Hindi pa naproproseso ng utak ni Lu Jinnian ang sinabi ni Qiao Anhao na
"Magpakasal na tayo" nang marinig niyang muli itong nagsalita. Nanginginig ang
kanyang mga labi at halatang halata sakanyang itsura na bumibigay na siya rito.
"Lu Jinnian, hindi naman natin hahayaang maipanganak ang bata ng walang
tatay, tama?"
"Qiao Qiao…" Bigla siyang nagsalita sa kalagitnaan ng tuloy tuloy na
pagsasalita nito.
Sa wakas, huminto na rin si Qiao Anhao at hindi mapakaling tumingin sakanya,
"Bakit?"
"Ano yung kakasabi mo lang?"
"Bata…"
Hindi, yung bago niyan."
"Mga natitirang araw ng buhay ko…"
"Yung nauna pa."
"Kung wala ng magkagusto sa akin…"
"Hindi, yung mas nauna pa jan"
Kumunot ang noo ni Qiao Anhao habang iniisip kung ano ang tinutukoy ni Lu
Jinnian. "Magpakasal na tayo?" at muli siyang nagsalita, "Ito ba?"
Biglang itinaas ni Lu Jinnian ang kanyang kamay para ayusin ang buhok ni Qiao
Anhao na nasa may bandang tenga at mahinahon siyang sumagot, "Oo."
Biglang nanigas ang buong katawan ni Qiao Anhao.
Hindi nagtagal, dahan dahang hinimas ni Lu Jinnian ang tenga ni Qiao Anhao at
muling nagsalita, "Yan ang rason na gusto kong marinig, magpakasal na tayo."
Sa tagal niyang nagdalawang isip, sa wakas at buo na ang desisyon ni Lu
Jinnian. Hinawakan niya ang mga kamay ni Qiao Anhao at sinabi, "Umuwi na
tayo at magpakasal na tayo ngayon."
Hinila niya ito papunta sa hintayan ng taxi at pumara ng isa para makabalik
muna sila sa hotel. Wala siyang balak na magsayang ng oras kaya pagkarating
na pagkarating niya sakanyang kwarto ay nagempake na siya kaagad at
tumawag ng pwedeng tumulong sakanya sa pagaasikaso ng ticket pabalik ng
Beijing. Nang masigurado niyang maayos na ang lahat, nagmamadali siyang
bumaba at nagcheck out bago sila bumalik sa airport.
Nag'book siya ng parehong flight kay Qiao Anhao. Pagkabalik nila sa aiport,
kalahating oras nalang ang natitira bago lumipad ang eroplano kaya
nagmamadali silang dumaan sa lahat ng mga gate at dumiresto sa loob ng
eroplano.
Pagkaupo nila sa loob ng eroplano, nagsara na rin kaagad ang mga pintuan at
nagumpisa ng mag'play ang mga safety instruction.
Sa tagal niyang umiyak at nagwala, sobrang napagod talaga si Qiao Anhao kaya
pagkalipad ng eroplano ay nakatulog na siya kaagad ng mahimbing.
Habang tumatagal, palamig ng palamig sa loob ng eroplano kaya humingi si Lu
Jinnian ng panaklob para kay Qiao Anhao. Habang kinukumutan niya ito, muli
niyang nakita ang luhaan nitong mukha.
Ilang segundo rin siyang nakatitig dito bago siya maglabas ng wet tissue na
maingat niyang pinampunas sa mukha nito. Nang masiguro niyang nabura niya
na ang lahat ng bakas ng mga luha sa mukha ni Qiao Anhao, muli niya itong
tinitigan ng ilan pang sandali bago siya humarap sa bintana.
Magpakasal na tayo.
Aminado si Lu Jinnian na hindi talaga siya makapaniwala noong sinabi ni Qiao
Anhao ang tatlong salitang ito.
Ang permanenteng maidugtong ang kanyang pangalan sa pangalan nito.
Wala na sigurong ibang rason na hihigit sa pagyaya sakanya ni Qiao Anhao ng
kasal para makakapagkumbinsi siya.
Ang mailagay ang kanyang pangalan sa identification book ni Qiao Anhao…
Mula ngayon, magkakaroon na siya ng pamilya at hinding hindi na siya magiging
mag'isa. Ang babaeng minahal niya sa loob ng mahabang panahon ay magiging
asawa niya na sa wakas… Tunay ngang napakagandang rason… Dahil sa rason
na sinabi nito, paano nga ba siya makakatanggi.
Inaamin niya na kahit sinubukan niyang kalimutan si Qiao Anhao ay naantig
talaga siya sa ginawa nito…. Muntik na siyang mabaliw sa sobrang sakit ng mga
ginawa nito sakanya dati pero noong sandaling yayain siya nitong magpakasal,
parang biglang nawala ang lahat at hindi niya kayang tumanggi.