Inihinto ni Xu Jiamu ang kanyang sasakyan sa tapat ng Huan Ying Entertainment. Naglakad siya papunta sa lobby at nakita niya ang isang babaeng hindi niya kakilala na nakaupo sa desk. Magalang itong lumapit sakanya para tanungin siya kung sinong hinahanap niya.
Sasabihin palang sana ni Xu Jiamu ang pangalan ni Lu Jinnian nang biglang magring ang kanyang phone. Sumensyas siya sa babae na sasagutin niya lang ang tawag.
Dahil sa mga sinabi ng mayordoma, biglang nagsiklab ang galit sa puso ni Xu Jiamu. Ibinaba niya ang tawag at imbes na sagutin ang mga tanong ng babaeng nasa front desk, galit na galit siyang naglakad papunta sa elevator para makarating sa pinaka mataas na palapag ng gusali.
Pagkabukas ng elevator, dumiretso siya sa opisina ni Lu Jinnian. Habang naglalakad, nadaanan niya ang lamesa ng secretary nito na agad siyang nakilala. Dali-dali itong tumayo para bumati, "Mr. Xu, nandito po ba kayo para makita si Chief Lu?"
Nagdire-diretso lang siya na parang walang narinig hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa opisina ni Lu Jinnian kung saan pagalit niyang binuksan ang pintuan nito.
Kasalukuyang nakaupo si Lu Jinnian sakanyang lamesa habang may kausap sa phone. Nang marinig niya ang malakas na pagbalibag ng pintuan, agad siyang napatingin at nakita niya ang galit na galit na mukha ni Xu Jiamu. Humingi siya ng tawad kausap niya at ibinaba ang kanyang phone. Noong sandali ring iyon, tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan na binalibag ni Xu Jiamu para isarado ito.
"Lu Jinnian, bakit mo isasara ang pintuan? Natatakot ka ba na marinig ng mga tauhan mo sa labas kung gaano kasama ang mga ginawa mo?" Bago pa maisara ni Lu Jinnian ang pintuan, bigla nalang hinatak ni Xu Jiamu ang kanyang kwelyo."
Nanlilisik ang mga mata nito habang galit na galit na nagsasalita. "Lu Jinnian, ginawa mo na! Una, napurnada ang investment ng nanay ko na may halagang ilang bilyon at ginamit mo 'yun para pabagsakin ang stock value ng Xu Enterprise dahil gusto mong bilhin ang malaking parte nito! Hindi ko alam na may ganito ka palang plano. Napakagaling mong magtago. Pagkatapos kitang tratuhin na parang tunay kong kapatid simula't sapul, bandang huli, ganito pala ang tingin mo sa akin, tama ba? Ipapaalala ko lang sayo na ang nanay mo ang maduming babae at hindi ang nanay ko…
Dahil sa mga huling sinabi ni Xu Jiamu, hindi na rin napigilan ni Lu Jinnian na mainis. Biglang nanlisik ang kanyang mga mata at sinabi, "Tapos ka na bang magsalita?"
Pagkatapos niyang magsalita, tinanggal niya ang kamay ni Xu Jiamu na nakahawak sa kwelyo niya at pagalit na nagpatuloy, "Ayokong pinaguusapan ang mga personal na bagay sa oras ng trabaho. Gusto ko sanang ipaliwanag sayo ang lahat pero hindi ko gagawin dahil kanyan kakitid ang isip mo. So, kung tapos ka ng magsalita, umalis ka na ngayon. Magpapanggap akong hindi narinig ang mga sinabi mo!"
"Lu Jinnian, wag ka ngang umasta na parang mas mataas at makapangyarihan ka sa akin. Anong karapatan mong isipin na mas magaling ka sa akin…"
Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, biglang binuksan ni Lu Jinnian ang pintuan at itinuro ang labas., "Uuliti ko. Ayokong pinaguusapan ang mga pribadong bagay sa oras ng trabaho. Bibigyan kita ng dalawang pamimilian, lalabas ka ng magisa o ipapatawag ko ang security para kaladkarin ka!"
Pagkatapos niyang magsalita, napatingin siya sa nakabukas na pintuan at nakita niya ang namumutlang mukha ni Qiao Anhao na nakatayo lang sa labas. Agad niyang itinikom ang kanyang bibig at hindi niya maialis ang kanyang tingin dito.
"Lu Jinnian, ipagdasal mo nalang na walang masamang mangyari sa nanay ko. Dahil kapag may nangyari sakanya, siguradong lagot ka sa akin!"