Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 564 - Labintatlong taon kitang minahal (35)

Chapter 564 - Labintatlong taon kitang minahal (35)

Kagigising lang ni Qiao Anhao, pero hindi nagtagal ay muli nanaman siyang nakatulog. Dahil na rin siguro sa ilang araw niyang pagkakahimbing, hindi na ganun kahaba ang kanyang tulog. Noong magising siya, malalim na ang gabi. 

Napakatahimik ng buong paligid. Ilang araw ng puyat si Xu Jiamu kaya ngayon na gising na si Qiao Anhao, mas kampante na ito kaya nakatulog ito kaagad ng mahimbing sa kabilang kama. May tubo na nakakabit sakanya na mukhang swero. 

Sa ikalawang beses na nagising siya, di hamak na mas malinaw na ang kanyang isip kumpara noong unang beses niyang iminulat ang kanyang mga mata. Base sa naalala niua, nagkabanggaan sila ng mayordoma ng mga Xu siya nalaglag sa hagdanan. Ang sabi sakanya ng lahat ay apat na araw at apat na gabi na siyang walang malay… Buong apat na araw at gabi… Hinanap kaya siya ni Lu Jinnian?

Bago siya mawalan ng malay, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Lu Jinnian kaya noong mga oras yun ay gusto niya sanang humingin ng tawad. Paano kung hinahanap na siya ni Lu Jinnian nitong mga nakaraang araw pero hindi siya makapagreply…

Habang mas iniisip ni QiaoA nhao ang mga posibilidad, lalo lang siyang naguguluhan. Sinilip niya si Xu Jiamu na mahimbing ang tulog. Hindi nagtagal, habang nakakagat sakanyang labi ay hinila niya ang karayom na nakatusom sakanyang kamay. Nang matanggal niya na ang tubo, dahan dahan niyang hinawi ang kumot na nakapatong sakanya at tuluyan ng bumangon ng kama.

Pagkaapak niya sa sahig, parang may mga bituin siyang nakita kaya humawak siya sa gilid ng kama para masuportahan niya ang kanyang sarili. Nang maramdaman niya na mas mabuti na ang kanyang pakiramdam, dahan-dahan siyang humakbang. Wala namang problema sa kanyang paglalakad kaya nagawa niyang tumingkayad papalabas ng kwarto.

Wala na siyang ibang damit sa ospital kaya wala na siyang maisuot kundi ang hospital gown na kasalukuyan niyang gamit. Bago siya makalabas sa pintuan, bigla niyang naalala na wala nga pala siyang dalang pera kaya maingat siyang bumalik para kumuha ng pera mula sa bulsa ni Xu Jiamu.

Buti nalang at malalim na ang gabi kaya ang mga nurse na nakatoka sa gabi ay nagkanya kanya na rin ng pwesto sa pagtulog. Dahil dito, nagkaroon siya ng pagkakataon na makatakas.

Noong nasa entrance na suya, naramdaman niya na naubos na ang lahat ng mga natira niyang lakas kaya kinailangan niyang magpahinga sa gilid ng kalsaa bago siya makapara ng taxi.

-

Noong makarating na siya sa Ming Zhu Gardn, agad niyang inenter ang passcode sa pintuan para makapasok. Napakladilim ng buong apartment, at wala manlang ilaw na nanggaling sa kahit saan. 

Binuksan niya ang mga ilaw at nagpalit ng sapatos sa entrance bago siya dumiretso sakanyang kwarto na nasa taas. Lahat ng nakita niya ay parehong pareho sa iniwanan niya noong araw na naaksidente siya. Napakagulo pa rin ng kanyang changing dahil pagkatapos niyang sukatin ang kanyang mga damit, basta niya nalang na itinapon ang mga ito. 

Sinubukan niyang maglakad papunta sa gilid ng kama pero bigla siyang natumba. Hindi nagtagal, naisipan niyang kunin ang telepono ng apartment para tawagan si Lu Jinnian.

"I'm sorry, the number you dialed cannot be reached within your service area."

Biglang kumunot ang noo ni Qiao Anhao. Wala sa service area, hindi kaya wala lang battery ang phone?

Ibinaba niya ang telepono at humiga sa kama ng ilang sandali. Noong naramdaman niya na nanumbalik na ang kanyang lakas, dahan-dahan siyang tumayo. Nakita niya ang ipad na nakalapag sa coffee table kaya walang pagdadalwang isip siyang naglakad papunta rito. Noong hawak niya na ang kanyang iPad, agad siyang naglog in sakanyang WeChat.

Ilang sandali ring nagload bago siya nakapaglog in sakanyang account. Sunod sunod na nagsidatingan ang mga messages para sakanya. Pinaka malala sa lahat ay mayroon siyang isang group chat na umabot na sa sampung milyon ang mga messages na hindi niya pa nababasa. 

Agad na hinanap ni Qiao Anhao ang pangalan ni Lu Jinnian pero nakakalungkot dahil wala siyang nakitang ni isang message mula rito. Pero magkaganunpaman, ayaw niyang magpaawat kaya minessage niya pa rin ito,, [Nakauwi na ako sa Ming Zhu Garden.]

Pagkatapos niyang masend ang message niya para kay Lu Jinnian, nagscroll pa siya ng ilang messages na hindi niya pa nababasa. Ang kauna unahang pangalan na kanyang pinindot ay ang kay Zhao Meng. Napakarami nitong message sakanya na hindi niya pa nababasa kayaga ng "Andiyan ka ba?" o di naman kaya mga emojis. 

Una, nagreply muna siya kay Zhao Meng ng isang 'Yeah.' At noong muli sana siyang magtytype ng karugdong niyang sasabihin ay bigla namang nagsend si Zhao Meng sakanya ng isang exclamation mark na sinundan pa ng isang voiuce note. "Qiao Qiao, buhay ka pa ba? Alam mo bang halos mabaliw na si Mr. Lu kakahanap sayo?"

Related Books

Popular novel hashtag