Ilang sandali pa ang lumipas na nanatiling nakapatong si Lu Jinnian sa ibabaw ni Qiao Anhao, maraming beses siyang huminga ng malalim bago siya tuluyang mahimasmasan mula sa napakagandang nangyari sakanila. Hinimas niya ang mahabang buhok ni Qiao Anhao at dahan-dahang yumuko para halikan ang noo nito. Pagkabalik niya sa kanyang orihinal na posisyon, muli niya itong nilapitan para yakapin ito bago niya tuluyang ipikit ang kanyang mga mata.
Nang maramdaman ni Qiao Anhao na lumalim at humaba na ang paghinga ni Lu Jinnian, dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at kinapa ang parte ng kanyang noo na hinalikan nito. Ilang oras na ang lumipas at medyo malamig na rin, pero hindi ito iniinda ng kanyang katawan na kabaliktaran pagdating sa kaloob looban niya dahil pakiramdam niya ay parang nagyeyelo ang kanyang puso at ang kanyang isip ay punong puno ng imahe ng pirma ni Lu Jinnian sa abortion form. Dahil dito, muli anamang nagluha ang kanyang mga mata hanggang sa hindi niya na ito napigilang umagos sa kanyang mukha.
Kinamumagahan, pagkagising ni Lu Jinnian, ramdam niya na sobrang sakit ng kanyang buong katawan pero hindi nito nabawasan ang saya na nararamdaman niya at sa halip ay naghihintay pa siya ng anumang kasunod. Tumingin siya sa kanyang gilid at laking gulat niya nang makita niyang wala si Qiao Anhao sa tabi niya. Hindi niya alintana na hindi pa siya nakakapag'ayos ng kanyang sarili at dali-dali na siyang tumakbo pababa.
"Madam Chen! Madam Chen!"
Dahil sa kanyang pagsigaw, biglang bumukas ang pintuan ng kusina at lumabas si Qiao Anhao. Nakatali ang mahaba nitong buhok, at may suot na apron habang ang isa nitong kamay ay may hawak na sandok.
Biglang natigilan si Lu Jinnian. "Nasaan si Madam Chen?"
"May kailangang asikasuhin si Madam Chen sa bahay nila," sagot ni Qiao Anhao habang tumatakbo pabalik sa kusina para pahinaan ang apoy. Muli niyang sinilip si Lu Jinnian at sinabi, "Nagluto ako ng breakfast, pwede ka ng kumain pagkatapos mong maligo."
Nagluto siya ng breakfast?
Sinilip ni Lu Jinnian ang kusina at nagmadali siyang umakyat sa kwarto nila para maligo, magpatuyo at magpalit ng mabilisan. Wala siyang sinayang na oras at agad din siyang tumakbo pababa ng dining area. Nakita niya si Qiao Anhao na nakatayo malapit sa dining table habang sumasalok ng lugaw kaya bigla siyang natigilan at manghang-mangha na pinagmasdan ito.
Naramdaman ni Qiao Anhao na dumating si Lu Jinnian kaya agad niyang iniangat ang kanyang ulo at masayang ngumiti. "Umupo ka na."
Walang imik na naglakad si Lu Jinnian papunta sa dining table. Punong puno ang lamesa ng mga pagkain na hindi naman pangkaraniwang kinakain para sa umagahan. Nagtataka niyang tnignan si Qiao Anhao at nagtanong, "Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?"
Inilapag ni Qiao Anhao ang isang mangkok ng lugaw sa harap niya. "Ito ang unang pagkakataon na nagluto ako kaya hindi ako sigurado kung masarap."
Hindi kaagad nakagalaw si Lu Jinnian pero noong sandaling titikim na sana siya, napansin niya na may tissue sa kamay ni Qiao Anhao. Nakita niya na may dugo ito bigla agad siyang napatayo at dali-daling hinawakan ang kamay nito. "Nasugatan ka?"
"Ayos lang, nasugatan ko yan noong naghihiwa ako ng gulay." Sinubukang agawin ni Qiao Anhao ang kanyang kamay para itinago ito.
Biglang nagbago ang itsura ni Lu Jinnian. Tinanggal niya ang tissue na hawak ni Qiao Anhao at nang makita niya ang sugat nito, lalo pang nagbago ang kanyang itsura at agad siyang lumabas ng dining area.
Bumalik din siya kaagad at sa pagkakataong ito ay may dala na siyang antiseptic at plaster. Lumuhod siya sa harap ng upuan nito. Gamit ang antiseptic, nilinisan niya muna ang sugat bago ito maingat na takpan ng plaster. "Kung wala si Madam Chen, pwede ka namag magpadeliver. Wag ka ng magluto ulit."
Yumuko si Qiao Anhao para tignang mabuti ang kanyang sugat na kasalukuyang ginagamot ni Lu Jinnian hanggang sa maramdaman niyang unti-unti nanamang namumuo ang mga luha sakanyang mga mata kaya agad niyang ibinaling sa malayo ang kanyang tingin.