Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 581 - Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (12)

Chapter 581 - Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (12)

"Direktor! Paano naman ang hapunang pagdiriwang?! Ililibre mo ba kami pagbalik ng Beijing?" sigaw ng isang batang aktres.

"Oo! Oo! Oo, sagot ko" ang direktor ay pinaulit-ulit ito ng ilang beses. Ang mga masisiglang tao sa set ay tumawa at nagsaya. Ang ilan sa kanila'y talagang umiyak, "Salamat po direktor!"

Dahil ito'y isang makasaysayang pelikula, ang make up ni Qiao Anhao ay kumplikado at ang mga hakbang upang alisin ito ay mahirap. Pagkatapos niyang tanggalin lahat ito, may ilan-ilan na lamang na natirang miyembro ang natira sa set.

Nang siya ay lumabas sa silid, dalawang tao ay nangongolekta ng mga kalat sa sahig. Nang makita siya ng dalawang ito, mabait nilang binati "Hello Miss Qiao!"

Si Qiao Anhao ay nagbigay sa kanila ng banayad na ngiti, at sumagot ng isang "Hey", pagkatapos ay bumalik sa kung saan siya at si Zhao Meng ay naninirahan.

Ang lokasyon ng paggawa ng pelikula ay sa Jiangxi. Gaya ng dati, nanatili sila sa isang pansamantalang bahay. Kahapon, siya ay nagkaroon ng regla, kaya ang kanyang katawan ay tila nanghihina. Ngayon, siya ay kinunan lang buong araw kaya siya ay sobrang pagod.

Nang bumalik siya sa bahay, agad niyang humiga sa kama. Ito ay malalim sa panahon ng taglamig, at kaya ang panahon ay sobrang malamig. Ang bahay ay walang pang-init, na naging mas malamig kaysa sa labas. Si Qiao Anhao ay gumamit ng dalawang patong ng makapal na kumot upang mapainit ang sarili, ngunit tila walang makakapagpainit ng kanyang paa. Sa huli, ang magagawa niya lamang ay magtiis sa lamig.

Biglang sumagi sa isip niya ang kanyang pagkakaroon ng regla. Ito ay kalagitnaan na ng gabi, at siya ay tumakbo patungo ng Mian Xiu Garden upang bumili ng sanitary tuwalya, Nang hindi inaasahan bigla niyang nakasalubong si Lu Jinnian. Sa kadahilanang baka siya ay nasa panganib, sinamahan siya nito sa pamamagitan ng paglalakad patungo sa tindahan. Nang gabing iyon, nag-iwan siya ng pampainit sa kamay at luya sa harap ng kanyang pinto.

Ang dulo ng mga mata ni Qiao Anhao ay hindi mapigilang mag-init at itinago ang kanyang ulo sa ilalim ng kumot.

Apat na buwan na ang lumipas sa isang pikit lang. Sa apat na buwan na ito, ginugol niya ang lahat ng kanyang oras na hanapin siya, ngunit ang mundo ay napakalaki at ang mga dagat ay napakalawak, kung ang isang tao ay nais magtago mula sa iba, madali ito.

Gustong tanungin ni Zhao Meng kung ano ang nais ni Qiao Anhao na dalhin niya upang makain sa gabing iyon, ngunit alam niya na kung siya ay magtanong, wala itong makukuhang sagot. Pagkatapos ay lumakad siya sa tabi, na parang naramdaman niya ang isang bagay, at tinanggal ang mga takip.

Bilang inaasahan niya, nakita niya si Qiao Anhao na may bahagyang pulang mata at hindi napigilan ang isang banayad na buntong-hininga. Inabot niya ang kanyang kamay at tinulungan siyang punasan ang mga luha. "Iniisip mo nanaman si Mr. Lu?"

Ipinikit ni Qiao Anhao ang kanyang mata at walang ibang sinabi. Dalawang kristal na bola ng luha ang nasa kanyang pilikmata.

"Tinawagan mo ba ang assistant ni Mr. Lu ngayon?"

Isinara ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata at binigay ang isang magiliw na tungo. "Yeah."

"Hindi pa rin nakipag-ugnayan si Mr. Lu sa kanya?" Habang tinatanong ni Zhao Meng ang mga ito, nakita niya ang mukha ni Qiao Anhao at Nakita agad ang sagot. Pagkatapos ng isang mahabang buntong-hininga, sinabi niya, "Sabihin mo ... apat na buwan na ngayon. Nasaan sa tingin mo si Ginoong Lu?"

Walang niisang sinabi si Qiao Anhao.

Ang bahay ay tahimik. Pagkatapos ng ilang sandali, binuksan ni Zhao Meng ang kanyang bibig upang magtanong, "Qiao Qiao, kung hindi mo makita si Mr. Lu buong buhay mo, ano ang gagawin mo? Huwag mo akong sabihin na magpapatuloy ka tulad nito, hinahanap siya ?! "

"Uh huh," sagot ni Qiao Anhao sa isang malambot na tinig, ngunit may mga pahiwatig ng determinasyon at pagtitiyaga. "Magpapatuloy ako sa paghahanap, kung aabutin ng isang araw, maghanap ako ng isang araw, at kung tatagal ito ng buong buhay ko, maging ano pa man. Kahit anong mangyawi, sa oras na ito, hindi ako susuko."

Tiningnan ni Zhao Meng si Qiao Anhao na may tanging sakit sa kanyang puso. May gusto siyang sabihin upang maaliw ito ngunit sa bawat oras, ang kanyang mga salita ay tila labis na nakalulungkot.

Related Books

Popular novel hashtag