Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 437 - Lihim na karamay (25)

Chapter 437 - Lihim na karamay (25)

Sa Hengdian nakatakdang ifilm ang 'Heaven's Sword'

Para sa unang araw, nagpumilit si Xu Jiamu na ihatid si Qiao Anhao sa trabahao.

Kumuha si Xu Jiamu ng mga business class na ticket. Nakaupo sila sa iisang hanay ni Qiao Anhao hindi talaga sila masasabing magkatabi dahil may makitid na daanan sa pagitan nila.

Naghanda si Zhao Meng ng pelikula sakanyang iPad para may mapaglibangan sila habang nasa byahe kaya nang sandaling magtake off ang eroplano, agad niya itong binuksan at inabutan si Qiao Anhao ng earpiece.

Kumuha si Xu Jiamu ng dyrayong inaabot ng air stewardess. Binuklat buklat niya ito pero bigla nalang siyang napahinto nang makita niya ang isang litrato na nasa bandang gitna ng ikalawang pahina.

Nakasuot si Song Xiangsi ng isang makintab na long dress at habang nakatayo sa red carpet, masaya itong nakangiti na medyo nakatagilid ang mukha na para bang ipinapakita nito ang prominente nitong panga.

Matagal a nakatitig si Xu Jiamu sa litrato bago niya naiinis na isara ang dyaryo. Tinupi niya ito at isinksik sa lalagyanan ng mga magazine. Noong sandali ring iyon, sinilip niya sina Qiao Anhao at Zhao Meng na tutok na tutok sa iPad na nasa harapan ng mga ito pero nang tignan niya ang screen, isang pamilyar na mukha nanaman ang kanyang nakita – isang close up shot ni Song Xiangsi.

Huminga siya ng malalim at sumadal sakanyang upuan. Hindi nagtagal, ipinikit niya ang kanyang mga mata pero wala siyang ibang maisip kundi ang ala ala na sinampal siya ni Song Xiangsi noong nakaraang buwan.

Wala siyang ideya kung bakit siya biglang sinampal nito, pero sobrang nagalit siya sa ginawa kaya hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at sinampal niya rin ito ng malakas.

Hindi niya itinatanggi na napalakas ang pagkakasampal niya kay Song Xiangsi dahil maging siya ay nasaktan din.

Agad agad siyang nagsisi at lumuhod sa harapan nito para humingi ng tawad.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata, wala siyang nakitang anumang bakas ng luha sa mga ito. Nanatili pa ring kalmado ang mukha nito na para bang hindi nito naramdaman ang sampal niya, sa halip, nagawa pa nitong tumayo at makapagayos ng sarili.

Para bang hindi niya ito sinampal….

Ganun din ang nangyari noong araw na naaksidente siya…

Bandang alas otso ng gabi, nagmamadali siyang pumunta sa airport upang sunduin si Song Xiangsi galing sa France para sa trabaho. Nag'gabihan pa sila at binigyan niya rin ito ng regalo noong gabing iyon. Agad silang dumiretso sa apartment, at atat na atat niyaitong hinubaran. Kagaya ng nakasanayan, sumunod naman ito sa lahat ng gusto niyang mangyari.

Pero nang tuluyan niya na itong mahubaran at saktong papasukin niya na sana ito, bigla niya nalang narinig ang malumanay nitong boses, "Jiamu, maghiwalay na tayo."

Wala na siyang ibang maalala kundi kung gaano sila kalapit sa isa't-isa noong mga oras na iyon. Ang buong akala niya ay nagbibiro lang si Song Xiangsi kaya hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy pa rin siya sa paghalik sa mukha nito.

Pero bigla siyang tinulak nito, at muli nanamang inulit ang sinabi nito, "Jiamu, maghiwalay na tayo."

Tinignan niya si Song Xiangsi at nakita niya sa mga mata nito kung gaano ito kaseryoso. Noong nagaaral palang sila, lumapit ito sakanya para ibenta ang sarili nito dahil kailangan nito ng perang pambayad sa mga ginastos nito ospital para sa tatay nitong may sakit. Noong mga panahong iyon, nabili niya lang ito ng limampung libo. Pitong taon silang nagsama, pero kahit kailan ay wala silang maituturing na klarong relasyon, at ngayon, bigla nalang nitong gustong makipaghiwalay sakanya.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit siya sobrang nagalit noong gabing iyon. Siguro dahil sobrang naapakan nito ang kanyang pride kaya inisip niyang maigi kung ano ang pwede niyang isagot. "Tayo ba?"