Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 568 - Minahal kita ng Labintatlong Taon (39)

Chapter 568 - Minahal kita ng Labintatlong Taon (39)

"Pa-la- ". Ang porselanang manika ay nabasag sa sahig, nawasak at naging maliit at matalim na pira-piraso na kumalat sa malayo.

Si Qiao Anhao ay hindi gumalaw sa puwesto sa loob ng kalahating minuto, na ang kanyang kamay ay nakasuspinde sa sandaling hinawakan niya ang manika, bago niya mapagtanto kung ano ang nagawa niya. Ang kanyang mahabang mga pilikmata ay kumislap ng ilang sandali, at pagkatapos ay natumba siya pababa. Tinitigan niya ang malaki at maliliit na mga piraso sa isang takot at sa isang pagkawala.

Ang kanyang mga kamay ay nanginig nang ilang sandali, bago niya dali-daling inabot ang kanyang mga kamay at kinuha isa-isa ang mga piraso. Sinubukan niyang buuin ang manika pabalik sa orihinal nitong itsura.

Gayunpaman, ang mga piraso ng porselana ay nawasak ng malubha, si Qiao Anhao ay hindi alam kung saan magkakasya ang mga piraso. Sa isang walang ingat na galaw, hindi niya sinasadyang masugatan ang kanyang sarili mula sa matulis na bahagi ng piraso na pinulot niya. Habang dumadaloy ang dugo palabas, hindi siya nakaramdam ng anumang sakit, ni hindi siya tumigil sa pagkuha ng mga piraso. Nang kunin niya ang pinakamalaking piraso, nakita niya ang isang plastik na tubo na may isang rolyo ng papel sa loob ng mga basag na piraso.

kumunot ang noo ni Qiao Anhao at hindi na nagdalawang isip pang pulutin ang piraso ng papel.

Ito ay isang magandang kalidad ng papel na makapal. Sa isang hila, ang papel ang nagbukas mismo. Pagkatapos ay nakita ni Qiao Anhao na ang papel ay puno ng mga salita.

Sa isang tingin lamang, agad niyang nakilala na ito ay makapal at kursibang sulat-kamay ni Lu Jinnian na mukhang natural.

"Unang taon. Ang unang pagkakataon na tayo'y nagkakilala, siya ay nakasuot ng pang-eskwelang uniporme; isang puting kamiseta at asul na palda. Sa taas ng taglagas, mayroon siyang pink na bisikleta, at isang mapanglaw na mukha.

Ikalawang taon. Ang mga araw ng tag-ulan ay hindi ang pinakamagandang bagay, ang paghahanap ng silungan sa ilalim ng bubong kasama siya.

Ikatlong taon. Umalis ako sa kalahati ng pagsusulit ng matematika, kaya maaari ko siyang maging kaklase.

Ika-apat na taon. Binigyan ko siya ng regalo sa kanyang kaarawan na may mga salitang 'Shmily' na naka-ukit sa likod. Sino ang nakakaalam kung mapapansin niya ...

Ikalimang taon. Isinuko ko ang aking pangarap na dumalo sa isang prestihiyosong unibersidad. Isinuko ko ang lahat ng mga plano kong mamuhay ng ordinaryong buhay upang pumunta sa Hangzhou para sa kanya. "

Habang binabasa ni Qiao Anhao ang bahaging ito, ang kanyang mga kamay, na nakahawak pa sa papel, ay nagsimulang manginig habang dahan-dahan niyang naintindihan ang kanyang binabasa. Ang ulap sa ilalim ng kanyang mga mata ay nagsimulang magsama-sama.

"Ikaanim na taon. Sa pamamagitan ng isang walang ingat niyang hakbang palapit, naamoy ko ang kanyang malambot na buhok. Na nagpanatili sa aking gising buong gabi.

Ikapitong taon. Isinuko ko ang napakalaking, karerang-pagbabagong opportunidad para sa kanya.

Pangwalong taon. Natulog ako sa parehong kwarto kasama siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hinalikan ko siya at sa parehong taon ay iginawad ang aking unang gantimpala ng tagumpay. Nagmadali ako papuntang Beijing ng isang gabi na malaman kong siya ay ikakasal na sa iba.

Ikasiyam na taon. Nagsimula ako sa paninigarilyo dahil sa kanya. Nanigarilyo ako at uminom ng buong gabi, nag-iisa sa aking silid. Umiyak ako para sa kanya buong gabi. "

Isang patak ng luha ang nahulog sa papel, na dumungis sa tuyo at itim na tinta.

"Ikasampung taon. Sa maraming pagkakataon, lihim akong nagtago sa isang sulok habang pinapanood ko siya ng ilang ulit.

Ikalabing-isang taon. Matapos makakita ng libu-libong iba't-ibang kababaihan, hindi ko namamalayang ikumpara sila sa kanya, at laging siya ang pinakamahusay sa kanila.

Ika-labindalawang taon. Mag-isa, tahimik akong nakadarama ng sakit, sobrang sakit kapag nakikita siyang masaya.

Ika-labintatlong taon. Ginawa ko ang pinakamahusay na desisyon sa aking buhay ... na mag-krus ang aming mga landas muli. "

Si Qiao Anhao ay pilit na kumakagat sa kanyang labi, ang mga luha ay tuloy-tuloy na bumabagsak pagkatapos ng isa.