Para sakanya, ang gabing iyon ang pinaka mahaba at pinaka nakakapagod na gabi sa buong buhay niya.
Walang sinuman ang nakakaalam kung anong pagpipigil ang kinailangan niyang gawin sa bawat segundo ng bawat minutong lumipas noong gabing iyon.
Wala ring nakakaalam kung ilang beses siyang sumilip sa masyon ni Xu Jiamu.
At higit sa lahat, walang nakakaalam kung ilang beses siyang umiyak.
Noong gabing iyon, hindi talaga mapakali ang kanyang puso. Tumatagos sakanyang buto ang sakit na kanyang nararamdaman, at hindi niya alam ang kanyang gagawin… Sabay-sabay niyang naramdaman ang lahat ng klase ng emosyon na maari niyang maramdaman.
Kung siya ang tatanungin, ayaw niya na sanang muling maramdaman ang sakit na tiniis niya sa noong gabing iyo.
Nang magumpisa ng sumikat ang araw, doon niya palag naramdaman ang pagod sa nakalipas na magdamag. Pinilit niya ang kanyang sarili na maglakad pabalik sa kanyang mansyon at iwanan ang kanyang kintatayuan na punong puno ng mga upos ng sigarilyo.
-
Kahit mas bumuti na ang pakiramdam ni Xu Jiamu, hindi pa rin siya maituturing na lubusan ng magaling at hanggang ngayon ay madali pa rin siyang mapagod. Noong gabing iyon, sobra siyang napagod dahil marami siyang niluto para sakanyang mga kaibigan at medyo matagal din siyang nakipagusap sa mga ito. Kinailangan niyang magpalipas ng gabi sa Mian Xiu Garden dahil hindi niya nadala ang kanyang sasakyan noong tumakas siya. Natulog siya sa sofa at nang magising siya ng bandang alas otso ng umaga, agad siyang tumawag ng taxi para makauwi.
Katatapos lang ni Qiao Anhao na gumawa ng patalastas kaya wala na siya masyadong gagawin. Nang sumunod na linggo, nanatili lang siya sa Mian Xu Garden para magpahinga at mauod ng mga pelikula.
Bakod lang ang pagitan ng mga mansyon nina Xu Jiamu at Lu Jinnian kaya madaling matanaw kung ano ang ginagawa ng nasa kabilang bakuran.
Halos isang linggo ng hindi nagkakasalubong sina Qiao Anhao at Lu Jinnian simula noong huli silang magkita sa kauna-unahang pagkakataon matapos nilang maghiwalay.
Madalas, humihiga si Qiao Anhao sa balcony para magbasa ng libro at sa tuwing gagawin niya ito, hindi niya nakakalimutang silipin ang katabing mansyon pero lagi niya lang nakikita na nakasara ang malaking pintuan nito. Halatang wala ng nagaasikaso rito dahil punong-puno ang sahig nito ng mga nalagas na dahon at bulaklak
Nagkasalubong sila ni Lu Jinnian sa unang araw ng sumunod na linggo.
Pumirma si Qiao Anhao sa Huan Ying Entertainment. Kadalasan, hindi siya nagpupunta sa opisina dahil wala naman siyang gagawin pero tuwing Lunes, kailangan niya talagang pumunta.
Hindi siya kaagad nakatulog noong gabi ng linggo kaya tanghali na siyang nagising kinabukasan. Noong araw din na iyon, masyadong abala si Zhao Meng sa mga dapat nitong gawin at nagsabi ito na hindi siya masusundo nito. Hindi rin siya makapagmaneho dahil dala nito ang kanyang sasakyan kaya naisipan niyang tumawag nalang ng taxi. Kumain muna siya sa isang restaurant bago siya dumiretso sa Huan Ying Entertainment.
Medyo naiinip si Qiao Anhao sa opisina dahil wala magisa lang siya at wala siyang makausap. Kinuha niya ang kanyang phone para maglibang pero nang nasa kalagitnaan na siya ng kanyang paglalaro, bigla siyang may natanggap na mensahe sa kanyang WeChat.
Nagexit siya sakanyang laro at pinindot ang WeChat para tignan ang mga notifications ng kanilang group chat.
Sa groupchat na tinignan niya, kaunti lang silang nandoon; sila-sila lang na madalas magkita-kita. Halos kalahating oras na ang nakakalipas, nagyaya si Qiao Anxia ngayong gabi na manlilibre ito ng karaoke sa Royal Palace.
Hindi pinansin ni Qiao Anhao ang mga naguusap sakanilang WeChat group. Noong una, hindi napansin ang message at nakita niya lang ito noong tinag na siya ni Qiao Anxia kaya agad siyang nagreply, [Wala akong dalang sasakyan ngayon kaya mahihirapan akong pumunta.]
Hindi nagtagal, tinag din ni Qiao Anxia si Xu Jiamu na mabilis ding sumagot, [Qiao Qiao, nasan ka ngayon?]
[Nasa office]
Medyo matagal bago muling sumagot si Xu Jiamu sa group chat, [Mag'out ka na kaagad sa trabaho mo. Susunduin kita.]
Hindi na sumagot si Qiao Anhao at bumalik na sa paglalaro.
-
Inihinto ni Xu Jiamu ang kanyang sasakyan sa ibaba ng Huan Ying Entertainment at agad niyang tinawagan si Qiao Anhao para sabihin na nagaantay na siya.