Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 439 - Lihim na karamay (27)

Chapter 439 - Lihim na karamay (27)

Bukas ang unang araw ng pagfifilm ng 'Heaven's Sword' kaya naisipan ng direktor na manlibre ng dinner para sa lahat ng cast.

Si Qiao Anhao na ang pinakahuling dumating sa Hengdian at noong mga oras na iyon ay naguumpisa na ang dinner.

May ilang mga artista mula sa 'Alluring Times' ang nasa 'Heaven's Sword' din kaya nang makita siya ng mga kaibigan niya na paparating, masayang masaya ang mga ito na bumati sakanya. Hinila rin ni Cheng Yang ang bakanteng upuan na nasa tabi nito para may maupuan siya.

Habang naglalakad si Qiao Anhao papunta sakanyang upuan, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na humingi ng tawad dahil nahuli siya ng dating.

Nandoon din si Lu Jinnian at nakaupo siya sa tabi ni Qiao Anhao. Nakasandal siya sa upuan at ang isa niyang kamay ay nakapatong sa lamesa habang ang isa naman ay may hawak isang basong wine. Kagaya ng nakasanayan, tahimik lang siya habang nakikinig sa paguusap ng iba.

Si Qiao Anhao ang bidang artista sa drama at hindi maikakaila na maganda talaga ito kaya naman aliw na aliw dito ang mga investor at direktor.

Pero sa tuwing mangyayari ito, naiirita si Lu Jinnian.

Pagkarating ni Qiao Anhao, hindi pa siya kumakain pero nakaubos na siya ng pitong malalaking baso ng alak. Nang makita ni Lu Jinnian na naglalakad nanaman ang direktor papalapit kay Qiao Anhao, bigla nalang nagbago ang kanyang itsura kaya inilapag niya sa lamesa ang baso ng wine na nasa kanyang kamay at mahinahong nagsalita. "Alas siyete ng umaga ang umpisa ng ceremony bukas, at pagkatapos ng ceremony, lilipat tayo ng lokasyon na aabutin din siguro ng walong oras na biyahe. Tapusin na natin ito ng maagapara makapagpahinga na ang lahat."

Kumaway si Lu Jinnian sa waiter para mabayaran niya na kaagad ang bill.

Wala pang alas nuebe ng gabi at bihira lang din mangyari na kakain ang mga artista kasama ang producer at direktor kaya wala pa sa mga ito ang gusto sanang umuwi. Pero dahil kay Lu Jinnian na nanggaling ang utos, wala ni isa ang naglakas loob na tumuto at mabigat man sa loob ng marami, isa-isa na itong nagpaalam sa direktor at producer.

Medyo nakarami ng inom si Qiao Anhao kaya bago siya umalis, pumunta muna siya sa CR para umihi. Pero pagkasaradong pagkasarado niya ng pintuan ng cubicle, hindi niya inaasahan na makarinig ng paguusap ng ilang tao sa labas.

"Sino ang bidang babae? Bakit parang hindi ko siya maalala?"

"Nakasalubong mo siya sa CR kanina, kaya baka hindi mo siya nakilala. Siya yung pinakahulig dumating at ang alam ko Qiao Anhao raw ang pangalan niya? Maganda siya at siya rin ang second female lead sa 'Alluring Times'."

"Ah oo nga, siya yung kapareha ni Lu Jinnian diba! Mukhang sobrang prinopromote talaga siya ni Lu Jinnian ah, marami raw itong inassign na patalastas para kay Qiao Anhao, at ang lahat ng 'yun ay mga top tier pa. Ang balita pa nga, nagkaroon daw ng alitan ang mga board members pero wala lang daw imik si Lu Jinnian at bandang huli sinabi lang daw nito bago lumabas na "Wala kayong magagawa kung gusto ko siyang ipromote."

"Hindi pa dun natapos dahil inassign niya rin dito ang female lead role ng most invested movie ng taon pero noong pagkakataong 'yun, wala na ni isa sa mga board members ang sumubok na tumutol."

"Maalala ko lang, ang bidang babae sa 'Heaven's Sword' ay dapat pala ififilm sa Lijiang pero bigla nalang itong napalitan ng Jianghu. Base sa narinig ko, mayroon dawkas sa mga main cast ang may altitude sickness, kaya personal na kinausap ni Lu Jinnian ang direktor at screen writer na palitan ito ng last minute. Sa tingin mo ba, ang artistang may altitude sickness ay si Qiao Anhao?"

"Isa pa, nakalimutan mo ba na pumunta pa ang kumpanya natin sa Beijing para lang maghanap ng kasing katawan ni Qiao Anhao para gumanap sa mga mahihirap na stunts?"

"Pero ang ganung klaseng trato ay para lang sa malalaking artista, dalawang drama palang ang nagagawa niya, hindi ba maituturing siyang baguhan palang…?