Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 447 - Bakit ayaw mo sa anak ko? (8)

Chapter 447 - Bakit ayaw mo sa anak ko? (8)

Hindi magtatagal at magdidilim na ang kalaginitan. Sinilip ni Lu Jinnian ang babagsakan nilang bangin-di hamak na mas mababa ito kumpara sa nilaglagan nila kanina. Ang ibig sabihin lang nito, malapit na sila sa lupa kapag sinundan nila ang pagragasa ng tubig. 

Sinilip ni Lu Jinnian ang walang malay na si Qiao Anhao bago sila tuluyang magpaanod pababa.

Hindi niya na alam kung nasaan na sila pero dahil sa ilaw na nanggagaling sa buwan, natanaw niya na malapit na sila sa lupa. Noong halos kalahating metro naalang ang layo nila, naramdaman niya na nagumpisa ng humina ang agos ng tubig. Inunang iangat ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa dalampasigan bago siya umahon.

Sinubukan niyang lagyan ng pressure ang tiyan ni Qiao Anhao para lumabas ang anumang nainom nito. Buti nalang, hindi ito masyadong nakalunok ng tubig kaya medyo napanatag siya. Ngunit hindi pa siya nakuntento, kinapa niya rin ang noo at pinakiramdaman ang paghinga nito para siguraduhing hindi ito nilalagnat. Matapos niyang maayos naman ang lahat, doon palang siya tuluyang nakahinga ng maluwag.

Pinagmasdan ni Lu Jinnian ang lugar kung saan sila napadpad – kasalukuyan silang nasa isang gubat. Kinapa niya ang kanyang bulsa at inilabas ang kanyang phone, sirang kahon ng sigarilyo at lighter na pare-parehong basa.

Hindi niya na mabuksan ang kanyang phone dahil medyo matagal din itong nababad sa tubig pero pwede pang gamitin ang ang lighter.

Tinnignan niya ang basang damit ni Qiao Anhao at nagaalala siya na baka sipunin ito kapag hindi ito kaagad nakapagpalit. Hindi niya alam kung may darating ba para tumulong sakanila pero sigurado siya na mahihirapan silang humanap ng gamot sa oras na magkasakit si Qiao Anhao. Masyadong tuyo ang kagubatan kaya hindi siya pwedeng masindi ng apoy sa labas dahil mabilis itong kakalat.

Inisip ni Lu Jinnian kung anong dapat niyang gawin at hindi nagtagal, binuhat niya si Qiao Anhao papasok sa kagubatan para humanap ng masisilungan.

Wala siyang kaalam-alam sa lugar kaya lakad lang siya ng lakad. 

Buti nalang, maliwanag ang buwan noong gabing iyon kaya hindi siya masyadong nahirapang maglakad dahil nakikita niya ang daan…

Punong puno ang kagubatan ng mga nalagas na tuyong dahon at tangkay ng puno kaya sa tuwing hahakbang siya ay napuputol ang mga ito.

-

Nang sandaling imulat ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Nasaan na siya ngayon?

Iniangat niya ang kanyang ulo para tignan ang paligid niya. Nang makita niyang nasa kagubatan siya, biglang nagbago ang itsura niya at sinubukang alalahinin ang mga nangyari sakanya. Base sa pagkakatanda niya, nalaglag siya sa isang sapa habang nagfifilm sila at ang buong akala niya ay mamatay na siya. Hanggang ngayon nanginginig pa rin siya kapag iniisip niya ito.

Naramdaman ni Lu Jinnian na gumalaw si Qiao Anhao kaya sinubukan niyang lumingon pero hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito, kaya tinanong niya nalang ito ng mahinahon, "Qiao Qiao?"

Lalo pang naguluhan si Qiao Anhao noong narinig niya ang boses ni Lu Jinnian.

Bakit magkasama sila? Nanaginip lang ba siya?

Hinintay ni Lu Jinnian na sumagot si Qiao Anhao pero makalipas ang ilang sandali ay hindi pa rin ito nagsasalita kaya muli siyang nagtanong, "Qiao Qiao, gising ka na ba?"

Nahimasmasan lang si Qiao Anhao nang muli niyang marinig ang boses si Lu Jinnian at doon niya lang naalala ang nangyari. Noong oras na susuko na sana siya, naramdaman niya na parang may yumakap sakanya, pero ang akala niya ay guni-guni niya lang ang lahat….

Napagtanto niya na iniligtas siya ni Lu Jinnian, pero hindi niya talaga maproseso ng maayos ang mga nangyari kaya gulat na gulat siyang nagtanong, "Lu Jinnan, ikaw ba yan?"