)

Pakiramdam ni Qiao Anhao walang katapusan ang kahihiyan niya habang tinitignan ang contract.

Hindi maiwasan ni Lu Jinnian na mangunot ang mga kilay niya ng makita nagdadalawang-isip si Qiao Anhao kaya nagtanong siya,

"Bakit? Hindi ba sapat na kabayaran ang product endorsement?"

Narinig ni Qiao Anhao ang tono ng boses ni Lu Jinnian kaya bahagya niya inalog ang pen at tahimik pero mabagal itong pinirmahan.

Matapos ang unang nangyari sa kanila ni Lu Jinnian. Ang naging dahilan para sa walang katupusan kahihiyan para sa kanya. Kung alam niya na mangyayari ito hindi na niya hiningi ang part sa 'To the End of Time'. Ang dahilan para sa kanyang kalungkutan.

Wala siyang dahilan para tanggihan ang contract dahil siya ang gumawa ng gulo.

Nahulog ang loob niya para kay Lu Jinnian, 13 taon ang nakakaraan, bata pa siya at nahihiya kaya hindi niya magawang umamin.

Ngayon 13 taon ang nakalipas at mahal niya parin ito sa pagmamahal niya sinubukan niyang itago ito.

Magkatabi sila ngunit parang magkabilang mundo ang layo nila at hindi pa napagtanto ni Lu Jinnian na mahal siya ni Qiao Anhao. Kaharap niya ito pero hindi niya masabi na mahal niya ito.

Yumuko ang si Qiao Anhao dahil pinipigil niya ang kanyang luha at bago matapos ang kanyang pirma bahagya siyang nanginginig ang hawak niyang pen. Nang mapilan niya ang luha saka niya nilagay sa lamesa ang pen at binigay kay Lu Jinnian ang contract.

Uminit ang ulo ni Lu Jinnian na makita ang pagiging kalmado ni Qiao Anhao, tila sinisilaban siya sa init at walang mahanap na labasan.

Tumingin si Lu Jinnian sa direksyon ng malaking bear sa kama at tumingin kay Qiao Anhao at mabigat na sinabi, "May condition na diyan na hindi ka maaring mag-endorse ng ibang produkto galing sa ibang cosmetic brands habang nasa proyekto. Kung hindi legal kang kang magbabayad ng malaking compensation."

"Gusto kong ipaalala sayo na basahin mong maigi yan dahil kung mag-breach ka sa contract, ikaw ang magbabayad. Huwag mong isipin na ang Huan Ying Entertainment ang tutulong sayo sa kahit isang kusing!"

Agad kinuha ni Lu Jinnian ang kontrata saka tinignan si Qiao Anhao ng strikto at umalis.

Pakiramdam ni Qiao Anhao pagod na pagod siya marahil dahil sa pagdating ni Lu Jinnian o ang paglabas nito. Dahil hirap siyang makatulog.

Niyakap niya ang matangkad sa kanya na bear saka nahiga sa kama. Tumignin siya sa kisame ng matagal at inalala ang nangyari 6 buwan na ang nakalipas, ang pakiramdam na pakasalan si Lu Jinnian.

Related Books

Popular novel hashtag