Chapter 632 - Kasal (3)

Kagaya ng mga eksesna sa pelikula, isa-isang inalala ni Qiao Anhao ang mga

nangyari kagabi. Pinagmasdan niya ang buong paligid at noong hindi niya

makita si Lu Jinnian, akala niya ay iniwan nanaman siya nito kaya dali dali

siyang bumangon sa kama at tumakbo palabas ng tulugan ng hindi niya

napapansin na wala pa siyang kahit anong suot.

Nang marinig ni Lu Jinnian ang kaluskos, agad siyang napalingon sa

pinanggalinganng ingay.Hindi niya inaasahang susulpot si Qiao Anhao na

naka'hubo't hubad kaya biglang kumunot ang kanyang noo at dali daling siyang

tumingin sa iba. "Magbihis ka muna bago ka lumabas."

Dahil sa nangyari, biglang namula ang buong mukha ni Qiao Anhao sa kahihiyan

at nagmamadali siyang bumalik sa tulugan, at isinara ng malakas ang pintuan.

Pagkatapos niyang magshower, binalot niya ang kanyang katawan ng bathrobe

bago siya maglakad papunta sa kama kung saan tumambad sa kanya ang mga

bagong damit na may mga tag pa.

Mukhang binili ito ni Lu Jinnian kaninang umaga para sakanya.

Wala siyang balak na magsayang ng oras kaya mabilisan niyang pinatuyo ang

kanyang buhok, ipinusod ito, at nagbihis ng damit bago siya lumabas ng

tulugan.

Nakapaghanda na si Lu Jinnian ng ilang pagkain sa lamesa kaya noong narinig

niya na muling nagbukas ang pintuan, iniangat niya ang kanyang ulo at sinabi,

"Tara kumain ka muna."

Umupo siya sa upuan na nasa kanyang tabi.

Dahan dahang naglakad si Qiao Anhao papalapit para pagmasdan ang mukha ni

Lu Jinnian. Noong nasiguro niyang walang bakas ng galit o pangwengwestyon

sa itsura nito, saka palang siya napanatag at hinila ang isang bakenteng upuan

para makaupo.

Ipinasa sakanya ni Lu Jinnian ang isang pares ng chopsticks, senyas na kumain

na siya.

Doon palang siya tuluyang nakahinga ng maluwag. Agad siyang yumuko siya

para kumain. Sa loob loob niya, pinupuri niya si Zhao Meng para sa maganda

nitong ideya.

Sa tagal niyang nakatulog, sobrang tinamaan talaga siya ng gutom. Di hamak na

mas malakas na ang kanyang loob ngayon kaya sobrang saya niya habang

kumakain.

Dalawang beses lang iginalaw ni Lu Jinnian ang kanyang chopsticks at ibinaba

niya na rin ito kaagad. Sumandal siya sakanyang upuan para pagmasdan si

Qiao Anhao na masayang kumakain.

Nanatili siya sakanyang posisyon hanggang sa matapos itong kumain. Binigyan

niya muna ito ng wet tissue bago siya maglakad papunta sa sofa. Sinilip niya

ang dalawang plastic na naglalaman ng mga pinamili niya kaninang umaga,

bagama't nagaalangan noong una, yumuko pa rin siya para kunin ang isang

kahon ng pills.

Naglakad siya papunta sa counter para kumuha ng isang basong tubig bago

siya bumalik sa lamesa. Pagkalapag niya ng baso, bigla siyang natigilan ng

halos sampung segundo, na para bang may nilalabanan siyang idinidikta ng

kanyang isip, bago niya ibigay kay Qiao Anhao ang pills. "Uminom ka ng isa."

Nakangiti si Qiao Anhao habang may hawak na wet tissue. Pagkalingon niya,

nakita niya ang pills na nasa kamay ni Lu Jinnian, "Ano yan?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian.

Dalawang beses na kumurap si Qiao Anhao at tinignan ang kahon ng pills.

Noong oras na 'yun, bigla siyang namutla at napahawak ng mahigpit sa wet

tissue na nasa kanyang kamay dahil hindi siya makapaniwala sa gustong

mangyari ni Lu Jinnian. Pagkalipas ng ilang sandali, tumingin siya ng diretso kay

Lu Jinnian at naguguluhang nagtanong, "Bakit mo ako binibigyan ng ganyan?"

Nakatitig lang si Lu Jinnian kay Qiao Anhao ng ilang sandali bago niya ilapag

ang pills sa lamesa. Imbes na sagutin ang tanong nito, bigla siyang naglabas ng

isang air ticket mula sakanyang bulsa. "Pagkatapos mong inumin yan, ihahatid

na kita sa airport."