Si Qiao Anhao ay hindi naninigarilyo, ni hindi niya rin gusto na naninigarilyo ang iba, at sa gayon ay hindi kailanman siya nagbigay pansin sa mga tatak ng sigarilyo.
Nang siya at si Lu Jinnian ay magkasama pa, siya ay bihirang naninigarilyo sa harap niya, ngunit nang sinubukan niyang hanapin ito ng ilang beses, nahuli niya ito sa akto. Sa totoo lang, si Lu Jinnian ay palaging mabilis ilabas ang kanyang mga sigarilyo. Magbubukas siya ng isang bintana upang maaalis ang usok nito, o dinadala siya sa iba pang lugar upang makipag-usap, ngunit nagawa pa rin nitong tandaan ang tatak ng pakete ng kanyang sigarilyo: Nanjin95 Supreme.
Ito ay sobrang pagkakataon ...
Sa maagang oras, si Qiao Anhao ay tumalon at umikot sa kama. Habang hindi siya makatulog, ang kanyang kutob ay nagpabalik-balik nanaman sa kanyang isip. Sa kanyang intuwisyon, biglang siyang naging sigurado sa nangyari kagabi ... sa pinaka-mahalagang sandali, ang tao na biglang lumitaw at humampas sa magnanakaw ay si Lu Jinnian!
Tumingin siya sa pakete ng sigarilyo. Ang kanyang dibdib ang biglang bumigat. Hindi niya namalayan na bigla nalang lumabas sa kanyang bibig ang pangalan nito at umiyak, "Lu Jinnian…"
Si Zhao Meng na nagtapon ng kumot sa basurahan ay hindi napigilang kumunot ang kanyang kilay nang marinig si Qiao Anhao na banggitin ang pangalan ni Lu Jinnian.
Sa mga nakaraang buwan sa set, madalas niyang biglang banggitin ang pangalan nito kapag siya'y tulala tulad niyan.
Isang kapaitan ang pumasok sa puso ni Zhao Meng habang nililiko ang kanyang ulo, na nais aliwin ang kanyang kaibigan. Ngunit pagkatapos, si Qiao Anhao ay tumingin din papunta sa kanya na may nakangiting hitsura ng sorpresa sa kanyang mukha. Habang hawak niya ang pakete ng sigarilyo, Si Zhao Meng ay hindi sinasadyang bumaba sa sahig, sabi niya, "Zhao Meng, Lu Jinnian, Lu Jinnian!"
Nang marinig ito ni Zhao Meng, nadama niya ang kalungkutan. Si Qiao ay maaaring nasapian ... Paano magiging pakete ng sigrailyo si Mr. Lu?
"Zhao Meng, siya iyon kagabi! Si Lu Jinnian yung kagabi!" Nang magsalita si Qiao Anhao, ang mga luha ay nagsimulang bumagsak, ngunit kasama nito ang napakagandang ngiti sa kanyang mukha. Mukha siyang nakatagpo ng isang bagay na kamangha-mangha.
Sa mga perlas ng luha na bumagsak sa kanyang mukha, nagmadali siya at masigasig na niyakap si Zhao Meng. Siya ay umiiyak at tumawa habang sinabing walang saysay, "Zhao Meng, Si Lu Jinnian ay nasa tabi ko. Ang taong dumating upang iligtas ako kagabi ay si Lu Jinnian!"
Nang matapos ang pagsasalita ni Qiao Anhao, inalis niya ang kanyang mga kamay na nakayapos sa leeg ni Zhao Meng, at hinawakan ang kanyang braso na para bang sabik na sabik na bata. Walang hinto nitong inugoy-ugoy at sinabi, "Zhao Meng, sinasabi ko sa iyo! Laging naninigarilyo si Lu Jinnian ng ganyang tatak ng sigarilyo! Siya iyon, walang dahilan na mali ako!"
Dahil doon, Si Qiao Anhao ay mahigpit na niyakap si Zhao Meng. Ang kanyang mga luha ay nahulog para bang mga tali ng perlas na pinutol putol. "Sigurado ako, nagmamalasakit pa rin siya sa akin! Sabi na! Mahal na mahal niya ako, papaano niya maiiwasan na iwan ako mag-isa?
"Zhao Meng, sobrang saya ko! Matagal na panahon ko siyang hinintay. Sa wakasa, nakita ko na siya ulit…"
"Ngunit hindi niya ako gustong makita. Malinaw na nagtatago siya sa akin kagabi! Kung hindi, bakit siya tumakbo sa takot pagkatapos niya akong sagipin!"
"Zhao Meng, tulungan mo akong mag-isip! Paano ko siya malilinlang ulit para siya'y lumabas?!"
Bagama't si Qiao Anhao ay biglang naisip ng isang seryosong bagay, hinila niya ang kanyang mga kamay mula kay Zhao Meng at tinitigan ang pakete ng sigarilyo. Tinagilid niya ang kanyang ulo, isang hindi mapigil na ngiti sa sulok ng kanyang mga labi. Pagkatapos, siya ay sabik na nagsabi, "Ano kaya sa tingin mo tungkol sa akin na magpapanggap na may sakit? Ngunit kung hindi ito seryoso, ano ang gagawin ko kung hindi siya lumabas? Hindi maganda ..."
Umiling si Qiao Anhao, pagkatapos ay biglang isang ideya ang pumasok sa kanyang isip. Inikot niya ang kanyang ulo, at may mga kumikislap na mata, tinitigan niya si Zhao Meng. "Paano kaya kung magplano tayo ng isang aksidente sa sasakyan?"