Chapter 499 - Divorce (20)

Habang nakaupo sakanyang owesto, pinakikinggan maigi ni Lu Jinnian ang sinasabi ng bawta magsasalita. Mukha man siyang kalmado pero sa totoo lang ay durog na durog na ang puso niya.

"Nakakaawa talaga yung babaeng galing sa Qiao family."

Nang sandaling marinig ni Lu Jinnian ang mga salitang iyon, biglang bumulusok sa kanyang isipin ang iba't-ibang imahe ni Qiao Anhao.

Naalala niya noong narinig niya sa recorder ni Qiao Anxia ang pagtatapat ni Qiao Anhao kay Xu Jiamu at ang mangiyak ngiyak nitong itsura noong nagising si Xu Jiamu…Unti unting napuno ang isipan niya ng mukha ni Qiao Anhao na sobrang lungkot na wala ng ibang ginawa kundi umiyak nalang ng umiyak.

Pakiramdam niya parang may sumuntok ng malakas sa puso niya at hindi niya namalayan na naputol niya na ang chopsticks na hawak niya sa sobrang lakas ng pwersa ng naging ng kamay niya. Gumawa ito ng isang malakas na "Pa!" kaya napatingin ang lahat sakanya. Noong mga sandali ring iyon, biglang nalang siyang tumayo. 

Walang emosyon siyang humingi ng pasenysa sa lahat ng mga kasama niya sa lamesa. Habang naguguluhang nakatingin ang lahat sakanya, kinuha niya ang kanyang jacket at sinipa ang kanyang upuan para makalabas. 

Maging ang assistant ay nablangko sa sobrang gulat sa biglaang ikinilos ng kanyang amo kaya dali dali siyang tumayo at humingi ng tawad sa lahat bago niya sundan si Lu Jinnian palabas.

Masyadong mabilis maglakad si Lu Jinnian kaya kinailangan niyang tumakbo para mahabol ito.

Sa dami ng dinner party na napuntahan ni Lu Jinnian, halos lahat ng klase ng tsismis ay narinig niya na. May kwento ng mga pinalayas, mga lihim na nagfifinance sa mga celebrity, o kaya naman ang tungkol sa isang nanay ay nagpakamatay kasama ang mga anak nito dahil iniwan ng asawa. Pero sa tuwing naguusap na ang lahat tungkol sa mga ganitong bagay, siya lang ang bukod tanging hindi nakikisawsaw. Nanatili siyang kalmado at walang imik sa isang gilid na para bang walang pakielam sa mga naririnig niya sa kanyang paligid.

May mga pagkakataon pa nga na sinasabi niya sa sarili niya na 'normal lang naman ang mga ganyang balita.Mahilig naman talagang maglaro ang mga mayayamang lalaki? O ano namang magagawa ko?'

Siguro kung noon niya narinig ang balita na may babae si Xu Jiamu, hindi naman takaga siya magagalit. Pero ngayon, galit nag alit siya na para bang siyang si Qiao Anhao na niloko.

Naalala niya pa na sinabihan ni Qiao Anhao si Xu Jiamu ng mga salitang, "In my whole life, I will only love you."

Sabay na lumaki sina Qiao Anhao at Xu Jiamu pero ngayon na magasawa na ang mga ito, malalaman niya na may ibang babae itong gustong pakasalan.

Hindi naman masamang tao si Lu Jinnian pero minsan ding sumagi sa isip niya na kapag naghiwalay na sina Qiao Anhao at Xu Jiamu ay baka magkaroon na siya ng pagkakataon. Pero ngayon na nalaman niya ang balita, ibang iba ang nararamdaman niya dahil hindi siya masaya o excited kagaya ng inasahan niyang magiging reaksyon niya; sa mga oras na ito, hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya. 

"Mr. Lu, Mr. Lu!"

Biglang napahinto sa paglalakad si Lu Jinnian noong narinig niya na may tumatawag sakanya. Nang makita niya ang kanyang assistant na hinihingal, agad niyang sinabi, "Ibook mo ako ng flight. Uuwi ako sa Beijing NGAYON!"

Gulat na gulat ang assistant sa inutos niya at sinabi, "Pero Mr. Lu, may meeting ka pa na kailangan mong puntahan bukas. Baka may kailangan kang pirmahang mga kontrata… Hindi ka pa pwedeng umuwi!"

"Maghanap ka nalang ng ibang aasikaso ng mga kailangang gawin, o icancel mo nalang ang lahat ng kailangan kong puntahan!" Walang baklas ng pagdadalawang isip si Lu Jinnian sa kanyang naging desisyon at muli niyang inulit, "Babalik ako ng Beijing ngayong gabi!"

"Mr. Lu…" Marami pa sanang gustong sabihin ang assistant kay Lu Jinnian pero bigla itong naglabas ng phone at nagbook ng ticket.

Hindi inalintana ni Lu Jinnian ang paulit ulit na "Mr. Lu" ng kanyang assistant. Pagkaputol ng tawag, dali-dali siyang pumara ng taxi pero bago siya umalis, iniwanan niya muna ng bilin ang assistant, "Magempake ka na at magcheck out sa hotel." At sinabi sa taxi driver, "Sa Airport."

Related Books

Popular novel hashtag