Nagising si Qiao Anhao sa kanyang panaginip ng frosty siyang tinitigan ng lalaki, umalis ito sa silong na para bang hangin siya sa paningin nito.
Nang hindi na makita ni Qiao Anhao ang lalaki ay saka siya dumiretso sa bus stop. Sumakay siya ng bus at naupo malapit sa bintana. Sinariwa niya ang alaala ng lalaking nakilala niya habang naka tingin sa basag paligid ng lungsod.
Critikal na parte ang third year highschool kaya tuwing nababalot ng napakaraming tanong si Qiao Anhao, pumapasok sa kanyang isip ang alaala ng lalaki sa tuwing nagpapahinga.
Hanggang sa graduation ay hindi niya pa rin ito nakikilala. Ngunit ng unang araw nila sa junior high nagkita ulit sila ng lalaki sa kanyang alaala nito kasama si Xu Jiamu at Qiao Anxia.
Nang ipakilala ni Xu Jiamu ang lalaki kay Qiao Anhao tumango lang ito sa kanya, para bang nakalimutan na nagkita sila habang umuulan. Nalaman lang ni Qiao Anhao ang pangalan nito kay Xu Jiamu.
Pagdating ng gabi nag-aaral si Qiao Anhao, hindi niya maiwasan na isulat ang pangalan na Lu Jinnian sa kanyang notebook.
Mabagal pero seryosong sinulat ito ni Qiao Anhao. Ang bawat guhit ng dalawang salita ay umuuki sa utak at puso ni Qiao Anhao.
Sa junior high ang bawat klase ay magkahiwalay base sa kanilang grado. Mataas ang grado nila Lu Jinnian at Xu Jiamu kaya pasok sila sa first class. Habang ang pangkaraniwang sina Qiao Anhao at Qiao Anxia naman ay pasok sa third class.
Malapit sina Xu Jiamu at Qiao Anhao sa isa't-isa kaya mas dumalas na magkita sila ni Lu Jinnian at binibigyan niya ng atensyon ang bawat pagkikita nila. Mas dumalas din niya itong iniisip sa gabi.
Hanggang sa na humaling siya dito. Tuwing dadaan siya sa banyo ay sadya siyang na daan sa first class para masilip si Lu Jinnian. Makita niya lang ito bumubilis ang tibok ng puso niya pero kung wala naman ito ay nalulungkot siya. Tuwing matatapos ang klase ay inaaya niya na mag-jog para makita niya si Lu Jinnian naglalaro ng basketball.
Lumipas ang isang taon. Sigurado si Qiao Anhao na kukunin ni Lu Jinnian ang science kaya nag-aral siya ng mabuti para makasama niya ito. Ito ang unang beses na ginawa niya ito.