Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 623 - Lu Jinnian, Buntis ako (14)

Chapter 623 - Lu Jinnian, Buntis ako (14)

Ang blonde na babae ay si Lucy, siya ang asawa ng direktor ni Lu Jinnian, na

nakilala niya habang nagfifilm siya sa Hollywood, at isang psychologist. Noong

nalaman nito na nakauwi na siya ngayong gabi sa America, niyaya siya nitong

mag'dinner.

Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng hotel, nagpasalamat lang si Lu Jinnian kay

Lucy at binuksan niya na kaagad ang pintuan para bumaba. Hindi niya naman

alam na bababa rin pala si Lucy at tatawagin siya.

Walang pagdadalawang isip siyang tumingin kay Lucy, na masayang nakangiti,

"Jinnian, I think you've been a little restless tonight. You just seemed so

distracted. Is something troubling you? Tell me, perhaps, I can help you."

"I'm fine," walang emosyon na sagot ni Lu Jinnian.

"Jinnian, you can't lie to me. Don't forget what I do for a living. Even if you tried

hard to pretend to look calm tonight, I could still feel that you were acting

strange. For example, during dinner tonight, you looked over at the window

nineteen times. When I started the car up, you stared at the rear view mirror in

a daze. Also while we were chatting tonight, there were four occasions when

you didn't even reply to me..."

Habang masayang nagsasalita si Lucy, may isang mahinhin na boses ang

biglang nagsalita mula sa likod nila.

"Hubby!"

Noong sandaling marinig ni Lu Jinnian ang boses, bigla nalang nanginig ang

kanyang buong katawan.

Si Lucy, na nagsasalita noong mga oras na 'yun, ay biglang napakunot ng mga

kilay nang makita niya ang biglaang pagbabago sa reaksyon ni Lu Jinnian. Sa

sobrang pagaalala niya, hindi niya napigilang magtanong, "Jinnian, what's

wrong?"

Iiling palang sana si Lu Jinnian kay Lucy nang biglang niyang maramdaman na

may balingkinitang tumakbo papalapit sakanya at yumakap sakanyang braso,

"Hubby, saan ka ba nanggaling? Ang tagal kitang hinintay dito."

Napatalon si Lu Jinnian sa sobrang gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Qiao

Anhao. Kahit na hindi nakakaintindi si Lucy ng Chinese, may ilang salita pa ring

pamilyar sakanya at isa sa mga ito ay ang salitang "Hubby". Biglang kumunot

ang niya at naguguluhang nagtanong kay Lu Jinnian ng diretsong English,

"Jinnian, you're not married, right? Why is she calling you hubby?"

Nakakaintindi si Qiao Anhao ng English, kaya nang marinig niya ang tanong ni

Lucy, nakumpirma niya na hindi normal ang relasyon nito kay Lu Jinnian.

Wala siyang pakielam kung gusto ba talaga ni Lu Jinnian ang foreigner na ito o

nanadya lang para pagselosin siya, pero gagawa pa rin siya ng paraan para

palayuin ang babaeng ito at wag ng istorbohin si Lu Jinnian.

Tinignan ni Qiao Anhao si Lucy at para ipakita na mas makapangyarihan siya,

tumingkayad siya at dalawang beses na hinalikan ang pisngi ni Lu Jinnian.

Ngayon palang nahimasmasan si Lu Jinnian sa biglaang pagsulpot ni Qiao

Anhao, pero muli nanaman siyang nagulantang nang maramdaman niyang

hinalikan siya nito.

Samantalang si Qiao Anhao naman ay bigay na bigay sa pag'arte. Ayaw niyang

tumigil sa pagtawag kay Lu Jinnian na asawa niya na para bang may inaasar,

"Hubby, nagpunta pa ako dito mula sa Beijing para hanapin ka. Hubby, sobrang

napagod ako sa flight. Hubby, may sasabihin pala ako sayo…"

Bigla bigla nalang lumabas sa bibig ni Qiao Anhao na may ibabalita siya, kaya

matapos niyang matigilan ng ilang sandali, kumurap siya at muling nagsalita,

"Hubby, buntis ako!"

Tama tama tama! Kung buntis siya, siguradong lalayo na ang foreigner na it

okay Lu Jinnian!

Pagkatapos niyang magsalita, naalala niya na nag'Chinese nga pala siya. Eh

paano kung hindi pala naintindihan ng babaeng blonde ang mga sinabi niya?

Muling ikinurap ni Qiao Anhao ang malalaking niyang mga mata. Pinahapyawan

niya ng tingin si Lucy bago siya muling humarap kay Lu Jinnian para ulitin ang

sinabi niya ng diretsong English. "Hubby, I'm pregnant! Aren't you happy?!"