Halos kalahating oras na simula noong umalis si Lu Jinnian sa kweba nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas kaya natakot si Qiao Anhao na naiwan sa loob. Hindi nagtagal, tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan sa labas.
Maraming puno ang nakapaligid sa kweba na pinagsisilungan nila kaya bihirang pumatak ang ulan sa lupa.
Noong ikalawang beses na kumidlat, hindi na mapalagay si Qiao Anhao dahil natatakot siya na baka matamaan si Lu Jinnian. Sinubukan niyang tumayo at noong maglalakad na sana siya papalabas, saktong dumating naman ito na may dalang mga tangkay ng puno, kaya hinawi niya ang kanyang damit at muling umupo.
Dinagdagan ni Lu Jinnian ng tangkay ang apoy at noong nagbabaga na ang mga ito, kumuha siya ng ilang prutas para ibigay kay Qiao Anhao. "Kumain ka."
Tinignan ni Qiao Anhao ang kulay pulang prutas na para sakanya ay mukhang mansanas pero alam niyang hindi kaya medyo nagalangan siya noong una bago niya ito kunin.
Alam ni Lu Jinnian kung anong tumatakbo sa isipan ni Qiao Anhao kaya habang nagpapatuloy siya sa pagpapabaga ng mga tangkay, nagpaliwanag siya, "Prutas yan na sa kagubatan lang tumutubo. Dati, may matandan magsasaka ang nagsabi sa akin na yan daw ang palaging kinakain ng mga taong nakatira sakanila."
Sumagot lang si Qiao Anhao ng isang mahinang "oh" bago niya punasan ang prutas gamit ang kanyang damit. Kinagat niya ito at nasarapan naman siya dahil tamang tama lang ang magkahalong asim at tamis nito.
Nitong mga nakaraang araw, maraming ginawa si Lu Jinnian para mapalapit kay Qiao Anhao at wala siyang balak na magpatinag kahit lagi lang siyang iniiwasan nito.
Alam niya naman na simula nang magising si Xu Jiamu, balewala na siya.
Naghilamos siya ng sandali at bakas sa kanyang mukha ang lungkot noong nagpatuloy siya sa pag'asikaso ng apoy.
Lalo pang lumakas ang ulan sa labas kaya maraming tangkay ng puno ang naglalaglagan sa sahig.
Bukod sa tunog na nililikha ng ulan, maririnig din ang mga lumalagatik na tunog na nanggagaling sa apoy na nasa loob ng kweba.
Wala ni isa sakanila ang nagsasalita.
Nakadalawang prutas si Qiao Anhao at nang sandaling makaramdam na siya ng kabusugan, yumuko siya para pagmasdan ang apoy.
Makalipas ang ilang sandali, nagpatuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang jacket na pinatuyo niya at tumayo para ipatong ito sa balikat ni Qiao Anhao. "Kung pagod ka na, pwede ka ng matulog. Ako ng bahala."
Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian at may gusto sana siyang sabihin pero hindi niya magawa. Bandang huli, humiga nalang siya sa banig at ginamit ang jacket ni Lu Jinnian bilang kumot bago niya tuluyang ipikit ang kanyan mga mata.
Makalipas ang ilang sandali, narinig niya ang mga yabag ng paa ni Lu Jinnian na sa wari niya ay naglalakad palabas. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya na wala itong suot na pang'itaas at nakasandal ito sa bunganga ng kweba.
Kasalukuyan itong nagmamatyag sa paligid. Wala man itong anumang ipinapakitang kakaibang reaksyon pero pakiramdam niya ay malungkot ito.
Pero nagdesisyon siya na muling ipikit nalang ang kanyang mga mata at pilitin ang kanyang sarili na matulog.