Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 560 - Labintatlong taon kitang minahal (31)

Chapter 560 - Labintatlong taon kitang minahal (31)

Pagkatapos magsalita ni Qiao Anxia, ibababa niya na sana ang telepono pero narinig niya ang isang pamilyar na boses, "Miss Da Qiao…"

Biglang napahinto si Qiap Anxia sa kanyang ginagawa.

Ang assistant ni Lu Jinnian? Ibig sabihin si Lu Jinnian talaga ang naghahanap sakanya? Bakit naman siya hahanapin nito?

Napakaraming tumakbo sa isipan ni Qiao Anxia. May sampung segundo rin siguro siyang natigilan bago niya muling iangat ang telepono. "Pababa na ako."

Pagkababa niya ng telepono, agad niyang binitawan ang mga dokumentong hawak niya at nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina. Hindi niya na hinintay na magsalita ang kanyang secretary na nasa meeting room nang bigla siyang magsalita, "Iatras mo ang meeting ng isang oras". At dali-dali siyang tumakbo papunta sa elevator.

Pagkalabas niya sa elevator, agad niyang nakita ang assistant ni Lu Jinnian na nakatayo sa may entrance ng lobby. 

Nang marinig ng assistant ang tunog ng takong ni Qiao Anxia, dali dali itong lumingon at sinabi, "Miss, Da Qiao, hinahanap ka ni Mr. Lu."

Hinanap ni Qiao Anxia sa paligid si Lu Jinnian at noong hindi niya ito makita, biglang kumunot ang kanyang noo at sinabi, "Nasaan siya?"

"Hinihintay ka ni Mr. Lu sa sasakyan niya." Sagot ng assistant. 

Tumungo si Qiao Anxia at naglakad palabas. Matapos ang dalawang hakbang, bigla siyang huminto at itinuro ang isang café. Kung may kailangan siyang sabihin sa akin, doon nalang kami magusap."

"Sige, sasabihan ko si Mr. lu."

Hindi na sumagot si Qiao Anhao at naglakad na siya papunta sa café.

Humanap siya ng tahimik na pwesto at umupo. Pagkatapos niyang magorder ng dalawang kape sa barista, nakita niya si Lu Jinnian na papasok ng pintuan. Bigla siyang napakunot ng noo sa nakita niya.

Gusot na gusot ang damit nito at mayroon pa itong mantsa na muhang galing sa patak ng ulan. May mga bakas ng putik ito sa katawan at ang buhok nito ay sobrang gulo. Higit sa lahat, napaka putla ng mukha nito. Mas malala pa ang itsura nito sa isang pulubi. 

Sa tagal na kakilala ni Qiao Anxia si Lu Jinnnian, ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong ganun. 

Base sa pagkakaalala niya noong nasa middle school palang sila, mahirap talaga si Lu Jinnian at lagi lang naka uniporme pero kilala niya ito bilang malinis sa katawan.

Ano bang nangyari dito? Bakit mukha itong sobrang depressed?

Hinila ni Lu Jinnian ang upuan na nasa tapat ni Qiao Anxia para umupo. Tumungo lang siya bilang pagbati. 

Pinilit tanggalin ni Qiao Anxia ang mga haka haka na nararamdaman niya at nagtanong, "Nagorder ako ng coffee, sana ayos lang sayo?"

Muling tumungo si Lu Jinnian bilang pagtugon. Makalipas ang ilang sandali, nagpatuloy siya, "Salamat."

"Walang anuman." Nagayos si Qiao Anxia ng kanyang buhok at tinitigan si Lu Jinnian. "Gusto mo raw akong makita?"

"Qiao Qiao?" Sagot ni Lu Jinnian matapos siyang tanungin ni Qiao Anxia. Nagmamadali siyang nagpatuloy, "Nasaan si Qiao Qiao? Sabihin mo sa akin, gusto ko siyang makita."

So si Qiao Qiao pala ang hinahanap niya… Tama nga naman. Dapat malinaw na sakanya na simula umpisa, si Qiao Anhao lang talaga ang nasa puso ni Lu Jinnian. Dati, palagi itong nageeffort para lang makibalita kay Qiao Anhao.

Kung hindi para kay Qiao Anhao, bakit nga naman siya pupuntahan nito?

Pinilit ni Qiao Anxia na wag magpatalo sa bigat ng nararamdaman niya at muli siyang nagtanong, "Bakit mo hinahanap si Qiao Qiao?"

Related Books

Popular novel hashtag