Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 518 - Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (19)

Chapter 518 - Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (19)

"Hindi ligtas para sa isang babae na magstay sa hotel." Natigilan si Lu Jinnian bago niya sabihin ang naisip niya, "Kung gusto mo, sa bahay ka nalang muna?"

Natatakot siya na baka tanggihan ni Qiao Anhao ang alok niya kaya muli siyang nagsalita, "May trabaho ako tuwing umaga at kadalasan may mga ka'dinner ako, kaya madalas din akong wala dun."

Nahihiya si Qiao Anhao dahil iniisip niya nab aka makaistorbo lang siya pag pumayag siya…Tinignan niya si Lu Jinnian, na basang basa na ang kamay sa pawis gawa ng sobrang kaba dahil ito ang unang pagkakataon na naging protective siya sa isang babae.

Nagkatitigan sila at makalipas ang ilang sandali, sumagot si Qiao Anhao, "Kung ayos lang sayo, ayos lang din sa akin."

Biglang nablangko si Lu Jinnian pero hindi nagtagal, bumakas sa kanyang mga mata ang hindi maipaliwanag na saya. "Saan mo gustong magstay, sa mansyon o sa apartment?"

"Kahit saan," sagot ni Qiao Anhao habang kinukuha ang kanyang phone para icancel ang reservation niya sa hotel.

Medyo malayo sa siyudad ang mansyon na tinutukoy niya, at ang mansyon naman na nasa mismong siyudad ay katabing katabi lang ng bahay ni Xu Jiamu…Inisip niyang mabuti kung saan ba sa mga bahay niya ang pinaka magandang tumuloy si Qiao Anhao. Makalipas ang iIang sandali, muli siyang nagtanong, "Eh kung sa Ming Zhu Garden kaya? Medyo mataas yun at nasa puso ng siyudad kaya mas magiging convenient para sayo kapag may kailangan ka. Isa pa, maganda ang tanawin dun…"

Bago pa pa matapos si Lu Jinnian sa sinasabi niya, sumagot na si Qiao Anhao, "Sige."

Hindi na nagsalita si Lu Jinnian at nagmaneho na papunta sa Ming Zhu Garden.

Noong may nadaanan silang isang 24-hour supermarket, itinigil muna ni Lu Jinnian ang sasakyan para bumili ng ilan sa mga kakailanganin nila sa pang araw-araw.

Apartment lang ang bahay ni Lu Jinnian sa Ming Zhu Garden pero dalawang palapag ang taas nito at halos kasing laki lang rin ng mansyon niya sa Mian Xiu Graden.

Nang makauwi na sila, kinuaha ni Lu Jinnian ang susi para buksan ang bahay at pagkapasok niya, agad siyang kumuha ng tsinelas para kay Qiao Anhao. "Panglalaki lang ang meron ako, bibilhan nalang kita ng pambabae bukas."

Matapos magpalit ni Qiao Anhao ng tsinelas, dinala niya naman ito sa taas. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto na nasa gitna at sinabi, "Ito ang main bedroom, at nandoon ang kama, ayos lang ba sayo dito?"

Umiling si Qiao Anhao. 

Pero bago pa siya makapagsalita, biglang ibinigay sakanya ni Lu Jinnian ang mga pinamili nila at itinuro ang CR. "Maghot shower ka muna."

Habang naliligo si Qiao Anhao, dinala ni Lu Jinnian ang dalawang maleta sa changing room.

Pagkalabas niya ng CR, nakita niya na naihanger na ni Lu Jinnian ang mga damit niya sa changing room, at maging ang mga makeup niya ay nakaayos na rin sa lamesa.

Nakasuot siya ng maikling night gown na medyo malalim sa bandang dibdib, kaya kitang kita ang kanyang balingkinitang mga binti at kaakit akit na collar bones. Dahil katatapos niya lang mag'hot shower, medyo mamula mula at nangingintab pa ang kanyang balat.

Parang biglang tumuyo ang lalamunan ni Lu Jinnian. Dali-dali niyang ibinaling sa iba ang kanyang tingin at sinabi, "Magpahinga ka na."

At naglakad siya palabas ng kwarto.

-

Nakatulog kaagad ng mahimbing si Qiao Anhao at magaalas onse na ng umaga nang magising siya kinabukasan.

Ang unang pumasok sa isip niya ay kunin ang kanyang phone—bumungad sakanya ang napakaraming text messages na galing kay Lu Jinnian.

[Nasa cooler box ang breakfast.]

[Iniwan ko ang susi sa dining table.]

[Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ang number na 'to.]

Nagsend din ito ng napakaraming number ng iba't-ibang tao. 

Related Books

Popular novel hashtag