Itinulak ng assistant ang pinto sa villa, at nang matiyak na naka-lock na ito, nilingon niya ay kanyang ulo at tumingin kay Qiao Anhao. Iginalaw niya ang kanyang mga labi, ngunit tila'y nag-aalangan siyang sabihin ang isang bagay. Sa huli, binuksan niya ang pinto ng kotse, at sinabi kay Qiao Anhao, magalang pa rin tulad ng dati, "Miss Qiao, pumasok po kayo."
Ang isang kakila-kilabot na pakiramdam ang namuo sa puso ni Qiao Anhao nang tumayo siya roon habang nakatitig sa assistant, siya'y nanginginig, walang kulay ang labi at itim na mata.
Ang assistant ay nilingon ang kanyang ulo at tumingin patungo sa mga luntiang punungkahoy sa kalayuan na may namimighati na hitsura sa kanyang mukha. Pagkaraan ng ilang sandali, kumuha siya ng isang malalim na hininga, at pagkatapos ay tumingin muli kay Qiao Anhao at sinabi, "Miss Qiao, halos oras na ng hapunan ngayon. Kung hindi mo mamasamain at ikaw ay hindi abala, maaari ba kitang ilibre ng hapunan? "
"Bakit mo ba iniiwasan ang mga tanong ko?" lalong lumakas ang hinala ni Qiao Anhao. Ang takot ay nasa kanyang mga mata at ang kanyang labi ay nanginig. Tinanong niya, "Galit ba sa akin si Lu Jinnian? Ayaw niya akong makita, tama ba?"
Ang mga luha ay nahulog mula sa mata ni Qiao Anhao. Walang pakialam tungkol sa etiketa sa pagitan ng babae at lalaki, hinawakan niya ang braso ng assistant at nagmakaawa, "Sabihin mo sa akin kung nasaan siya, please? Alam kong alam mo kung nasaan siya. Pakiusap, sabihin mo sa akin."
Ang katulong ay nakaramdam pa rin ng galit sa puso para kay Qiao Anhao na hindi nagpakita sa 'Lijing Pavilion' at iniwan si Lu Jinnian upang maghintay ng matagal para sa kanya. Kahit na siya ay palaging magalang, ang tono ng kanyang boses ay nagpahiwatig ng panlilibak na mahirap matuklasan. "Magiging maganda kung si Mr. Lu ay talagang magagalit sa iyo."
Pagkatapos sabihin iyon ng assistant, Nakita niya ang umiiyak na mukha ni Qiao Anhao at mabilis na naawa. Sa huli, nagbigay siya ng buntong hininga at sinabi, "Ms. Qiao, pumasok ka muna ng kotse. Sasabihin ko sa'yo lahat sa hapunan, okey?"
Tumango si Qiao Anhao, binaba ang kanyang ulo at pumasok na sa loob.
Ang assistant ay pumasok na rin at pinaandar na ang sasakyan.
Nang malayo na ang distansya sa pagitang ng kotse at bundok Yi villa, Ang assistant ay kumuha ng dalawang tisyu at ibinigay ang mga ito kay Qiao Anhao na nasa tabi niya.
—
Nang ipunta ng assistant ang kotse sa daan kung saan ang 'Lijing Pavilion', tinanong niya, "Miss Qiao, ayos lang ba kung pumunta tayo sa Lijing Pavilion?"
Iniling ni Qiao Anhao ang kanyang ulo.
Matapos dumaan sa mga ilaw ng trapiko, ang assistant ay hindi nagsabi ng kahit isang salita, at lumiko sa paradahan ng Lijing Pavilion.
Dahil wala silang reserbasyon, lahat ng mga pribadong kuwarto ay nakuha na. Sa huli, ang katulong at si Qiao Anhao ay umupo sa isang liblib na lugar ng lobi.
Ang weyter ay dumating na may hawak na menu, at ang assistant ay pinasa agad ito kay Qiao Anhao. "Ms. Qiao, tingnan niyo po. Ano ang gusto mong i-order?"
Hindi tiningnan ni Qiao Anhao ang menu. Pasimple niyang sinabihan ang assistant, "Ayos lang ako sa kahit na ano."
Hindi na siya pinilit pa ng assistant at ibinalik ang menu sa harap niya at umorder ng ilang mga putahe.
Lahat ng mga putahe ay mga gustong kainin ni Qiao Anhao, at kaya itinaas niya ang kanyang ulo sa pagtataka at tumingin sa kanya. Tumingin din pabalik ang assistant sa kanya, ngunit nagkunwaring ito'y wala lang. Inabot niya pabalik ang menu sa weyter na may ngiti sa kanyang mukha, nagdagdag siya ng dalawang bote ng beer at isang tsaa.
Ang tsaa at beer ay dumating agad. Ang assistant ay personal na nagbuhos ng isang tasang tsaa at binigay kay Qiao Anhao, pagkatapos ay binuksan ang isang boteng beer.
Tahimik na sinabi ni Qiao Anhao, "Salamat" at itinaas ang tasa at humigop ng tsaa.
Ang assistant ay hindi tumugon, at kumuha ng isang lagok ng beer.